Hello there. If you are a new reader, please check out the first part of the story. Thank you.
https://read.cash/@icary/the-mysterious-new-student-part-1-02a76973
Hermione's POV
Isang malamig na tubig ang bumuhos sa 'kin na naging dahilan ng pagkaroon ko nang malay. Sinubukan kong idilat ang aking mga mata ngunit may kung anong nakaharang dito. Ramdam ko ang basang telang nakapiring sa akin. Sinubukan kong igalaw ang aking kamay at paa ngunit magkabigkis ito at ramdam kong nakatali ng lubid. Hindi rin ako makasigaw sapagkat may kung anong nakasapal sa aking bibig. May narinig akong mga yapak nang paa na papalapit sa 'kin.
"You're finally awake"
Pagkasabi niya nito'y tinanggal niya ang aking piring kitang-kita ko ang pag-ngiti nito na parang demonyo sabay lingon nito sa isang lalaking nakabitin ang dalawang kamay gamit ang kadena, puno ng pasa at sugat na animo'y pinahirapan nang husto. Aninag ko ang mukha ng lalaking ito kahit na hindi masyadong maliwanag sa silid kung nasaan kami naroroon. Hindi ako maaaring magkamali iyon ay si Jason ang kaklase kong Top 4.
Muli kong ibinaling ang mata ko kay Harry na ngayon ay nakatayo sa aking harapan, nanginginig ang buo kong katawan sa takot ngunit wala akong magawa sa mga oras na ito. Tumingin naman ito sa 'kin at bigla akong nginisihan.
"You wish I didn't know your plans, hmm?" inilapit nito ang kanyang mukha at dahandahang gumapang ang mga daliri nito sa aking pisngi na siyang nakapagpangilabot sa aking buong katawan.
"Huwag kang mag-alala, unlike them I'll give you a choice, Ms. Top 10," bulong nito sabay ngisi at hinalikan ako sa noo. Gustuhin ko mang sumigaw ay wala akong lakas at hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Bumalik ang tingin nito kay Jason na ngayon ay nagising at nagsisisigaw sa sakit, nilapitan niya ito at sinikmuraan ng ilang ulit dahilan upang sumuka ito ng dugo.
Nangingilabot ang aking katawan at hindi na napagilan ang pagtulo ng luha sa aking mata. Muli itong lumapit sa akin at tinanggal ang nakalagay sa aking bibig. Agad ko itong dinuraan at nakaamba na siyang sampalin ako ngunit hindi niya ito ginawa bagkus ay pinunasan lang niya ang kaniyang pisngi at sinipsip ang daliri nito at dinilaan ang kanyang hawak na patalim.
"Bakit mo ba ginagawa sa 'min 'to, ano bang gusto mo?" pagmamakaawa kong tanong sa kanya habang nanginginig ang aking boses.
"Sasabihin ko lang sa'yo kung bakit ko ito ginagawa kung tutulungan mo ako, kaya kung ako sa'yo..." habang nagsasalita siya ay panay ang aking pumiglas kaya naman nairita ito sa 'kin.
"Huwag ka nang magmatigas, wala rin namang mangyayari kung susuway ka pa," sambit nito.
"I'll give you time to think," dagdag nito at tinapik ang pisngi ko at saka lumabas.
Sinamantala ko ang pagkakataong iyon at sinubukang alisin ang pagkakatali ng aking kamay mula sa likod ng upuan. Pinipilit kong abutin ang kutsilyong kanina'y hawak niya na nailapag sa sahig para mapunasan ang kaniyang mukha kanina mula sa aking pagkakadura na siyang naging dahilan nang pagkakatumba ng aking kinauupuan pakanan ngunit hindi ko ininda ang sakit at pilit na kinakapa ang patalim. Naabot ko ito at unti-unting kinalas ang pagkakatali ng aking kamay.
"Trying to escape?" nagulat ako nang nakita ko siya sa pinto. I see anger and sadness in his eyes. May dahilan kung bakit niya ginagawa 'to. I just need to stay alive if I want to know.
Itinayo niya ang aking kinauupuan at inalis ang patalim na aking inaabot. Naglakad-lakad siya ng mabagal sa silid habang ang kaniyang dalawang kamay ay nasa likod. Hinarap niya muli si Jason na namumutla na sa dami nang dugong nawala rito.
"Sige, payag na ako," sambit ko sa kanya at siya'y napangiti.
"Good girl, I want you to prove it darling," sabi nito na may malambot na tugon. Lumapit siyang muli sa akin at inalis ang lubid na nakabigkis sa aking kamay at sabay na inabot sa akin ang kutsilyo na kinuha niya mula sa akin kanina at saka itinuro si Jason.
"I want you to kill him," dagdag nito at dahan-dahan kong inabot ang inilahad niyang patalim. Aamba na sana akong saksakin siya ngunit may inilabas itong baril. Itinutok niya ito sa akin.
"What are you trying to do darling? Want me to try this out to you?"
Nagulantang ako sa kanyang hawak kaya naman hindi ko na sinubukan pang gawin ang aking balak. Habang nakatutok ang baril sa akin ay inutusan niya akong muli.
"Walk towards him," utos nito habang nakatutok sa akin ang baril. Napapikit ako habang dahan-dahang nilapitan si Jason.
"Now, stab him in his left chest," dagdag nito nang makalapit na ako kay Jason.
Tinignan ko ang nakakaawang tingin sa mata ni Jason, nakikita ko rito ang takot at paghihirap na kanyang pinagdaanan, lumingon naman ako kay Harry at nakita ko ang galit naman sa mata ni Harry nang biglang magring ang phone ko kaya't mabilis itong hinablot ni Harry.
"Please don't make me do this," pagmamakaawa ko nang inilapit niya sa akin ang baril at phone.
"Don't you ever make a mistake," pagbabanta nito at sinagot ang tawag.
*Sa kabilang linya*
"Anak, nasaan ka na ba? Nakailang tawag na kami sa'yo pero'di mo sinasagot. Nag-aalala na kami, umuwi ka na. Wala ka bang pasok? Saan ka natulog?" tuloy-tuloy nitong sabi at halata ko sa boses ng nasa kabilang linya ang pag-aalala. Pilit kong ikinalma ang aking sarili at saka nagsalita.
"Ma, sorry hindi ako nakapagpaalam, nandito ako sa bahay ng kaklase ko, may ginawa lang kaming project," pinipigilan kong humikbi upang hindi niya mahalata ang nangangatal kong boses. Gusto kong humingi ng tulong ngunit sa sobrang takot ko ay hindi ko nagawa.
Muli pa sana akong magsasalita ngunit binaba na nito ang tawag.
"Enough, now do what I told you and you may go home, may tatapusin pa ako," mando nito at muling itinutok sa 'kin ang baril. Wala na akong magawa kung hindi sumunod sa pinag uutos nito.
"I-I'm sorry Jason, I'm sorry," napasandal nalang ang ulo ko sa kanyang dibdib at siya'y aking niyakap.
"I'm really sorry, patawarin mo 'ko," napasigaw nalang ako bago ko tuluyang ibaon ang patalim sa kanyang dibdib.
Nakita at narinig ko ang sakit na naramdaman ni Jason, ang buo kong katawan ay hindi na makagalaw sa aking nakikita. Wala na si Jason, namatay siya sa aking mga kamay. Hindi ko na alam ang mga susunod na nangyari, natulala na lamang ako at hindi ko namalayan na hinatid pala ako ni Harry sa bahay namin.
Hindi ko inakalang makakauwi pa ako nang buhay, nakatulala lang ako ng mapansin ako ni mama.
"O anak, bakit ang lungkot mo yata? May nangyari ba?" nakatulala pa rin ako nang iwasiwas niya ang kaniyang palad sa harap ng aking mukha.
"Wala naman ma, okay lang ako," tanging tugon ko rito at nagpaalam na pupunta na sa kwarto. Pagkapasok ko ay agad akong tumingin sa salamin, kitang-kita ko ang aking repleksyon na mukhang balisang-balisa ang hitsura at binabalot ng konsensya ang buo kong pagkatao dahil sa aking nagawa dahil yun nalang ang tanging paraan para manatili akong humihinga.
Kinuha ko ang aking telepono at sinubukang maglibang habang nakahiga ng pabalangbang sa aking magulong higaan. Naghahanap ng taong pwede kong matawagan kasabay nito ang pag-iisip na kung gaano siya katiwalang hindi ako magsusumbong sa kahit na sinuman. Just how he sense my fear is driving me insane. I can't explain but fear is conquering me para hindi magawa ang dapat kong gawin.
Natapos ang araw na iyon at puno pa rin ako nang takot, hindi ko magawang pumasok sa eskuwelahan dahil kinukusig pa rin ako nang aking konsensya sa nagawa ko Jason. Gabi gabi kong nakikita ang mga pangyayari nang mga araw na iyon kaya naman mas naging determinado akong malaman kung bakit niya ito ginagawa sa amin.
Sa pagod ko sa kaiisip at kawalan nang gana para kumain at matulog nitong mga nagdaang araw ay naisipan ko munang umidlip nang biglang may tumawag sa 'kin. Tanging numero lamang ang nakalagay sa screen kaya nag-aalangan akong sagutin ito ngunit curiosity ko pa din ang nanaig.
"Hello? Sino po sila," magalang kong bungad sa 'di ko pa nakikilalang kausap mula sa kabilang linya.
"You're making me wait, bakit ang tagal mong sagutin?" tanong nito na may napakamanly na boses, natunugan ko agad ito at alam kong si Harry ang nasa kabilang linya.
"Paano mo nakuha number ko?" tanong ko sa pagtataka kung paano.
"Remember when I held your phone? I just quickly saved your number," sagot nito at rinig ko ang mahinang pagngisi nito sa telepono.
"Anong kailangan mo? Bakit ka napatawag?" tanong ko at hinapit ang kumot upang kumutan ang aking katawan.
"I need you here, we have a business to settle and sasabihin ko na din sa'yo yung dahilan kung bakit ko nga ba ginagawa 'to, diba yun naman yung gusto mong malaman, bilisan mo and I have a surprise for you," mahabang paliwanag nito, dala na rin siguro nang aking takot at kuryosidad kaya dali-dali akong nagbihis at nagpaalam sa aking mga magulang at agad din naman akong pinayagan.
Sa wakas ay malalaman ko na din ang dahilan. Agad akong nagtungo sa kanilang bahay at tanaw ko na ang kaniyang presensya habang ako'y papalapit.
Binigyan niya ako ng ngiti at niyakap, hindi ko alam kung bakit parang walang angal ang katawan ko rito at tila nagugustuhan pa ang nangyayari. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa loob. Nagpaubaya naman ang katawan kong sumunod. Nang nasa pinto na kami ay naglabas siya ng puting panyo at piniringan ako.
"Anong pakulo na naman 'to Harry?" tanong ko habang nakapiring at inaalalayan niya papasok ng bahay.
"You'll see," maikling sagot nito at patuloy kami sa paglalakad nang tumigil ito at dahan-dahang tinanggal ang aking piring.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at nagulat sa aking nakita. Isang napakaromantic na ambiance, candle light dinner na malapit sa pool na punong-puno ng rose petals. Natulala nalang ako sa pagkamangha nang bigla itong magsalita.
"You like it?" tanong nito habang siya'y nasa likod ko at hawak ako sa balikat.
"No," sagot ko at kita ko sa mata nito ang pagsimangot. Natatawa naman ako sa hitsurang nakikita ko rito. I felt bad for all his victims but I know he doesn't really want that to happen. I gotta help him.
"Because I love it," sagot ko rito at ngumiti, ngiti rin naman ang isinukli nito pabalik at hinawakan niya ang aking kamay at inalalayan upang makaupo.
"Uhm, Can I ask a favor?" sabi nito with a husky voice that I honestly starting to love to hear.
"Sige, ano 'yon?" tanging sagot ko dito habang hinihintay ang kaniyang sagot.
"Pwede huwag muna natin pag-usapan about what's happening? Yung tayo lang muna sana," nabingi yata ako sa sinabi niya.
"Tayo?" tanong ko.
"Kala ko ba sasabihin mo sa 'kin kung bakit mo ginagawa 'to? Hindi tama 'to Harry!" dagdag ko nang maalala ko ang pilit niyang ipinagawa sa 'kin.
"Sasabihin ko naman eh, pero please not just this night," pagmamakaawa nito na siya namang nagpakalma agad sa 'kin.
"Eh bakit mo pa sinabi na sasabihin mo, hindi mo din naman pala tutuparin?" kumilos ako na kunwari'y nagtatampo at lumihis ng tingin dito habang inaabangan ang magiging reaksyon nito na makikita ko sa peripheral vision.
Kalmado lang itong ngumiti at tumitig sa akin,
"Para mapapayag kitang pumunta dito, hindi ko kasi alam kung paano kita yayayain magdinner eh," sambit nito at nararamdaman kong namumula ang pisngi ko.
Nang makarinig ako bigla nang kalabog sa loob ng bahay nito. Agad akong tumayo at ambang pupuntahan kung saan nagmula ang ingay sa loob ngunit agad ako nitong pinigilan.
"Stay here, I'll go check," sambit nito kaya bumalik ako sa aking pagkakaupo. Tinatanaw siya ng aking tingin habang nagmamadaling pumasok ng kanilang bahay.
Ilang sandali lang ay nakarinig ako ng putok ng baril kaya naman ay dali-dali akong tumungo rito. Agad bumungad ang duguang katawan ni Shane sa sahig at ang nanlilisik na mata ni Harry. Kita ko rin ang isang lalaki na nanginginig sa sulok ng kwartong iyon, kitang-kita ko ang mga pasa nito sa buong katawan. Gulat na gulat naman ito nang makita ako,
"H-Hermione?! K-Kasama ka dito?" pagkasabi niya nito'y humagulhol na ito ng iyak. Nagulat din ako nang makita ko kung sino ang lalaking nasa sulok nang kwarto.
"I-I'm sorry Brix, but I have to keep my family safe," yun nalang ang nasabi ko sapagkat ang tanging alam ko lang ay natatakot ako para sa sarili ko at lalong-lalo na para sa aking pamilya.
"W-what are you doing here, I said stay downstairs," mahinahong sabi ni Harry sa'kin. Bigla naman nagflashback sa akin lahat nang mga kalokohang ginawa sa akin ni Brix.
"No! I'm not done yet with this guy," sagot ko dito, nilapitan ko si Brix at inilapat nang malakas ang aking kanang palad sa pisngi niya nang maalala ang nakaraan sa pagitan naming dalawa sabay ang isang buntong hininga.
"Naaalala mo na ba Brix? How you betrayed me?" pagkasabi ko nito'y kasabay naman ang pakawala ng isang halakhak. Tinapik-tapik ko ang pisngi nito bago ako umalis.
Nilapitan ko si Harry at hinalikan ito. He kissed me back like he meant it. Pagkabitaw ng labi ko ay binulungan ko siya nang nakangiti.
"Ikaw na ang bahala sa kanya," at napangisi nalang ako nang binaril nito si Brix.
Maya maya pa ay bumaba na ito at tinapos na namin ang dinner. Tumawag na rin ako kila mama na dito na ako matutulog at pumayag naman ito.
Maghahatinggabi na at nakaubos na rin kami ng isang bote ng wine. At dahil hindi ako sanay uminom ay mabilis akong nalasing ngunit nasa tamang katinuan pa ako.
"I'm surprised what you did to Brix, how about that?" sambit nito habang binubuksan muli ang isang bote nang wine at sinalinan ang baso naming pareho.
Napasinok ako kaya muli akong uminom bago magsalita,
"Brix? He's my fuckin' ex-boyfriend, he dumped me for that b*tch you killed earlier," lumapit ako sa kanya and I sat on his lap.
"Kaya you know what?, I'm starting to like you," hinaplos ko ang kanyang pisngi at kita ko ang pamumula nito sa pagtatagpo ng aming mga mata, I slowly lean my lips closer to his and we started kissing. It was getting intense at ramdam ko ang init na namamagitan sa aming dalawa nang bigla niya akong kinarga paakyat ng kwarto niya without breaking our kiss.
Nang makarating na kami sa kwarto niya ay inihiga niya agad ang aking katawan at itinuloy ang pagromansa sa akin. Habang nasa kalagitnaan kami ng mga senaryong iyon ay hindi ko naiwasang itanong kung ilan pa and what's his purpose for killing these people.
Although I have my reasons kung bakit napapayag niya akong sumama sa kanya dahil na rin sa miserable past ko kasama ang mga victims niya except Jason na sa mismong mga kamay ko pa namatay.
"So, how many victims left? And tell me, what's your damn rea—" bago ko pa man matapos itinuloy niya ang paghalik sa 'kin na siya namang sinabayan ko.
"Originally four left, but now it's three," sagot nito while stripping down me down.
"Ha? Paano?" tanong ko naman at tinignan niya ako mula sa 'king tiyan habang patuloy ang paggapang ng kanyang mga labi pababa sa aking katawan na siyang nagpapaliyad ng kusa sa akin at tila gumigising ng aking kaluluwa.
Saglit siyang napahinto at inangat ang kanyang ulo upang titigan ako sa mata, "Because I love you, Hermione."
This is where the story ends, now let me try your imagination and critical thinking. What do you think is the real reason of Harry for killing this people?
Comment down your opinion, ang makasagot nang tama o ang may pinakamalapit na tamang sagot ay may chance na manalo nang $1. Iaannounce ko ang mananalo bago ko simulan ang kasunod na story.
Thank you everyone for reading, Stay Safe!
Siguro may gf or kaibigan to si Harry nuon na namatay dahil sa mga students