Hello, before reading this part might as well check the 1st and 2nd part of the story listed below. Enjoy reading.
https://read.cash/@icary/her-totga-part-i-04a73ed0
https://read.cash/@icary/her-totga-part-2-c275cde0
(Click the Youtube Playlist above before continuing, thank you.)
Aya's POV
Pagkatapos nang mga kaguluhan na naganap sainyong dalawa ni Karl ay naging maayos na ang lahat, mas pinili pa rin kita sa lahat. Nagdaan ang mga araw at malapit nang sumapit ang iyong kaarawan, malapit ka na ring tumanda. Nang dumating ang birthday mo ay nag aya ka nang inuman, kagaya nang dati doon tayo ulit sa bahay ni ate uminom kasi doon lang naman ako pwede.
Bago tayo dumiretso sa bahay ni ate ay nagstop over tayo para bumili nang mga iinumin at kakainin, syempre kayo pa rin ang namili. Habang naglalakad tayo'y nakaakbay ka sa akin, sa sobrang kampante ko 'di ko na mapapansin ang ibang bagay hindi na pala ate ang tawag mo sa akin.
"Aya, may gusto ka ba kay Kiel?"
Nagulat ako sa pabiglang tanong ni Olive, hindi ako ready. Tinignan ko si Kiel sa mata niya, "meron na nga yata" sabi ko sa isip ko. Hindi ako nagdalawang isip na sumagot sa tanong sa akin ni Olive.
"Pangit, ipangako mo sa akin na kahit sabihin ko 'to walang magbabago sa atin."
Nagtataka akong tinignan ni Kiel habang ang kamay niya'y nakaakbay pa rin sa akin.
"Oo naman."
Sinagot ko agad si Olive katapos kong marinig ang feedback ni Kiel.
"Oo parang meron na nga, pero crush lang" Sunod ang pagtawa ko nang mabitawan ko ang mga salitang iyon.
"Pero wala, just friend lang kami nito" Dugtong ko pa sa sinabi ko sabay akbay sayo.
Wala akong nakitang reaction sa mga pagmumukha nila maliban kay Kiel, ramdam naman na kasi nila kahit 'di ko na sabihin pa. Sunod naman na tinanong ni Olive si Kiel.
"Ikaw ba Kiel, may gusto ka ba kay Aya?"
Bago pa man mabuksan ni Kiel ang bibig niya ay inunahan ko na ito.
"Ano ba kayo? Wala 'yan, may iba kaya yang gusto" Sabay tawa at naglakad palayo.
Habang nasa harapan nila ako ay nag uusap si Olive at Kiel.
"Hindi ako naniniwalang friends lang kayo, para kasing hindi eh" Hindi naman umiimik si Kiel sa mga sinasabi ni Olive.
"Baliw, ate nga lang kasi ako niyan" Sumabat na naman ako sa usapan nila.
Nagsimula na ulit kaming maglakad at naging tahimik ang lahat. Pagkarating namin sa bahay ni ate ay sinalubong nila kami, nagtaka rin sila sa pagmumukha ni Kiel na akala mo'y pasan ang mundo.
"Aya, friends lang ba kayo ni Kiel?" tanong ni ate na may pagtataka sa mga mata.
"Crush ko si Kiel pero friends lang talaga kami."
Hindi na sila muling nagtanong sa akin at sinimulan nang ayusin ang mga gagamitin para sa inuman. Sanay na sanay uminom ang mga kasama ko dahil lahat nang ginagawa nila ay bago para sa akin. Sumali ang lahat sa inuman at para maging interesting pa ito ay napagpasyahan nilang maglaro nang Spin the bottle. Unang ikot nang bote ay tumutok ito sa akin, "grabe naman talagang kamalasan".
"Truth or Dare?"
"Dare"
"Ibigay mo sa akin 'yang singsing na ibinigay sa'yo ni Jam o 'di naman ay itapon mo" sabi sa akin ni Kiel.
"Kilala mo 'ko Kiel, iniingatan ko lahat nang binibigay sa akin."
"Okay sige, alisin mo nalang muna tapos mamaya mo na isuot ulit."
Sinunod ko ang ikalawang sinabi ni Kiel sa akin, inalis ko ang singsing at binitawan sa lamesa. Pinaikot nilang muli ang bote at sa kasamaang palad sa akin na naman ito tumapat.
"Truth or Dare?"
"Dare"
"Ikiss mo si Kiel kahit sa pisngi lang."
"Ayoko nga may magagalit sa akin kapag ginawa ko 'yan."
Nagtaka naman si Kiel kung sino ang binabanggit ko.
"Sinong magagalit?"
"Sino pa ba, yung kasama mo lagi kapag umuuwi."
"Hindi nga kasi."
Hindi na ako umimik pa, hinalikan ko na lamang ang kamay ko at idinikit ito sa pisngi ni Kiel. Nang magtagal ang inuman ay hindi na magkamayaw ang paghawak ni Kiel sa mga kamay ko, hinayaan ko na lamang siya dahil lagi naman niya iyong ginagawa. Ilang beses na tumapat sa akin ang bote at sa kada dare ko ay pinapahalik nila sa akin si Kiel kaya naman nang tumapat itong muli sa akin ay nag truth na ako.
"Paano kung sabihin ni Kiel na gusto ka rin niya, papayag ka ba na maging kayo? Sa mga nakikita nang mga mata ko ay 'di ako naniniwalang friends lang talaga eh, kapag magkasama kayo konti nalang langgamin kayo."
"Wala ah, friends lang talaga kami. Oo aminado ako crush ko siya pero hanggang doon lang, ang bata pa kaya nito."
Nang tumapat kay Kiel ang bote ay ganoon din ang itinanong nila sakaniya pero bago pa man nila sabihin ay pinagbawalan nila akong sumagot.
"Paano kung magkaedad kayo ni Aya, magugustuhan mo ba siya?"
"Oo"
"Paano naman kung una kayong nagkakilala ni Aya kaysa ni Ellaine?"
"Iyon nga eh, hindi si Aya ang una kong nakilala"
"Naku, nililigawan mo nga 'yong lagi mong kasama" sabat ko sa kanila.
"Hindi nga sabi kasi, wala nga 'yon. Ang kulit naman"
Galit na ang tono nang boses niya, katapos niyang sabihin ang mga 'yon ay isinubsob niya ang pagmumukha niya sa lamesa habang nakalagay ang mga kamay ko sa mukha niya. 'Di nagtagal ay may naramdaman akong mga luha na pumapatak sa kamay ko, natahimik ang lahat nang oras na iyon. Ilang minuto pa ang lumipas ay sinenyasan na ako ni Olive.
"Lagot ka Aya pinaiyak mo si Kiel"
Natahimik muli ang lahat kaya naman nagsimula kong niyugyog itong si Kiel.
"Hoy Kiel, napapaano ka? Lasing ka na ba? Uwi na tayo?"
Hindi ako kinibo ni Kiel kahit na ilang beses ko na siyang niyuyugyog. Mababaw ang pasensya ko kaya naman medyo naiirita na ako.
"Hoy ano ba? Lasing ka yata, 'wag na natin ubusin 'to baka 'di ka pa makauwi niyan"
Pilit ko pa rin siyang niyuyugyog pero hindi talaga siya nagpapatinag.
"Bahala ka nga diyan"
Inalis ko naman ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero pilit niya pa rin itong kinukuha. Nang matapos na siyang magdrama ay humarap siya sa akin muli.
"Pangit mo kasi"
"Matagal ko nang alam 'yon kaya nga 'di mo ko magugustuhan"
Pinilit kong magpatawa pero mas mukhang nagalit siya sa sinabi ko.
"Ewan ko sa'yo"
Umalis siya sa kinauupuan niya syaka siya lumabas nang bahay, sumunod naman sakaniya ang bayaw at doon sila sa labas nag usap. Pagkabalik nila sa loob ay ayos na ang pagmumukha ni Kiel pero nanahimik na lamang ako dahil hindi ko expect ang mga nangyari.
Nang matapos ang inuman ay inaya ko na silang umuwi, katahimikan ang bumalot sa aming dalawa pero kahit na ganoon ay hindi pa rin niya binibitawan ang mga kamay ko. Nang makarating kami sa madilim na part nang daan ay tinakpan niyang muli ang mata ko at siya ang nagsilbing guide ko.
Kinabukasan ay 'di na ako pinansin ni Kiel at si Karl naman ay patuloy pa rin ang paghahatid sa akin. Umabot na nang tatlong araw pero hindi pa rin ako kinakausap ni Kiel kaya naman bago matapos ang linggong iyon ay ako na ang lumapit sakaniya.
Uwian nang makita ko siyang naglalakad kaya naman tinawag ko siya pero hindi ako pinansin kaya ang ginawa ko'y hinabol ko siya at nang makalapit ako ay tinusok ko ang pisngi niya ngunit ayaw pa rin niya akong pansinin.
"Ayaw mo ba talaga akong kausapin?"
Hindi siya kumibo sa tanong ko, kanina ko pa sinusubukan suyuin pero wala akong nakukuhang respond mula sakaniya sa sobrang babaw nang pasensya ko ay nainis na ako sakaniya.
"Bahala ka nga diyan"
Katapos kong sabihin iyon ay naglakad na ako nang mabilis. Nang mapansin ni Kiel na naiinis na ako ay siya naman ang humabol sa akin, kinurot niya ang pisngi ko.
"Pangit mo talaga"
"Ulit-ulit alam ko na nga diba?"
Bumalik sa ayos ang lahat simula nang araw na iyon. Malapit na ang graduation at end of school year kaya naman hindi na masyadong busy ang iilan, pero kaming mga graduating student ay busy na pinturahan ang mga upuan na iiwanan namin. Isang araw nakita ko siyang naglalaro nang habulan kasama ang mga classmate niya habang ako nasa labas nang classroom nagpipintura. Lumipas ang ilang oras ay kinalibit ako ng kaklase ko.
"Tinatawag ka ng boyfriend mo"
Dali dali naman akong nagpunta sa usual tambayan namin dahil kilala ko naman sino ang tinutukso nila sa akin. Nang makarating ako sa tambayan ay nakita ko siyang nakaupo roon habang tinatakpan ang kaniyang ilong.
"Bakit mo 'ko pinatawag, may ginagawa pa kami sa loob"
"May panyo ka bang extra diyan?"
"Bakit saan mo gagamitin?"
Tinanggal niya ang kamay niya sa ilong niya at nakita ko ang dami nang dugo na lumalabas dito, binigay ko naman agad ang panyo ko sakaniya at kinuha ang panyong kanina'y gamit niya at binanlawan ito upang may magamit siya sa oras na napunong muli ang panyo ko.
"Anong nangyari sa'yo?"
Akala ko nakipag away na siya kaya ang daming dugo.
"Ganito talaga kapag mainit at pagod ako"
Sinigurado ko munang okay siya bago ako bumalik sa loob, nandoon lamang siya sa tambayan naghihintay sa akin hanggang uwian para sabay na kaming umuwi.
March 30, araw na nang graduation at iyon din ang kaarawan ko, hindi ako nagpunta sa graduation day at sinagot ko na rin si Karl. Sabi kasi nang mga barkada ko bakasyon naman na at baka iyon na ang paraan para mawala ang nararamdaman ko para kay Kiel.
Nagtampo si Kiel nang malaman niya lahat iyon at dahil doon hindi na niya ako kinausap. 3 weeks lang ang tinagal namin ni Karl at katapos noon ay umalis ako para pumunta nang probinsya dahil may trabaho na naghihintay sa akin doon.
Nang malaman ni Kiel na wala na kami ni Karl ay sinimulan na niya akong kausapin ulit, nagbalik muli ang pagkakaibigan na mayroon kaming dalawa.
Abangan niyo sanang muli ang Part 4 nang AyaKiel.
Muli ko ulit kayong bibitinin dito, maraming salamat sa walang sawang suporta at pagbabasa.
Torpe kasi! Hayst! Kung may gusto ka, sabihin mo! Ano ba naman Kiel! Gigil mo ko! HAHAHAHA