Hello again, before reading this part might as well check the 1st part of the story listed below. Enjoy reading.
https://read.cash/@icary/her-totga-part-i-04a73ed0
Aya's POV
Sa sobrang busy namin para sa paghahanda sa JS Prom hindi ko na kinulit pa si Kiel na kausapin ako dahil sa tingin ko'y nagtatantrums lang naman siya dahil 'di niya nakuha sa'kin ang singsing ni Jam na hinihingi niya. Malaki naman na siya at kaya na niya ang sarili niya, kakausapin niya rin ako kapag gustuhin niya.
Sa buong classroom namin ay iilan lang ang mga lalaki at 'yong iba 'di ko alam kung lalaki ba talaga, mas malambot pang kumilos sa'kin. Kaya naman no choice kaming mga girls na walang partner kung hindi kumuha nang partner sa ibang section or kung wala talaga ay sa ibang year level.
Pumunta akong agad sa room nila Jam dahil marami-rami na rin akong kaclose na lalaki roon since kaklase rin naman nila ang pinsan ko. Si Jam sana ang tatanungin ko para maging escort ko sa JS Prom dahil siya ang unang pumasok sa utak ko kaso hindi 'yon pwede sa relihiyon niya kaya naman nagtanong na lamang ako sa ibang kaklase nilang lalaki, pumayag naman agad 'yong nakausap ko.
Habang nasa room ako nila Jam ay nakita ako ni Kiel doon sa loob nakikipag usap dahil hindi naman kami nagpapansinan ay hinayaan ko nalang siya. Habang naglalakad ako pauwi ay mayroon biglang nagtakip nang mga mata ko.
"Pangit?" Iyan ang unang lumabas sa bibig ko dahil alam ko naman na si Kiel lang ang gumagawa noon sa akin at siya lamang ang pwedeng gumawa noon sakin, oh 'di ba may favoritism.
Tinanggal naman agad ni Kiel ang pagkakatakip nang mga mata ko at sumabay na sa akin sa paglalakad.
"Aya, ano nga palang ginagawa mo sa loob nang room nila Jam kanina?"
"Naghahanap ako nang partner ko para sa JS Prom."
"At si Jam ang partner mo?"
"Baliw, hindi. Bawal 'yon sa kanila."
"Ako ba ayaw mo makapartner?"
"Sorry pero may nahanap na akong partner at syaka isa pa, hindi ka pa pwede 1st year ka palang."
"Eh sino naman partner mo?"
"Iyong classmate nila Jam."
Hindi na muling umimik si Kiel pero parang gumaan ang mood niya noong malaman niya na hindi si Jam ang makakapartner ko sa JS Prom. Matapos ang mga araw na iyon ay nagsimula na rin kaming magpractice para sa JS, habang si Kiel naman lagi ring tagasubaybay sa mga practice namin. May cheerleader ako at guardia civil, si Kiel 'yon. Walang araw na hindi siya nanunuod sa kada practice namin madalas pa ay hinihintay niya akong matapos para sabay kaming umuwi.
"Aya!" Sigaw niya sa akin.
"Oh Kiel, nandito ka pa pala. Akala ko umuwi ka na kanina?"
"Hindi ah, nandoon lang ako sa sulok busy ka kasi sa pagpa-practice kaya nilibang ko na muna ang sarili ko. Sabay na tayo umuwi."
"Bakit mo 'ko hinihintay? Ang tagal kaya nang practice namin."
"Eh kasi po 'di ba takot ka sa dilim dahil nga bukas 'yang third eye mo. Ayoko naman na umuwi kang nanginginig sa takot, ang dilim kaya sa daan."
"Thank you ah? Wala talaga akong kasabay kung hindi mo 'ko hinintay."
"Wala 'yon, hawak ka lang sa'kin kapag natatakot ka sa dilim."
Iyong pagod ko sa pagpra-practice syempre hindi pa rin naman nawala pero gumaan yung pakiramdam ko kasi kasama kita. Ito nanaman 'yong tibok nang puso ko ayaw na naman matahan, "Hoy puso umayos ka" sabi ko sa sarili ko.
Araw na nang JS Prom at nakita kita sa sulok nanunuod, nakaporma ka rin at parang isa ka rin sa mga sasayaw. Ang gwapo mo sa porma mo, syempre biro lang. Nakapuwesto ka kung saan pwede manood ang mga ibang estudyante na hindi kasali sa JS Prom. "Siguro hinihintay nito si Ellaine kaya pumorma rin siya" sakto naman na nandoon din si Ellaine ngunit may kalayuan sila nang puwesto dahil magkaiba sila nang section.
Nag-umpisa na mag perform ang iba't ibang section nang bigla kitang hanapin sa kaninang kinauupuan mo pero bigo ako dahil wala ka na doon kaya naman inakala ko na umuwi ka na lamang dahil wala ka naman talagang gagawin dito ngunit laking gulat ko nang may biglang pumisil sa pisngi ko na siyang dahilan nang paglingon ko at sakto naman na nandoon ang mukha mo kaya nagtama nang bahagya ang mga labi natin (Syempre biro ko lang 'yang last part nag eexpect kayo eh Ayie or ako lang pala, eto na 'yong totoo). Nang paglingon ko sa likuran ko ay siyang bungad mo, kanina ka pa pala nakaupo sa likuran ko nang hindi ko namamalayan.
"Pang ilan kayong sasayaw?"
"Katapos niyan 'yong kasunod namin."
"Ah ganoon ba, hindi ka ba nauuhaw or nagugutom? Gusto mo kumain?"
"Hindi, okay lang ako. May pagkain naman mamaya kasi nagbayad kami para roon."
"Sige."
Nagsimula na siyang manood sa nagpeperform nang magsalita ako.
"Isasayaw mo si Ellaine katapos no? Pormang porma ka eh."
"Hindi."
"Hindi nga?"
"Hindi nga kasi, ang kulit naman."
Bigla kang nagwalk out sa biruan natin, attitude si kuya niyo. Habang nagsasayaw kami ay nasa gilid si Kiel nanunuod lang hanggang sa matapos kami ay ang haba nang mukha niya at hindi mo mawari.
After nang mga performance ay inalapag na ang mga meals para sa JS Prom sakto naman na umuwi na agad ang partner ko nang matapos ang sayawan, tinawag kita para umupo sa tabi ko dahil wala naman nang taong uupo roon at sabay abot ko sa kaniya nang pagkain. Ikaw naman itong si pabibo binuksan ang coke in can na nasa harap mo sabay na inabot sa akin at syaka mo kinuha ang coke na noon ay hawak hawak ko.
Bago ang main event kung saan pwede mong yayain magsayaw ang kahit na sino ay tinawag ang lahat nang mga kasaling students at pinaghiwalay ang lalaki at babae. Ang mga lalaki ay may hawak na bulaklak habang ang mga babae naman ay may hawak na kandila after noon ay magpapalitan ang mga ito nang hawak. Bumalik ako sa kinauupuan ko na may dala dalang bulaklak.
"Akin nalang 'yang bulaklak mo."
"Ano ka babae?"
"Ang dami mo naman sinasabi, sa'kin nalang kasi 'yan."
"Ayoko nga, hindi pwede."
Tumayo ka sa kinauupuan mo at nagwalk out na naman, paniguradong nagtampo na naman 'to. Nang magsisimula na ang main event ay lumapit muli si Kiel sa'kin, "walk out, walk out pa kasing nalalaman" sabi ko sa isip ko.
"Pangit, sayaw tayo?"
Nagdalawang isip ako dahil nakita ko si Ellaine na nandoon at dala na rin nang kahihiyan ko.
"Ayoko."
"Dali na sasayaw lang naman tayo eh."
"Andiyan naman si Ellie, mamaya ano pang isipin niya."
"Eh ano naman ngayon kung anong isipin niya?" Iyong tono nang boses mo medyo nag-iba, parang may inis na hindi ko maexplain.
"Ayaw ko, nahihiya ako sumayaw."
Iyan lamang ang naging tugon ko sa'yo habang tinitignan pa rin si Ellaine, nasa isip ko kasi na gusto mo pa rin si Ellaine pero ayaw mo lang aminin sa sarili mo. Ayoko naman umasa at masaktan sa'yo lalo na't mas bata ka sa akin nang ilang taon. Pagsabi ko noon ay umalis ka agad at lumabas na agad nang gate, mukhang nagalit ka na nang tuluyan.
Kinabukasan ay lagi mo na akong iniiwasan kada nagkakasalubong tayo nang landas ay lumilihis ka or kahit magkita lang tayo sa mata ay iniiwasan mo 'ko. Medyo nalungkot ako sa naging asal mo dahil hindi ako sanay na ganoon ka sa'kin. Kaya naman nang mag uwian na ako na mismo ang lumapit sa'yo, sakto naman na nakita kitang naglalakad pauwi kaya lumapit ako sa'yo at kinurot ko ang pisngi mo.
"Pangit. Galit ka ba sa'kin?"
"Hindi" Malamig mong tugon sa'kin.
"Bakit hindi mo ako pinapansin?"
"Wala lang"
"Kumusta naman kayo ni Ellaine? 'Di ka na ba nanligaw sakaniya?"
"Kanino?"
"Kay Ellaine, wala na silang dalawa nang boyfriend niya rati eh."
"Ano naman ngayon sakin kung wala na sila nang boyfriend niya, iba naman na gusto ko."
Nung sinabi mo iyon ay pumasok agad sa isip ko 'yong classmate mo na kasama mo minsang umuwi, kaya naman hinayaan ko na at hindi ko na pinagpatuloy pa na magtanong.
Habang naglalakad kami pauwi ay nakasalubong namin ang pinsan ko kasama ang boyfriend niya at kaibigan nito na nagpahiram sa akin nang cellphone para makatawag noong Prom.
"Aya!"
"Oh bakit?"
Lumapit naman silang tatlo agad sa aming dalawa katapos nila akong tawagin.
"Aya si Karl nga pala, naaalala mo pa ba siya? Siya 'yong nagpahiram sa'yo nang phone rati sa Prom."
"Oo naaalala ko pa, thank you nga pala noon Karl."
"Nagtatanong kasi si Karl kung pwede ba raw siya manligaw sa'yo."
Napatingin naman ako agad kay Kiel na ngayon ay nakayuko at parang may sinisipang hangin sa may paa niya.
"Olive alam mo naman na ayoko munang magkaroon nang boyfriend habang nag aaral ako 'di ba?"
Tinignan kong muli si Kiel na ngayon ay tumigil na sa pagsipa nang kung ano man.
"Sige na, try mo lang naman eh. Ikaw nalang 'tong walang jowa sa atin oh, malapit naman na ang bakasyon syaka malapit ka na mag graduate."
Pilit sa akin ni Olive para lamang payagan ko ang kaibigan niya na manligaw nang bigla naman sumabat itong si Kiel sa usapan namin.
"Ako rin naman wala pang girlfriend ah?"
"Magkaiba kayo, ikaw bata ka pa."
"Ah basta ayoko muna." Diin ko naman kay Olive na siyang nagpipilit sa akin.
Uwian kinabukan ay nakita akong muli nang kaibigan ni Olive na si Karl at sumabay ito sa akin sa paglalakad. Walang imikan sa aming dalawa, dahil una nagkakahiyaan at pangalawa hindi naman kami close dalawa at sakto naman hindi ko mahagilap si Kiel nang panahon na iyon kung kailan kailangan na kailangan ko siya.
Naging madalas ang paghahatid sa akin ni Karl kada uwian kahit na pinipilit ko siyang huwag na akong ihatid ay pilit pa rin niya itong ginagawa, paminsan naman ay tatlo kami nila Karl at Kiel na naglalakad hanggang bahay.
Makalipas ang isang linggo na ganoon ang sistema ay nagsimula naman akong iwasan ni Kiel ulit sa hindi malaman na dahilan. Hinayaan ko lamang siya na ganoon dahil nakasanayan ko na rin naman na lagi siyang nagtatantrums. Kinabukasan naman ay nilapitan ako ni Kiel para kausapin.
"Kayo na ba ni Karl?"
"Ha? Hindi, bakit?"
"Eh bakit niya ako binantaan na layuan na raw kita?"
"Kailan?"
"Noong huling beses na magkakasama tayong tatlo."
"Kaya ka biglang lumayo sa'kin at hindi ako kinausap?"
"Oo, akala ko kasi kayong dalawa na."
Matapos ang usapan namin na iyon ay kinompronta ko si Karl.
"Karl, ano 'yong nalaman ko na pinagbantaan mo si Kiel?"
"Ha? Wala 'yon, nag usap lang kami."
"Alam mo ba mas gusto ko pa makasama si Kiel kaysa sayo at mas una kaming magkakilala kaya 'wag mo siyang tinatakot."
"Sorry aya, hindi na mauulit."
Matapos kitang ipagtanggol kay Karl ay bumalik na tayo ulit sa rati. Pinapansin mo na ulit ako at sinasabayan mo na akong umuwi, medyo mainit pa rin ang dugo ko kay Karl dahil sa ginawa niya sayo.
Abangan sa next part kung magsisimula na ba ang ibigin ni Aya at Kiel o mapupunta si Aya kay Karl. Hanggang dito na muna ako, bibitinin ko muna kayo dahil napapasarap nanaman ang kwento ko.
Maraming salamat sa patuloy na pagsubaybay at walang sawang pagbabasa, stay safe everyone!
San na si Jam? Grabi! Paranas na man ng pinagaagawan 😂