The Mysterious New Student Part 1

8 81
Avatar for icary
Written by
3 years ago
Topics: Story, Mysterious

Gaano ka kasigurado sa mga taong nakikilala at nakakasalamuha mo? Madali ka bang makampante o kung hindi naman ay mabilis kang magduda? Paano ka nakakasigurado sa kanila?

Hermione's POV

Araw nang klase at busy ang lahat sa kaniya-kaniya nilang mga gawain, may nagdadaldalan, nagseselfie sa gilid, at naglalampungan na akala mo'y wala nang bukas. Natigil ang lahat nang may biglang pumasok na estudyante sa classroom namin, hindi kasi familiar ang mukha niya sa aming lahat.

"Uy, may bagong transferee!" rinig kong bulong ng isa sa aking mga kaklase habang nakatingin sa bagong pasok na estudyante.

"Ang gwapo shems," banat naman nung isa. Habang ako'y tahimik lang na pinagmamasdan ang bagong estudyante. Lumingon-lingon siya at naghahanap ng mauupuan hanggang sa makita niyang bakante pa ang upuan na katabi ko lamang. Tinungo niya ang direksyon kung saan ako naroon at walang atubiling umupo.

Ang mga kaklase kong babae sa harapan ay nagsisilingon at tinititigan ang aming bagong lipat na kaklase. Pinagmamasdan ito mula ulo hanggang paa na tila ay gusto na itong iuwi sa kanila. Hindi ko naman sila masisisi kung ganoon sapagkat nasa panlabas na katangian nito ang hinahanap halos ng karamihan. Matangkad, maputi, may matipunong pangangatawan, matangos ang ilong at higit sa lahat gwapo.

Maya maya pa ay dumating na ang aming guro.

"Okay, class. Many of you here is already familiar with me. But we have a new transferee" pambungad ng aming guro sa aming lahat.

"Mister, would you please introduce yourself since I expect, many of your classmate wants to know you," he slowly stood up and walked in front of the class.

"My name is Harry, Harry Constello, nice to meet you all," he coldly introduce himself and went back to his seat.

*after class*

Not a single word he uttered after his introduction earlier. Maybe he's just shy. Tumunog na ang bell kaya naman inayos ko na ang aking mga gamit at dumiretso na ako sa bahay pagkatapos.

An unregistered number texted me.

"From: 0921*******

Help."

Pagkabasa ko nito ay agad ko itong nireplyan ngunit hindi na ito nagtext pabalik kaya naman sinubukan ko itong tawagan.

*phone ringing*

Sinagot nito ang tawag ngunit hindi ito nagsasalita.

"Hello?" I uttered.

"Who's this?" dagdag ko ngunit wala pa ring sumasagot sa kabilang linya at tanging estrangherong ingay lang ang maririnig kaya naisipan ko na itong ibaba.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok at napansing wala pa ang isa naming kaklase na nakapagtataka sapagkat lagi naman itong maagang pumapasok at ni minsan ay hindi ko pa ito nakitang lumiban ng klase kaya naman ito ang 1st honor namin noong nakaraang taon. Wala rin ang bagong lipat naming kaklase.

Ilang minuto nalang ay magsisimula na ang klase ngunit hindi pa rin ito dumarating. Kaya naisipan kong tanungin ang top 2 namin na best friend din nito.

"Nakita mo ba si Sheen?" tanong ko dito at iling lamang ang itinugon nito sa akin.

Kinabukasan pumunta ang mga magulang ni Sheen sa eskwelahan dahil nawawala raw ang anak nila. Agad na nagsimulang magbulungan ang mga kaklase ko tungkol sa kanilang narinig. Karamihan ay nagaalala at ang iba naman ay hinuhulaan kung saan maaaring napunta si Sheen.

"Hala, baka kinidnap" bulong ng top 5 student namin na si Brix.

"Uy, 'wag kang magbiro ng ganyan," pigil naman sa kanya ni Jasmine.

"Baka nakipagtanan na kay Julius," sabat naman ni Peter na dating ex ni Sheen.

"Class, stop talking. Go back to your seats," agad na nagsipulasan ang aming mga kaklase ng marinig ang utos ng aming guro.

Tinignan ko ang kaklase kong si Harry at tahimik lang ito na parang walang pakialam sa nangyayari. Tinignan niya ako pabalik, nakakatakot itong tumingin kaya naman ay agad akong nag-iwas ng tingin dito.

Ilang araw pa ang makalipas ay ang top 2 naman namin na si Ana ang nawawala at ng araw na iyon ay hindi rin pumasok si Harry at hindi pa rin natatagpuan si Sheen.

Nang sumunod na mawala ang top 3 namin ay unti unti ko nang nakukuha na hindi lang basta nawawala ang mga kaklase ko kundi may kumukuha sa kanila at pinupuntirya ang may mga matataas na marka. Kaya naman binalaan ko na ang top 4 namin na si Jason.

"Jason, hindi ka ba nababahala?" tanong ko sa kaniya ng may pag-aalala.

"Saan?" nagtatakang tanong nito pabalik.

"Sa mga nawawalang kaklase natin, hindi mo ba napapansin, puro topnotcher natin nung nakaraan yung sunod-sunod na nawawala? Una si Sheen, tapos sumunod si Ana tap—"

Napatigil ako sa aking sinasabi nang bigla siyang magsalita.

"Nababaliw ka na ba? Baka nagkataon lang. Nag-aalala din naman ako pero I don't think na iisa lang yung dahilan kung bakit sila nawawala," hindi pa rin mawala sa 'kin ang pag-aalala. Kung tama nga ang hinala ko ay siguradong isa ako sa mabibiktima. Ako lang naman ang top 10 nung nakaraan.

Malakas din ang kutob kong malapit lang sa amin ang gumagawa nito at si Harry lamang ang naiisip ko dahil nagsimula ang mga ito nang pumasok siya sa eskuwelahang ito. Kailangan kong gumawa ng paraan. Kailangan kong mapalapit kay Harry. Kinabukasan ay sinimulan ko agad ang plano.

"Good Morning Harry!" bungad ko rito pagkarating na pagkarating ko pa lang ng makita kong nandoon na siya sa kaniyang pwesto habang nakasaksak sa tainga niya ang isang earphone. Tinignan niya ako ng masama at kahit kinakabahan ako ay lakas loob kong humarap sa mesa niya at tinitigan siya. Iwinasiwas lang nito ang kaniyang kanang kamay na parang tinataboy ako.

"I don't have time for you," malamig lang nitong tugon at bakas ang iritable nitong pagmumukha. Kinuha nito ang kaniyang libro sa bag at sinimulan ang pagbabasa.

"Uy, mahilig ka pala sa thriller," sambit ko nang mapansin ang binabasa niyang libro. The Girl On The Train by Paula Hawkins ang pamagat nito. Napansin ko ang biglang pagkuyom ng kanyang kamao kaya naman umupo na ako nang maayos sa aking pwesto at sakto naman ang pagdating ng aming guro.

Pagkatapos ng tatlong subject ay niyaya na ako nila Giselle at Veronica para kumain.

"Uy Hermione, tara sa canteen," yaya ni Giselle.

"Hindi naman mawawala si Harry diyan, tara na," dagdag ni Veronica. Nagkangitian ang dalawa sa sinabi ni Veronica.

"Sige na una na kayo, susunod nalang ako," pagkasabi ko nito'y sinenyasan ko na silang umalis.

"Bye Harry!" pahabol pa ni Giselle kaya naman pinandilatan ko ito ng mata kaya tumakbo na ang dalawa habang tumatawa. Kaming dalawa nalang ang naiwan sa loob ng room. Inilabas ko ang baon kong dalawang chocolate bar at iniabot ang isa sa kanya. Tinanggal niya ulit ang pagkakasalpak ng earphones sa kaniyang tainga at tumingin ito ng malalim sa akin.

"Thanks," malamig lang nitong tugon at binuksan ang chocolate bar na iniabot ko sa kanya at ipinagpatuloy ang pagbabasa.

"Alam mo, ang emo mo, ano ba yang pinakikinggan mo," sabay hablot ko sa isang earphone niya at inilagay ito sa aking tainga. Oh my , paborito ko 'to, sa isip-isip ko ng mapakinggan ang kanta ng Panic! At the Disco na Emperor's New Clothes.

Napatingin ito sa akin ngunit wala na itong nagawa ng diinan ko ang pagkakahawak sa earphone na inagaw ko kani-kanina lang at ipinagpatuloy nito ang pagbabasa.

"Uy, hindi ka ba tal—"

"Ano ba talagang kailangan mo?" pinutol nito ang aking sasabihin at napatitig ito sa akin.

"Gusto ko lang naman makipagfriends," ang gwapo naman pala talaga nitong bago namin kaklase kaso lang emo. Halos lahat itinataboy niya kaya natatakot na ang mga kaklase kong kausapin ito.

"Fine," yun na yun? Wala man lang miski pagbati? Hindi mo man lang ako kakausapin? Naiinis na ako sa'yo ah, kung hindi ka lang gwapo ay este kung wala lang akong gustong malaman sa'yo, nasapok na kita. Sa isip-isip ko at hindi napansing tapos na pala ang recess.

"Meryenda tayo mamayang uwian ah, treat ko. Hep hep hep, bawal tumanggi," sabay duro ko sa kaniya at napangisi nalang ito sa aking sinabi. Tumayo ako sa aking kinauupuan at ambang papatungo na sa canteen para sundan si Giselle at Veronica.

"Ano nang status niyong dalawa?" bungad sa 'kin ni Veronica na kakarating pa lamang kasama si Giselle.

"Akala ko ba susunod ka?" tanong naman ni Giselle na nakapameywang sa 'kin. Sakto namang dumating na ang aming guro sa susunod na subject kaya naiwasan ko ang nakakaintimitidang tanong ng dalawa.

Tumunog na ang bell hudyat na uwian na, agad nagsilabasan ang mga kaklase ko at hindi ko na napansin si Harry na nawala na pala sa tabi ko.

Bwisit! Natakasan ako ng mokong na yun ah. Dali-dali akong lumabas ng may mabangga akong isang lalaki.

"Looking for me?" ibang iba ang aura nito kaysa kanina. Nakakapagtaka dahil parang ibang tao ang kaharap ko sa mga oras na iyon. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila papalabas ng campus. Nagsisitinginan naman ang mga kaklase ko at ibang nakakakilala sa 'min na aming makakasalubong.

"Uy, sila na ba?" bulong ng isang babae na laging sumisilip sa room namin mula sa kabilang section.

"Swerte naman ni ate girl," dagdag naman ng katabi nito at napayuko na lang ako sa hiya habang binabagtas namin ang daan palabas ng gate. Nang makalayo-layo na kami ay bigla itong nagsalita.

"Hindi ako tatanggi sa alok mo, but..." napatulala lang ako dito at naninibago pa rin sa kanyang mga ikinikilos.

"Ako magti-treat sa'yo," patuloy nito at hindi na ako nakapagsalita at agad nitong tinungo ang kanyang motor at pinaandar ang makina.

"What are you waiting for? Sakay." sambit nito na may malumanay at malambing na boses na hindi mo matatanggihan kung ano mang ipag-utos nito. Hindi ko na namalayan na malayo-layo na rin kami mula sa eskwelahan.

"S-saan mo ako dadalhin?" tanong ko dito ngunit hindi ito nagsasalita.

"Hoy! Saan mo ako dadalhin!" nagsimula na akong mag-panic dahil bigla nitong binilisan ang pagmamaneho.

"Relax ka lang, iti-treat nga kita diba," sigaw nito dahil hindi kami masyadong magkarinigan dahil sa ingay ng mga sasakyan. Maya-maya pa ay nakarating na kami sa tapat ng isang malaking bahay.

"We're here," sabi nito pagkalingon sa akin at pinababa na ako ng motor. Ipinarada na niya ito at agad lumapit sa akin.

"Come, walang ibang tao dito kundi ako lang," sambit nito at hinila nanaman niya ang kamay ko. Pero sa pagkakataong ito ay malambot lamang ang pagkakahawak niya.

Ang katawan ko'y tila aliping kusang sumusunod sa kanya. Hawak niya ang aking kamay patungo sa kusina at muling napatingin sa kaniyang mga mata nang siya muli'y magsalita.

"I'd prefer home-made food, kaya ipagluluto nalang kita," ang sweet naman pala nitong lalaki na 'to. Muntik ko nang makalimutan na may kailangan akong alamin. Unti-unting nawawala yung paghihinala ko sa kanya.

"Nasaan nga pala ang parents mo?" tanong ko dito habang naghahanda siya ng kanyang lulutuin.

"Dad is in U.S. with his new family and Mom is in France, also with her new family," biglang namuo ang lungkot sa mga mata nito pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon.

"I-I'm s-sorry," tanging nasambit ko sa kanya.

"It's okay, I can get to visit my mom pa naman tuwing holidays with her new family. Niyayaya nga nila akong doon nalang tumira but I chose to stay here to finish my studies," kwento nito at napabilib nalang ako sa kanya dahil nakakaya niyang ipagpatuloy 'yong buhay niya with lack of support from his parents.

I watch him cook our meal. Sa amoy pa lang ay nabubusog na ko. I can't wait to taste him, ay este yung luto niya. Putcha naman Hermione, anong pumapasok sa utak mo. Maya-maya pa ay tapos na siyang magluto at pinaupo niya na niya ako nang hilahin niya ang upuan. He served me like a princess, gwapo na gentleman pa. Ang swerte siguro ng magiging girlfriend nito, sa isip-isip ko.

"Ang sarap mo naman...magluto," sambit ko dito.

"My mom used to cook for me that meal when I was little," pagkatapos niyang sabihin ito ay tumayo siya at kumuha ng isang wine sa cabinet.

"Sorry, I don't drink," pinangunahan ko na ito dahil bawal pa ako uminom.

"Just have a taste, hindi naman nakakalasing yan," isinalin na niya ito at iniabot sa akin ang wine glass. We chitchat a little and have some talks. After kong kumain ay niligpit ko ang aming pinagkainan at nilinis ang mga ito, pagkatapos ay nag ayos na ako nang aking gamit dahil oras na rin nang matapos kami.

"Uy, uwi na ako ah, salamat pala sa meal,"

Magpapaalam na sana ako para umuwi nang mapagtanto kong hindi ko pala alam kung saan kami dumaan. Bigla naman itong sumulpot sa aking likuran,

"Wait!" sambit nito at hinawakan ang aking kamay, bigla niyang hinapit ang bewang ko ng kaniyang kaliwang kamay at sinalo naman ng kanang kamay niya ang likod ko at bigla niya akong hinalikan. Bigla akong nanghina na parang hinihigop ang aking lakas kasabay ng aking pagkahilo at pagkawala bigla ng aking malay.

Sa tingin niyo ano ang susunod na mangyayari? Abangan sa next part nang story, sanay subaybayan niyo itong muli. Stay safe everyone.

10
$ 3.80
$ 3.77 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @EvilWillow
Sponsors of icary
empty
empty
empty
Avatar for icary
Written by
3 years ago
Topics: Story, Mysterious

Comments

nicely described ❤️🥰

good luck for the future

& I'm here from your noise cash post😀

$ 0.00
3 years ago

Thank you for reading my articles❤️

$ 0.00
3 years ago

Nice

$ 0.00
3 years ago

Thank you💗

$ 0.00
3 years ago

Hoping for Part 2 😍😍

$ 0.00
3 years ago

Will do soon💗💗

$ 0.00
3 years ago

The story was interesting and I am looking forward for the next episode

$ 0.00
3 years ago

Thank you for reading😍💗

$ 0.00
3 years ago