Paano at kailan mo ba masasabing mahalaga ang isang bagay sa'yo? Sa unang pagkakataon na makuha mo ito o kapag nawala na ito sa mga kamay mo?
Sophie's POV
Magsisimula na ulit ang aking college life sa wakas, makikita ko nang muli si Ash my crush. Grabe kahit sa malayo napakagwapo mo pa rin talaga, kung wala lang sanang higad na laging nakasabit sa'yo. The higad I'm talking about is Queenie, wala kasing araw o panahon na hindi siya nakasabit sa mga kamay ni Ash akala mo'y nakahanap nang jungle o puno kung makasakbay.
Iyong classroom namin magkatabi lang kaya naman kada break time ay dumidiretso ako lagi sa kabilang classroom para puntahan si Ash my inspiration. Hanggang ngayon kasi hindi niya pa rin napapansin ang beauty ni Sophie, sabi ko nga rati sakaniya tignan niya lang ako kahit isang beses mapapasaakin na siya kaso dinedma niya ang aking charming.
Nang idismiss kami ng aming prof ay dali dali akong pumunta sa kabila.
"Ash"
Tinignan niya ako pero inalisan din niya ako nang tingin.
"Ang sungit naman, okay lang gwapo ka pa rin"
"What do you want?"
"You"
"Kung wala ka nang sasabihin na matino bumalik ka na sa classroom mo"
"Seryoso ako no?"
"How so?"
"Wanna try?"
"Oh just get out of my sight"
Napakasungit, pasalamat ka gwapo ka kung hindi pinagpalit na kita. Umalis ako nang classroom nila pero bumalik din ako.
"Ash"
"What is it now?"
"Bakit ba ang sungit mo? Dinalhan lang naman kita nang maiinom"
"Sinusubukan ko kasing magreview rito para sa quiz mamaya, can't you see?"
"No, ikaw lang kasi nakikita nang mga mata ko"
"Oh come on"
Bigla naman sumulpot itong si Queenie.
"Is this girl bothering you again Ash?"
"Is this girl bothering you again, ikaw nga nandito ka na naman di ka naman hinahanap" pang gagaya ko kay Queenie.
"At sino naman nagsabi sa'yong hindi ako hinahanap ni Ash?"
"At sino naman nagsabi sa'yong hinahanap ka niya?"
"Both of you shut up, I don't need any of you two here. So, get out"
"See dinamay mo pa ako sa'yo"
"Anong dinamay ikaw tong sumulpot nalang dito"
Pareho kaming walang magawa kaya umalis kaming dalawa sa classroom ni Ash. Akala naman nitong higad na 'to uurungan ko siya. Hindi ko pa rin tinigil ang pangungulit ko kay Ash kaya naman hindi maiwasan na pansinin talaga ako. Baka naman iniisip niyo puro karengkeng lang ang ginagawa ko, kahit na nagpapapansin ako kay Ash ay dean's lister din ako. Isa rin ako sa mga nakikipaglaban para sa school, nabigla kayo 'di ba? Witty to si Sophie.
Foundation Day, isa sa mga varsity player si Ash. Bukod kasi sa katalinuhan at kagwapuhan nito ay matangkad din siya at magaling sa sport. Huwag kayong mainlove sakaniya dahil wala kayong pag asa, ako lang. Syempre naman pumunta ako sa court kung saan gaganapin ang Basketball Tournament, may dala akong panyo, tubig at extrang damit. Supportive girlfriend ako, inaadvance ko na para kapag totoo na konti nalang yung kilig.
Kada nakakascore siya ay nakikisigaw ako at tuwing nakabreak sila ay lumalapit ako para abutan nang tubig at panyo. Hindi naman siya nagrereklamo sa akin bagkus ay nagte-thank you pa siya.
"Ano ka ba wala 'yan, nagiging supportive girlfriend lang ako"
"To who?"
"You, of course. May iba pa bang Ash dito?"
"I don't get you, anyway thank you for this"
Ang bango pa rin niya kahit pawisin, 'wag niyo akong sabihan nang kung ano ano. Sadyang naaappreciate ko lang ang mga bagay bagay lalo na kapag siya. Natapos ang araw na ito at ang team nila Ash ang nanalo nang Championship, syempre naman nandiyan si Ash ko eh.
Lumipas ang mga araw at ganoon pa rin ang kaganapan sa aming, ako ang nangungulit at siya naman nakukulitan sa akin.
"Ash"
"Ano?"
"Anong ginagawa mo?"
"Reading"
"Ano naman binabasa mo?"
"Story"
"Maganda? Mas maganda sa akin?"
Humarap siya sa akin at tinignan ako baba hanggang taas.
"Yes, that's for sure"
Sinimangutan ko siya nang sabihin niya 'yon sa akin nageexpect pa naman akong sabihin niyang Oo.
"Hey don't pout, mas lalo kang pumapangit"
"Aba nga naman, porket gwapo ka?"
"Oh yeah? Thank you"
Tumawa naman siya bigla at nawala na ang galit ko sakaniya, 'di ko talaga kayang magalit marupok akong nilalang.
"Hey Ash"
"Oh hey Queenie, why?"
"Just wanna remind you about the dinner tonight?"
"Sure, I'll be there"
"Nandiyan ka pala Sophie, hindi kasi kita nakita"
"Oh Queenie nandiyan ka pala, akala ko kasi poste ka"
Bawi ko naman kay Queenie, akala niya ay maiinis niya ako nang ganoon lang. Umalis na lamang si Queenie dahil sa inis na naramdaman niya sa akin.
"Ano nga palang meron?"
"Why? Are you my girlfriend that's why I need to tell you everything?"
"Yeah, Soon"
"Funny, don't you have anything to do?"
"I have"
"And what is that? Do it now"
"Already doing it, samahan ka"
"Oh gosh, I really don't get you"
"Huwag mo nalang akong pansinin magbasa ka na diyan"
Lumipas ang mga oras na ganoon lamang kaming dalawa, may changes naman saming dalawa dahil ngayon ay pinapansin na ako ni Ash kahit papaano.
Every end of the year ay nagkakaroon nang event ang University namin kaya naman kaniya kaniyang paghahanda ang mga tao. Mayroong mga naghanda nang ipeperform nila at meron naman mga nagpractice para sumali sa competition na magaganap din sa araw na iyon. At dahil wala akong talent kung hindi mahalin si Ash ay doon na lamang ako bumawi, kaya naman naghanda ako nang maisusuot ko at nagplano kung ano ang magiging awra ko sa araw na iyon.
Dumating ang araw na hinihintay ko kaya naman bongga akong nag ayos nang itsura ko, hindi ko na pinakagarbo ang isusuot ko dahil sigurado namang maganda ako. Itaas ang sariling bangko. Pagkarating ko sa venue ay hinanap ko agad si Ash, nakita ko siyang nakatayo sa gilid at nakakapit na naman sakaniya si Queenie. Dahil palaban ang ate niyo ay nilapitan ko sila.
"Hello Ash"
"Oh hi, you look good today. Dapat ganiyan ka nalang araw araw"
"Grabe ka naman, mas maganda ako kapag simple"
"Whatever you say"
Tinawanan naman niya ako nang sabihin niya ang mga salitang iyan at ito naman si Queenie todo kung makakapit akala mo naman nanakawin, although nanakawin ko talaga pero hindi naman sakaniya si Ash kaya ang ginawa ko ay hinila ko rin ang kamay ni Ash. Tinignan ako ni Queenie pero inirapan ko lang siya.
"Okay, enough ladies. Let go of my arms"
Inalis ko naman agad ang kamay ko dahil ayokong magalit si Ash at itong si Queenie naman ay ganoon din ang ginawa. Sakto naman na nagsalita na ang MC para simulan ang event kaya pumunta na kami sa mga designated places namin at buti nalang sa kabilang table lamang si Ash.
Natapos nang magperform ang lahat at kinakalkula na ang mga scores nila kaya naman sinimulan na ang dinner bago ang main event. Nang matapos ang dinner ay diretso na agad sa main event at ito ay ang free dance. Nakaupo lamang ako at nag aantay na ayain ni Ash pero ibang mga lalaki ang lumalapit sa akin at ganoon din naman sakaniya medyo nahurt lang ako nang ang unang dance niya ay si Queenie, pabibo masyado mamaya ka lang.
(Click the Youtube Playlist above before continuing, thank you.)
Nang matapos sila ay niyaya kong sumayaw si Ash, ang gwapo 'di ba?
"Ash, can we dance?"
"At ikaw talaga ang nagyaya"
"Syempre hindi mo naman ako yayayain, gwapo mo eh"
"How sure are you?"
"Ano ka ba, yayayain mo ba ako?"
"No"
"Ang KJ, let's dance"
"Sige na nga"
Hinila ko siya sa gitna at doon kami nagsayaw dalawa, kinikilig ako na hindi maintindihan. Hawak kasi niya ang kamay at bewang ko habang ako naman at nakahawak sa balikat niya, ang tangkad naman kasi na tao buti nalang talaga at naghigh heels ako. May silbi naman pala sila.
"Ash"
"Yeah?"
"Nakukulitan ka ba sa akin?"
"Yeah before"
"Ngayon?"
"Nakukulitan pa rin pero medyo nabawasan"
"Yes"
"Anong yes?"
"Yes, may improvement"
"You're weird"
Nagtawanan na lamang kaming dalawa at ang gabing iyon ayaw ko nang matapos pa. Ang tagal din naming nagsasayaw ni Ash kung hindi lang sumingit itong si Queenie, hindi ko pa rin talaga maintindihan kung gaano karaming ampalaya ba ang kinain nito at laging nakikihalo sa moment naming dalawa. Niyaya niya si Ash na sumayaw at pumayag naman ito kaya ako pumayag na rin akong makipagsayaw sa mga nagyayaya sa akin.
Natapos ang gabing iyon at masaya pa rin ako kahit na inagaw sa akin ni Queenie ang moment kong sumaya dahil kahit papaano ay naging close kami ni Ash.
Bibitinin ko muna kayo sa part na ito, maraming salamat sa pagbabasa hanggang sa dulo. Stay safe everyone.
Taray ng Ashbb ha! sanaol igop wahahhaha