Finally!! Living in our own house
Blog:141-2nd
Date :August 04,2022
Time :4:04pm
Living in our own house is way better kasi we can do everything we want without thinking about what other people say. I've been sharing here my Ultimate goal to finish our house. Hubby and I were married for two years and e half. We are blessed that hubby's uncle let us stay in his house while we still build our own house.
We started from paying 20,000 pesos for the house kasi it was originally built by hubby's brother (Josfel)kaso ayaw ng ituloy ng kanyang wife ang kanilang nasimulan.Since gusto namin ni hubby na magkaroon ng own house we agreed to pay the said amount.It was October 2020 nung binayaran ko ang bahay na yun pero natagalan kami bago pa namin natuloy ang extension ng bahay dahil it was lock down time,tas kakabalik ko lang sa work after manganak.Ako lang din ang my work that time at bibili pa ako ng gatas for my baby.Kung siguro di lang naglock down baka nagamit na namin yung maternity benefits na nakuha ko from my SSS.Mga around 54k din yun ,yun nga lang eh nagamit namin pambayad ng mothly amortation ng aming motor ,daily needs,yung 20k para sa bahay and the rest ginamit nung nanganak ako.Pero at least we spend it wisely.It was around November 2021 nung sinimulan namin ang progress ng aming bahay.Dahil na rin sa tulong ng aking earnings from Noisecash ,nakaipon ako ng around $100.Di pa ako gaano kaactive dito sa readcash around that time pero medyo malaki naman yung kinikita ko sa noisecash kaya ako nakapag ipon.Ito yung link sa pinaka una kong naisulat na article about my Ultimate Goal.Next project ko sana is yung flooring ng aming bahay kaso sinalanta kami ng bagyong Odette at yung Bonus ko from work eh napunta nalang sa daily needs namin at sa anak ko kaya napostpone yung project namin.It was March 2022 ng ipagpatuloy namin ang pagpapagawa ng aming bahay.We grab the oppurtunity na my ngpa back hoe sa aming baranggay so nakisabay nalang kami para makamura.If you want to read more about the said project just click meehh and Meeeh too.Dahil nagkaroon ng work si hubby around April kaya natuloy tuloy namin ang progress ng aming bahay.We did the extension for the kitchen part and also the veranda.One day at a time lang kami sa pagpapatrabaho ng bahay namin kasi wala naman kaming maraming pera so if ever we have money we surely put it up sa bahay namin.Click meeeh nalang if you want to know the progress sa bahay namin ehehe.Last May din nung sinimulan namin yung pag gawa ng aming kitchen sink at dirty kitchen kaya I converted all my BCH dahil sa project na yun.Last month we decided na mangutang ng materiales para sa flooring ng aming bahay.We really need to dahil under renovation yung bahay na tinitirhan namin dati and ayaw kong palipat lipat yung mga gamit namin.Napagkasunduan naming mag asawa nga lumipat nalang sa aming bahay kahit hindi pa ito tapos.Balak pa sana naming lagyan ng temporary room para naman my privacy kaso wala na kaming budget at inuna nalang namin ang basic needs sa bahay like yung wire for our temporary electricity .Nakikiconnect lang kami sa bahay na dati naming tinitirhan.Tinatapos din namin yung CR namin kasi importante talaga ang CR sa bahay.So nung Martes ng umaga nilipat na namin yung ibang gamit since super lapit lang naman ng bahay namin sa dati naming tinitirhan.Dahil pareho kaming my work ni hubby kaya pag uwi namin from work itinuloy yung paglilipat ng gamit .Tuesday night doon na kami natulog sa sarili naming bahay.Iba sa pakiramdam na Finally bahay na namin yun.Kahit di pa tapos o completo pero mas comfortable naman siya tirhan kaysa sa dati naming tinitirhan dahil walang kusina yung bahay na yun.Yung lutuan namin nasa labas ng bahay mauulanan kami pg pupunta kami sa dirty kitchen.Wala din kitchen sink yung bahay na yun kaya sa sahig nalang kami ng huhugas ng pinggan.
For now masaya kaming mag asawa na finally nakatira na kami sa sarili naming bahay after more than 2 years of being married.Though di pa namin nailipat lahat ng gamit namin dahil maliit lang naman ang space ng house namin kaya dun muna sa dati naming tinitirhan ang ibang gamit .Next project, yung pagpapaconnect ng water supply.Mag iipon pa ako ng pambili ng hose.
See photos below sa before and after o yung progress ng bahay namin.
Ending thoughts
Di man pang mayaman yung bahay namin ang importante eh pinagtulungan namin ni hubby na makabuo ng sarili naming bahay.Yung sa akin galing lahat sa earnings ko dito sa readcash and noisecash.Laking tulong sa akin ang aking bitcoincash earnings sa pagpapagawa ng aming bahay.
One day matatapos rin namin ang aming sinimulan.
Anyway dahil sa aming paglilipat kaya ako absent dito for two days kasi nauubos yung energy ko kakabuhat ng mga gamit.
Related articles:
How Noisecash/Bch change my life
For my ultimate goal - Update Part 2
I converted all my BCH earnings
BCH House+ All the stuff I bought from the BCH that I earned
Converting all my bch + Ultimate goal Update
Photos used in this article are all owned by yours truly unless it is stated.
Lead Image and thumbnail edited using Canva
To my ever-dearest daily readers, upvoters, and likers. thank you for your precious time and for your efforts. I love you all.
To my amazing and generous sponsors who have been supporting me since from the start thank you so much for inspiring me to do better each day.
Wow congrats sis, I am happy for you... sa wakas nakalipat na din kayo.