Augusto ko ito.. Augusto mo din? Augusto nating lahat? It's good to be back again mga ka Noise. Almost 3 days yata akung hindi nakapagpost dito. Dala ng hindi na kami nagkakasundo ng phone ko. Akala ko tuloyan nya na akung iiwan at tuloyan ko narin kayong hindi makakausap dito. Mabuti na lang at naayos pa naman ang phone ko. Huhu. Nerestart ko yung phone ko as in balik sa dati.Na delete yung ibang mga apps, mga nakasave na ibang files sa phone ko. Mabuti na lang at advance…
@Ysa19 in August 2022
Kaway-kaway naman kayo dyan! Haha. Joke time muna tayo.. Pagbigyan nyo na ako.. Augusto ko ito..hehe Kapag nakapangasawa daw ang bisaya ng bicol ang tawag bisakol... Paano kung taga-bulacan nakapangasawa ng taga-bikol? Bukol?hahaha.. Tawa naman kayo dyan. Hehehe. Memapost lang po. Haha. Ysa19- is in the house yow! Walang maipost na bulaklak kasi. Kaya joketime na lang. Kahit waley ang dating.haha. Goodevening!
Flowers Make's me Happy Sa ilang days akung nawala dito.Kaya nagkaroon ako ng chance na makapag-ipon ng pwersa.Bulaklak po kayo dyan, pangpafresh ng isip natin ngayong umaga. I choose to love flowers than you! Ano daw? Hehe. Happy chooseday po sainyong lahat mga ka Noise. Sending my warm hugs from Ysa19 Saluhin nyo na lang kung sinong may gusto. Kung ayaw mo d huwag! Walang pilitan.haha. Baka may magsabi naman sakin. Ang suplada mo! Joke ulit! Hehe.. Goodmorning po Ysa19-🌺
Puno muna tayo, saka na lang ang bulaklak... Minsan gusto kung maging isang puno. Para ako yung magpupuno ng pagmamahal sayo na hindi kayang punoin ng iba. Minsan gusto kung maging isang puno. Para ako'y magsisilbing lilim mo kapag kailangan mong may masandalan ka. Minsan gusto kung maging isang puno. Para ako'y magsisilbing pahingahan mo kapag ikaw ay napapagod na. Minsan gusto kung maging isang puno. Para alisin yang mga hinanakit mo sa dibdib at pupunuin ko yan ng tuwa at…
May mga maliliit na na bagay na pweding maging masaya kana. Katulad ng mga dahon na ito. Kahit halos puro green lang ang kulay nya, ang sarap tingnan sa mata. Dahon lang muna ang content ko ngayon. Yan lang ang nakita ko ngayon. Haha. Magandang Umaga Pilipinas. Magandang Umaga mga ka Noise. Sana maging maganda at magaan ang araw na ito, sa ating lahat. Tumatakbo ang oras, minuto, segundo, kaya ano pang hinihintay natin? Bangon na larga, wag kukupad-kupad baka biyaya ng Diyos…
Parang makikiuso yata ako sa latest? Dahil sa paiba-ibang panahon. Uulan at aaraw. Kaya ang nagiging resulta sa mga tao ay ubo, sipon, lagnat.. kaya ito ako ngayon. Medyo bumabahin narin at may konting ubo na. Sobrang kati ng lalamunan ko. Okay lang kahit hindi makasunod sa latest. Basta huwag lang akung tamaan ng sakit. Singhot-singhot pa more.. 🤧 Ysa19-🌺
Nissin Cup Noodles Seafoods flavor Dahil hindi mabuti yung pakiramdam ko. Ito yung gusto kung kainin lang ngayon. Cup noodles, para pagpawisan ako. Masarap kasi sa pakiramdam kapag pinagpapawisan ka. Kaya ito higop-higop muna ng sabaw. Hope nakapaglunch napo kayo mga ka Noise. Ysa19 -🌺
Rainydays+ Runnynose 🤧 Almost 2 days na akung hindi makalabas ng bahay dahil sa ubo at sipon ko. Sabayan pa ng LPA.. ayon na stock na ang beauty ko sa loob ng bahay. As if my beauty naman! Haha. Hindi tuloy ako makabisita sa mga halaman ng kapatid ko, kung may mga bulaklak naba ulit sila? O tuloyan ng nalalanta dahil sa hagupit ng ulan. Pero may paraan ako dyan. Akala nyo lang! Haha.. Flower's and Beyond Lastweek lang yata ito ng pumunta kami sa SM Naga. Sobra akung na…
Makuha ka sa tingin Ito yung nadatnat ko ng pumunta ako kanina sa bahay ng kapatid ko. Isang rabbit na abala sa pagkain ng dahon ng mga halaman. Sya ang salarin kung bakit wala na akung makitang halaman dito na buo ang dahon. Haha.. Parang galit sya sakin, sama ng tingin nya kasi. Haha. By the way, Medyo nagpakita narin si haring araw ngayon. Pero hindi kapa makasiguro nito. Baka mamaya lang ay biglang umulan naman. Sya nga pala, medyo okay narin ang pakiramdam ko kaya…
Proud kababayan here. "Eksenang Eskinita" Isang Obra na ginawa ng isa sa kapwa ko taga bicol na taga Minalabac Camarines Sur Marami ang humanga sa acrylic painting on canvas na gawa ng 19 years old na kasaluyang nag-aaral sa kursong architecture. Eksenang Eskinita yan ang itinawag nya sa kanyang obra. Ang mensahi na gustong iparating nya sa painting na ito ay hikayatin ang publiko na magkaroon ng ibang perspektibo sa pamumuhay ng mga taong nasa laylayan ng lipunan. Upang…
Tama nga ang kasabihan na ang nag-aayaw ay hindi nagwawagi at ang nagwawagi ay yung hindi umaayaw. Minsan may darating na lang bigla sayo na hindi mo inaasang darating sya. Sa isang iglap nandyan na sya. Dahil sa inaantok na ako. Bukas na lang po ang karugtong nito. Hindi kona kasi alam kung anong isusunod na sasabihin ko.haha.. Malamig na panahon sainyong lahat mga ka Noise. Ihanda na ang makapal na kumot at tayo ay mamaluktot. Hehe. Ysa19 -🌺 #HappyAndThankful
Makulimlim parin ang kalangitan. Pero kahit paano may nakikita na akung liwanag.Baka maya-maya lang ay magpakita narin si haring araw at baka bukas ay tuloyan ng maging okay ang panahon. Magandang Umaga sainyo mga ka Noise. Isang mapagpalang linggo po sainyong lahat.Kung may mga kasalukuyan man tayong pinagdadaanan ngayon, hindi yung mismong kalsada ha.hehe.. Hayaan nyo lang at malalampasan din natin yan. Tumingin tayo sa taas at huwag sa kisame ha, baka butiki ang makita…
Karugtong ng Kahapon After 2 months and 1 week yatang iniwan nya ako. Hindi ko akalain na babalik pa sya sakin. Akala ko guni-guni ko lang ba o na mamalikmata lang ako. Pero hindi, yun pala ay totoo. Muling tumibok ang puso ko sayo. Muling binuhay mo ang puso kung bigo. Sino ang mag-aakala na paggising ko ay nandyan na sya? Hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama.Sobrang kumakabog ang puso ko sa tuwa at saya. Tama ang kasabihan,, Ang nag-aayaw ay hindi nagwawagi at ang…
Eksena sa labas Tambay ako kanina sa kainan ng kapatid. Habang kausap ko yung pamangkin kung bulinggit ay biglang nagsigawan ang mga alalay dun at pati yung ibang mga customer's ay nagtatawanan. Tapos may narinig ako, Sabi nya.. Ay may nakahuba,, nahiling ko..nahiling ko yuck.. Ang ibig sabihin nun ay nakita nya daw nakahubad na lalake at walang saplot sa katawan. Habang naglalakad sa kalsada. Nakita ko nga yung lalake, nakatagalid lang sya, kaya hindi ko nakita yung bandang…
Habang nagkakape ako dito sa terrace namin. May nakita naman akung malapit ng magbloom na bulaklak. Bigla akung napangiti. Sa isip ko lang, " Ayos may pangpost naman ako sa Noise. Haha. Sabay kuha ng phone then hanap ng magandang angle then shot. Hehe... Kaso yung, akala ko tuloyan ng magiging maganda ang sikat ng araw. Kasi maliwanag na nga sya, pero may konting pag-ulan parin pala. Pinong-pino lang sya. Hindi parin makapaglaba. Anyway, Lunes naman mga ka Noise.…
Huli ka bubuyog 🐝 Sa hindi ko naman sinasadya. Napadaan ako sa may mga halaman na namumulaklak dito sa harapan ng aming bahay. Bigla kung napansin itong munting bubuyog na lilipad-lipad palipat-lipat sa mga bulaklak. Naglulunch din siguro sya at sinisipsip ang mga tamis ng mga bulaklak. Sana all sweet ano, para may lumalapit ng kusa, eh ako kaso bitter, kaya walang lumalapit..hehehe. Joke lang po. Ayan may pangpost naman tuloy ulit ako dito. Haha.. Happy lunchtime po…
Rise up to the best morning ever. Nakakagoodvibes naman ang nakasulat sa truck na nakapark sa tapat ng bahay namin. Rise up, rise up, bagong umaga naman. Gawin nating makabulohan ang ating araw. Gawin nating naging maging productive ang araw natin. Sabi nga, galaw-galaw para hindi ma stroke. Galaw-galaw para hindi pumanaw. Kaya ako ay gagalaw na sa aking kinauupuan, ayoko ma stroke ano at ayoko pang pumanaw. Haha.. Magandang Umaga mga ka Noise.. Ysa19 -🌺
Sili lang sapat na. Alas-dose na pala! Naghahanap akung ulam. Kaso ang nakita ko lang itong siling malaki. I think pwedi na itong iulam, gawa na lang ng sawsawan. Hehehe.. Happy lunchtime po sainyong lahat. Kung meron kayong sobrang ulam dyan, pakibalot at pakihagis na lang po sakin. Hahaha. Ysa19 -🌺
Bigla akung nagising sa aking pagkakatulog. Lumilindol kasi, mabuti na lang at hindi kalakasan. Sana wala ng kasunod ito. Thanks God, Back to sleep ulit! Goodnight everyone! Ysa19 -🌺
Note to myself! Bumangon kana sayong kama. Marami kapang labahin hoy! Mamaya nayang dotdot sa cellphone. Lumabas na sa kwarto mo at magkape. Para yung mga labahan mo ay maagang matapos. Para din makapaghanap ka naman ng mga bulaklak o dahon na pwedi mong ipost mamaya dito.Haha. Kaya ano panghinihintay mo? Bumangon kana, dami mupang sinasabi dyan kasi self. Hehe. Magandang umaga mga ka Noise. Simulan natin ang bagong umaga na may ngiti at sigla. Gaya ng araw na nagsisimula ng…
Kung anong tindi ng init ng araw kanina. Ngayon naman ang tindi ng bagsak ng ulan. Akala mo ay walang makapagpigil sa kanyang galit. Pati mga yero ay gusto ng ipunit. Kasama nya kasi si kulog at si Kidlat na ayaw din magpaawat.Haha. Walang natuyo sa aking mga nilabahan. Better luck na lang daw nextime. Hay naku! Panahon nga ay hindi mo mapigilan. Umaraw man o umulan. Pero tuloy parin tayo sa paglakbay kaibigan. Ysa19 -🌺
Yun bang, ang haba-haba ng tinatype mo at biglang may nagmessage sayo. Kaya tiningnan o binasa mo ito. Pero nung bumalik ka sa ginagawa mo, biglang nagrefresh ang browser, at ayon biglang nawala ang tinataype mo. Huhu. Pero ipagpatuloy kona lang ngayon. Sobrang mapanganib talaga ang kidlat. Dalawang buhay ang nasawi kanina dahil sa kidlat. Habang kasagsagan ng napakalakas na ulan kanina at may kasama itong kulog at kidlat. May dalawang buhay ang nagpaalam sa mundo. Ang…
Hamog Dahil sa matinding pag-ulan kahapon. Ito yung nabungaran ko sa bintana namin. Yung hamog at may konting pa dewdrops pa sa salamin. Hehe Ayan po, sa wakas, maganda na ang sikat ng araw. Nakikita kona ulit ang pagbloom ng mga halaman. Sila ay kumakaway na sakin at sabi nila, tara na kami ay iyong picturan, para naman tuloy ang post mo sa site na maingay. Ganyan po kami ka close ng mga halaman dito. Tinginan palang ay nag-uusap na. Haha. Pero tara napo at mag-almusal.…
Chicharon sa Tanghali Katatapos ko lang maglunch. Para matunaw ang kinain ko, lakad-lakad muna sa labas ng bahay. May biglang dumaan na taga tinda ng chicharon at mani.. Inalok ako nung babae. Hindi sana ako bibili kasi, katatapos ko lang naman kumain at busog pa ako. Pero naisip ko lang, kawawa naman sya. Sobrang tirik na tirik yung araw ay nagtitinda sya, habang tulak-tulak yung cart. Bigla akung nakaramdam ng awa sa kanya. Kaya bumili na lang akung chicharon sa kanya.…
Ang mamulat ang iyong mga mata sa umaga ay isang malaking unang biyaya mo sa araw-araw. May mga taong kahit mulat na nga ang kanilang mga mata. Pero wala parin silang makita. Bakit? Kasi hindi sila biniyayaan na makakita at makita kung anong klase ng ating mundong ginagalawan. Sila yung mga kapatid natin na mga bulag. Pero kahit bulag man sila, hindi sila nawawalan ng Pag-asa. Ginagamit nila ang kanilang tenga, pakiramdam, para makita kung anong ganda ng mundo nila. Kaya…
Fresh from the Backyard Cacao and guava fruits. Fresh from the Backyard yan. Maraming bunga ang cacao at bayabas sa likod bahay ng kapatid ko. kaya ito dinalhan nya ako dito sa bahay. Alam nyo ba na maraming pakinabang ang cacao? Bukod sa ginagawa itong chocolate ang mga seeds nya. Pwedi ring pakinabangan pati narin mga dahon nya..sa pamamagitan ng "cacao fossilization.,, Ang dahon ng cacao ay pwedi nating pagkakitaan yan. Pwedi kasi yan gawing pangdisplay sa bahay. Katulad…
Yung bang hawak-hawak mo ang phone mo at biglang kumidlat ng malakas. Biglang parang lumiyab ang paligid. Ayon.. Sa pagkabigla ko, naitapon ko ang cellphone ko. Mabuti na lang at hindi nabasag. Wala pa naman akung pangpalit dito. Huhu. Pero mas pilipilin ko naman na mawalan ng cellphone. Kisa naman ma lechon ng kidlat! Haha .. Ysa19 -🌺
Kung gusto mong may makitang maganda at makulay na kapaligiran. Simulan natin sa pagtatanim ng mga halaman. Yun oh, nagsisimula na syang tumubo. Yung seeds na tinanim ko 3 weeks ago na yata ang nakalipas. I'm sure, ilang weeks lang ay may makikita naman akung bagong bloom na bulaklak sa harap ng aming bahay.hehe. Ang lahat na nakikita natin sa ating mundo. Ang lahat na bagay na nararating natin sa ating buhay. Kahit pa ang pagtibok ng ating puso sa ating mga minamahal Lahat…
Lightning strikes not only once but so many times. After the heavy rains, thunders and nakakatakot na lightning. Ito yung nakita ko ng binuksan ko ang pintuan sa kusina. Dalawang manok na basang-basa sa ulan. Kawawa naman sila. I'm sure takot na takot din sila sa kulog at kidlat. Pero no choice sila, kasi manok lang nga sila. Ang alam lang nilang gawin ay magpaipli na lang sa mga punong-kahoy. Punong-kahoy na nagsisilbi nilang bahay at kanlungan. Dapit hapon naman po mga ka…
Orange Moon Yes! Yan yung kulay ng buwan ngayon. Lumabas ako kanina saglit, kasi may nakita ako sa Facebook na may nagpost about banggaan ng daw ng dalawang nakamotor at yung isa ay malala daw ang condition. Kinabahan ako, kasi until now, wala parin yung kapatid kung lalake. Pero pumunta pala agad yung yung kapatid kung isa sa pinangyarihan ng banggaan. Mga taga ibang lugar naman daw pala yun. Kawawa naman yung isa.. Hay naku! Kaya po kayong lahat, specially yung mga…
Sa sobrang bagal ng signal dito samin ngayon. Dala siguro ng laging na lang maulan. Hindi ako makapagpost with pictures. Pero hayaan nyo akung batiin ko kayo ng magandang umaga sainyong lahat. Mula yan sa kaibuturan ng aking tumitibok na Puso ❤️ Linggo naman po ngayon. Sana maging masaya kayo sa araw na ito, kasama ang buong pamilya..Kakaiba yung saya kapag kasama ang pamilya. Iba sa barkada.. Iba sa gf/ bf Iba sa mga kawork.. Once na kasama mo ang iyong pamilya, hatid nun…
Convo with My Niece Hiniram ng pamangkin ko yung phone kanina. Maglalaro daw sya, tapos nakikita ko pili sya ng pili ng gusto nyang i download sa playstore. Tapos pinapakita nya sakin kung pwedi nya bang i download yung mga apps dun. Tapos may pinakita syang apps games na gusto nya sanang i download. PrincessJ- Auntie gusto ko sana nitong games. Kaso may bayad syang 360 daw. Marunong na kasi syang magbasa ng mga numbers. Ako- Huwag mong i download yan, kasi wala tayong…
Why oh why? 😔 Yung bang matagal kung inipon dito. Dahil malapit na ang birthday ko ay bigla na lang nawala! Ipangtreat kopa naman sana yun sa mga pamangkin ko eh! Naglaho lang na parang bula. Back to zero ang laman ng wallet ko. Huhu. Kaninang hapon, explore ako dito. Browse up! Browse down! Then saddenly, mag biglang nagpop up na, need ko daw mag set-up ng online wallet address. Seconds lang ang pagitan, katitingin ko palang sa wallet ko, okay pa naman ang lahat. Nandun…
Nothing can't stop! Umulan man o umaraw Sila lang ang nais kung matanaw. Taglay nilang kagandahan. Sa puso ko'y sobrang nakakapagpasayang tunay. Ito naman po ako para sainyo. Muling naghahatid ng mga post, na magdadagdag ng kulay sa site na ito.haha. Bigla akung napa wow, ng makita ko ang bulaklak nayan. Nahulog na sya sa lupa. Pero yung angkin nyang kagandahan ay kanya paring taglay. Sinamahan pa ng mga dahon sa kanyang paligid. Kaya mas lalong tumingkad ang kanyan kulay.…
Ito pala yung nagcomfort sakin kagabi. Habang nag-eemo ako ng pagkawala ng earnings ko dito. May biglang pumasok sa kwarto ko. Hindi ko alam kung anung exact na tawag sa kanya. Naramdaman ko may biglang dumapo sa braso ko. Ilang seconds syang nagstay, kaya napicturan ko sya. Kaso medyo blurry, madalian kasi, tapos bigla na syang lumipad, palabas ng kawarto ko. Baka ibig sabihin nun, Huwag kanang malungkot Nandito kami para sayo, Kami ay kaibigan ng mga paro-paro. Basta…
First day of School Sumama pala ako kahapon sa pagsundo sa dalawa kung pamangkin na both Grade- 1 students. Papalabas palang ng gate, nakita agad ako ni Princess kumakaway na sya sakin at sinisigaw na ang pangalan ko.Haha. First day of school nya daw. Tapos yung isa ko naman na pamangkin, tahimik lang sya, mana yata sakin.Hehe. Pangiti-ngiti lang sya habang Tinutulak nya yung d gulong nyang bag.Haha. Nakakatuwang pagmasdan ang mga bata with school uniforms. Sa wakas ftf na…
Flower Made Of Clay Ginawa ng pamangkin ko. Habang hinihintay namin ang mommy nyang may binibili sa department store. Nagpaiwan na lang kami sa car. Kasi pagod na daw ang batang bulinggit. Para malibang sya, kinuha nya yung binili nyang clay. Sabi ko ano yang ginagawa mo? Gagawa daw syang flower. Pagkatapos nyang gumawa, ayan oh..Binigay nya sakin.Hehe. Napakasimpling bagay lang, pero ang sarap sa pakiramdam. Binigyan ka ng isang bata ng flower made of clay na galing sa…
Back to school Ito yung larawan ng isa sa Mall na pinuntahan namin kanina. Halos hindi magkandaugaga ang mga taong namimili ng mga school supplies. Kulang na lang ay magbalyahan.hehe. Sabi nga daw, mas excited pa ang mga magulang ng mga bata sa pagbabalik school, kisa sa mga anak nila.hehe. Totoo ba yun? Masaya ako habang tinitingnan ko ang mga tao na sobrang busy sa mga pinamimili nila. Ako naman, parang gusto kona rin tuloy bumili ng mga school supplies.. Katulad ng nga…
Ibat-ibang Mukha Ibat-ibang istorya ng buhay Ibat-ibang patutunguhan Ibat-ibang dereksyon ang pupuntahan. Yan ang nakita ko kahapon sa tapat yan ng PLaza Rizal dito sa Naga City. Dyan mo makikita ang ibat-ibang mukha ng tao. May street sweeper, mga vendor, mga studyanteng nagpapalipas ng oras para hintayin ang oras ng klase nila. May magpapamilya ng nagpapahinga habang kumakain ng mga tusok-tusok. Mga taong parang nawawala sa kanilang pag-iisip. Mga magkarelasyon na makikita…
Larawan ng Nakaraan Marami ng taon ang nagdaan. Marami ng tao ang lumisan. Pero ang bakas ng nakaraan ay sadyang hindi malilimutan. Kuha ko ito sa isang lumang building sa NAGA CITY ng matapat yung sasakyan ng kapatid ko sa lumang building nayan.Bigla akung napatingala at agad kinuha ang cellphone, para makunan lang ng kahit madalian ang lumang gusali nayan.Bigla naman lumipad ang aking isip kung saan-saan. Alam ko hindi lahat na nakikita nating kagandahan sa ngayon ay…
Pinapakain si Princessj ng mommy nya. Kasi papasok naman sya sa school. Sinusubuan nya pa ito at hindi pa sanay kumain ng ibang solid foods. Kung kumain man ay gusto nyang may kasabay na sabaw. "Mommy, NaK.. kumain kana rin ng ibang food's. Katulad ng meat, vegetables at saka fish. PrincessJ- No.. I don't want to eat fish. Mommy and me,, Sabay sabing bakit? Delicious ang fish.Pangpastrong yan sa body mo. PrincessJ- Tonong paiyak ang boses nya.. sabay sabing.. Because I'm not…
Preparing for Mutya At Lakan In Celebration for Linggo ng Wika. Tumutulong ako at nag-iisip ng mga costume ideas about sa gagawin dito na celebration for linggo ng Wika. Which is may search for Mutya and Lakan.. Biglaan lang kasi, kasali yung anak ng kapatid ko. Mabuti at na convince sya ng SK Chairman dito na sumali. Lagi na lang kasing nakakulong sa bahay nila. Bihirang lumabas, lalo na ng mamatay yung Papa nila.Sobra nyang dinibdib at parang nagkaroon sya ng konting…
E-Trike Everytime nakakakita ako ng E-trike napapalingon ako sa ganyang sasakyan. Ang cute kasi nya. Parang laruan lang. Marami ng gumagamit o nagpapasadang electronic tricycle sa city. Pero once palang akung nakasakay dyan. Sa tingin nyo ba, anong mas okay? Yung kinasanayan na nating tricycle o kagaya nyang electronic tricycle? Kuha ko pala yan kanina lang, padalian lang na pumunta sa Naga City. Medyo na busy at ngayon lang nakapost ulit.. Goodevening Ysa19 -🌺
Umaga na naman Masaya akung masilayan ang mga bulaklak sa aking kapaligiran. Kaya ito po ako muling nagbabalik. Para muling ibahagi ang aking nakikitang kagandahan sa aking paligid. Simpling kagandahan Pero nakakagaan sa pakiramdam. Samahan pa ng damong luntian Para magpatingkad sa angking nilang kagandahan. Biyernes naman mga ka Noise. Ang bilis ng araw, August 19 na 🤔 Pero teka,, maglalaba pala ako ng maaga at magiging busy mamaya. May pupuntahan akung ganap. Hahaha..…
Tutubi-Tutubi Kakauwi ko lang galing sa bahay ng kapatid ko. Pero ito, sinalubong ako ng maliit na tutubi. Sabi nya sakin, picturan muna ako. Anung oras naba? Wala kapa ring post sa maingay na tambayan mo. Haha. Ganyan kami ka close ng mga insekto dito. May lumalapit pa nga sakin ng bubuyog, sabi ko naman sa kanya, bukas na lang kita pipicturan. Para hindi kayo sabay-sabay. Memasabi lang po,pasensya na. Hehehe.. Good Afternoon po sainyo. Ysa19 -🌺
It's good to be back.. Hey noise fam.. Musta po ang lahat? Namiss ko ang mag-ingay dito. Almost 1 day yata akung walang post. Gawa ng walang signal kahapon ang converge, pati narin ang DITO network. Kababalik lang ngayong gabi. Sinabayan pa ng buong maghapon na walang kuryente intire camsur yata? Mabuti na lang kanina, nagchat sakin yung kapatid ko, Kung gusto ko daw sumama sa NAGA mag-grocery daw sila Sa Robinson MAll kasama ang isa kung bulinggit na pamangkin. Yes naman…
Someone is going to celebrate birthday today! Haha. Kaya busy naman ang beauty ko sa pagprepare ng decorations. Kakapagod magpump ng balloons. Tapos may biglang puputok. ayon sigaw naman ako.haha.. Bondat later.. hehe Napadaan lang po muna. See you later mga ka Noise. Ysa19-🌺 #HappySundaywithFam
Kanina pa ako dito browse up! Browse down! Comments sa mga post. Habang nag-iisip kung ano din ang pweding ipost ko ngayon.Pero untill now wala parin akung maisip. Haha.. Siguro dahil dala ng pagod ko kanina. Ang sakit ng braso ko pati mga daliri ko, sobrang hapdi. Pero worth it naman, kasi naging maganda naman yung kinalabasan. Hindi kona magawang magpicture. Pagod at gutom na, kaya deretso kain agad. Hehe.. Masarap sa pakiramdam na part ka ng kasiyahan ng iba. Lalo na kung…
Rainy Monday Nakakapanibago sobrang tahimik ng paligid. Wala yung mga pamangkin kung makakukulit, back to school na kasi sila. Pero may isa pa dito, si Princess na makulit, panay kwento sakin kung ano-ano, about sa mga pinapanood nya sa TV.. Mamaya pa ang pasok nya kasi halfday palang naman sila. Maulan ang panahon ngayon dito samin. Dala ng tropical depression dito sa part ng Bicol..Wrong timing naman, kung kailan unang pasok ng mga bata sa school,vsaka naman masama ang…
Ulan sa Unang Pasokan Walang makakapigil sa mga studyante. Kahit pa sinabayan na matingding pag-ulan dito sa kabikolan. Kahit pa ang iba ay binabaha, gumagawa pari sila ng paraan para lang makapasok sa paaralan sa unang pagbukas ng klase. Ito ngayon ang dinaranas ng mga studyante sa lugar namin. Hindi lang studyante, pati narin ang kanilang mga magulang at mga taga sundo at hatid nila. Malaking sakripisyo ang ginagawa nila. Kahit mahirap ay kinakaya. Alang-alang Sa magiging…
Bicol River with Water Hyacinth Ito yung nadadaanan namin papasok sa Naga City.. Ang BICOL RIVER Maraming water hyacinth. Nadaanan namin ito nung isang araw. Nililinis nila ang ilog at inaalis nila ang ibang water hyacinth/ Water Lily... Para maging maganda ang daloy ng tubig. Para maiwasan ang pagbaha o pag-apaw ng tubig, lalo na ngayong tag-ulan. Pero ngayon papalapit na ang September. Mas lalong nililinis nila ang river.Malapit na kasi ang fiesta sa Naga. Nagkakaroon ng…
After heavy rain Finally nagsawa narin ang pagbuhos ng ulan sa buong kabikolan. Salamat naman at nagpakita na ulit si Mr. sun. Maaga akung nakapaglaba. Sinamantala kona kasi habang maganda pa ang sikat ng araw. Napadami pala yung nilabahan ko. Natambak na kasi, sa halos ilang araw narin ng pag-ulan dito samin. Btw, Fly high butterfly.. haha. Nakita ko yan habang nagsasampay ako. Paikot-ikot sa mga bulaklak. Sobrang likot nya, hindi ko makunan ng maigi. Parang happy sya, kasi…
Hopia Tikoy Tara po meryenda tayo mga ka Noise. Hopia Tikoy.. Ito yung favorite ko, kapag pumupunta ako sa MALL, yan agad ang hinahanap ko. Para laging Chinese New Year. Hehe. Maganda daw kasi yung sticky na pagkain. Ysa19 -🌺
Ito yung libangan ng pamangkin ko, ni baby Faith. Kapag hindi sya naglalaro. Mahilig syang magdrawing. Dahil kanina ay walang pasok ang mga bata. Ito yung ginawa nya, explain nya every details ng drawing nya. Dog daw yan tapos yung nag-aalaga sa aso. Hehe. Mana yata dun sa pinsan nyang animator. May video yan habang ginagawa nya yan... Kaso hindi pweding iupload dito.Gusto nya daw maging vlogger.hehe. Ysa19-🌺
Wala pa akung post,, anong oras naba? Haha. Nalilibang kasi ako makipagdaldalan kay Princess. Kung ano-anong tanong sakin. Hindi nya ako pinapaalis sa bahay nila, hanggang d sya makaalis papuntang school. Gusto pa naman, sumama daw ako, paghatid at pagsundo sa kanya. Kasi daw namimis nya ako agad. Hehe. Sabi ko naman lagi na lang tayong magkausap araw-araw miss agad. Hanggang makaalis sya, kumakaway pa yan sya sakin. Dapat daw pagdating nya mula school, makita nya naman…
Burger sa Tabi-tabi lang. Haha. Kanina lang ng hapon yan. Sumama ako sa pagsundo sa dalawang bulinggit sa school. Biglang nagutom ang mga bulinggit. Kaya ito mabuti na lang at may nadaanan kaming nagtitinda ng burger. Kaso hindi naman nila gusto. Hindi naman daw kasi Mcdo o kaya Jollibee burger. Hehe. Magandang gabi po sainyong lahat. Ano nakapaghapunann naba ang kayo? Ako ito katatapos lang po.. Ysa19-🌺
Thursday Morning Maagang akung nakatulog at ngayon maaga din nagising. Naglalakad-lakad para magpapawis. Ito yung bumungad sakin oh. Bulaklak ng orchid's. Ganda nya dba? Kasing ganda ko. Haha. Ang maniniwala may premyo sakin. Haha. Magandang umaga po sainyong lahat. Tara na at magkape. Kung saan man ang mga lakad nyo ngayon. Always iNgat po kayo. #FlowerMakesmeHappy Ysa19 -🌺
Dahil umulan ngayon. Kaya may pa dewdrops naman ako para sainyo. Hindi ko alam kung anung klaseng halaman ito. Hindi sya namumulaklak pero maganda syang tingnan. Napapansin ko lang, medyo tamad akung magpost ngayon. Hehe. Ewan koba, haha.. Siguro dahil wala lang akung maisip na magandang content. Puro mema lang po.. Kaya pasensya na..✌️ Ysa19 -🌺
The search for Miss. Bicolandia.. 2022 On going na ngayon ang search for Miss. Bicolandia 2022 👑 Ito at beauty Pageant na ginaganap tuwing fiesta s Naga o PenaFrancia Festival. Ito ay isa sa pinaka highlights ng fiesta. Marami narin ang mga sumali dito at naging mga title holders na, sumali narin sa Bb. Pilipinas at nanalo din sila ng mga Major title's That means iba ang ganda ng mga bikolana.Haha.. Yayain ko sanang sumali dito si @charlsss kaso naisip ko lang, baka hindi…
Kagabi hindi naging maayos ang tulog ko dahil sa maraming kumakagat sa braso kung lamok. Haha.. Ang ginawa ko,para makaganti naman ako sa kanila. Tinataya kona tuloy yung. braso ko, para muli silang dumapo. At ayon effective naman ang gawa ko. Dumapo nga sila at Paulit-ulit pa. Kaya nakapatay ulit akung lamok,mga tatlo sila. Hehe.. Malinis naman lagi sa kwarto ko. Pero pumapasok parin sila dito. Palibhasa laging maulan dito sa bikol. Kaya nagsipaglabasan sila. Ingat po sa…
Natutuwa lang akung pagmasdan ang kumpol-kumpol na mga bulaklak na ito. Hindi sya nawawalan ng bulaklak.Once malanta ang isa, may pumapalit agad na panibagong bulaklak ulit. Gaya ng buhay natin, araw-araw ay mabilis lumipas. Pero sa araw-araw nayan ay may panibago din tayong dinaranas, may masaya, may malungkot, may paghihirap at sobrang masalimoot. Pero sabi nga, lahat yan ay parte ng buhay ng tao. Hindi tayo normal na tao kung hindi natin pagdadaanan ang mga yan. Basta…
Strawberry Candy 🍓 Pasalubong pala yan sakin ng pamangkin ko kahapon. Kainin ko daw yan.. Kaso nakalimutan ko lang,. Ngayon ko lang nakita sa ibabaw ng drawer ko. Hindi ako mahilig sa sobrang matamis. Pero ito try kona syang kainin.. Hay naku, pagkatamis-tamis na medyo maasim, lasang strawberry nga at hindi lasang apple. Haha.. Hello sainyong lahat..Nap ako later. Ang sarap matulog ngayon,nagsisimula naman g bumuhos ang ulan. Ysa19 -🌺
Makulimlim na hapon Napadaan lang po sa lugar ito. Nagjoyride lang po. Haha. Sumama naman ako sa pagsundo sa pamangkin ko. Kasi request naman mh isa na sumama daw ako sa pagsundo sa kanya.. Sobrang kulit naman, kaya napilitan naman akung sumama. Haha. Magandang hapon po sainyo. Musta naman kayo Mga ka Noise ? Ysa19 -🌺
Sa Panahon ngayon ang hirap ng magtiwala lalo na sa mga taong hindi mupa naman lubusang kilala o kaya kahit kilala mo nga, pero sila pa yung nakakagawa ng kasamaan sa kapwa. Ilang days konang sinusubaybayan ang case ng babaeng nawawala sa Palawan na si Jovelyn Galleno. Ang pangunahing suspect sa pagkawala nya o pagkamatay nya d umano ay walang iba, kundi yung dalawang pinsan nyang buo. Nakakalungkot lang, kung sino pa yung dapat mong pagkatiwalaan ay sila pa yung gagawa sayo…
Cactus Plants 🌵 Ito yung iilan lang na cactus na tanim ng kapatid ko. Ang hirap daw kasing buhayin yan. Dapat hindi masyadong sobrang tubig, kung hindi mamatay sya. Maraming beses na syang nagtry magtanim ng cactus Plants. Pero yan lang ang nabuhay. Kung titingnan natin ang cactus. Maganda sya dba? Pero ingat ka lang ha, huwag padadala sa angking yang ganda. Huwag kang basta hahawak sa kanya.Baka matinik ka. Kasi minsan ang kagandahan ay mapaglinlang. Meron sobrang gandang…
Lets eat lunch Happy lunchtime everyone. Tara po kain tayo.. Ginataang isda,, Pero hindi ko alam kung anung pangalan nya, hindi kasi ako nakipagkilala sa kanya. Haha. Basta taga bikol ay mahilig sa ginataang ulam. *Ginataang isda *Ginataang gulay Like laing, langka At iba pa.. Kayo po anung ulam nyo dyan? Pashare naman.. 😋 Ysa19 -🌺
Bagong gising lang po. Napasarap ang tulog ko, Malamig kasi ang panahon, Medyo tamad pa sanang bumangon, pero ang tiyan ko ay naghahanap na ng mainit na kape.. Pasensya na pala kung mapadaan sa walll nyo ang pagmumukhang ito. Hahaha. Ysa19 -🌺
Nag harvest ang pamangkin ko ng mani. Kaninang umaga yan sa house nila. Imbes na puro halaman ang tanim nila sa harap ng bahay, sinubukan ng kapatid ko na magtanim ng mani. Ayon naging okaya naman ang resulta. Kaya kanina nakapagharvest na sila. Masayang-masaya ang pamangkin ko habang binubunot nya ang mga tanim nilang mani, marami kasing laman. Sabi ko sa kanila, kapag nagharvest sila, sabihan naman ako para ma experience ko din yan pagbunot-bunot ng mani. Kaso hindi ako na…
Hey Its a beautiful Day! Napaaga ang gising ko. Maganda ang sikat ng araw. Tumatagos na mula sa bintana ng kwarto ko. Parang sinasabi nyang, Bumangon kana dyan.. Maganda ang sikat ko ngayon. Mga labahin mo ay labahan muna. Huwag pairalin ang katamaran, baka dumating ang araw, wala kanang maisuot at magmukha kang si Eva na walang saplot sa katawan. Hay naku! Kulongan ang aabutin natin dyan. Haha. Anyway! Hindi ko sure kung makapaglaba ako ngayon. Depende kasi,wait ko muna ang…
Mulberry Nagbubunga na ang Mulberry na tanim ng kapatid ko. Binili lang nila yan dun sa Mulberry farm noon, yung sasama sana ako, kaso nagkasakit ako. Nasa harap at likod ng bahay lang nila yan nakatanim.Nakakatuwa lang kasi pwedi pala yan mabuhay sa ordinary na lupa. Everytime may hinog, pinapitas agad ng pamangkin ko. Walang salba.. hehe. Maliliit lang pala ang bunga nyan. Btw, Happy Lunchtime po sainyong lahat. Plan sana ng kapatid ko na magsisimba kami sa Naga ngayon.…
Butter Coconut Tara mga ka Noise. Snacks po tayo ng butter coconut. One of favorite crackers.. Gustong-gusto ko kasi ang lutong ng crackers. Tapos yung tamis nya, tamang-tama lang. Iinom na lang ako ng malamig na tubig after kumain ng crackers. Sobrang init kasi ngayon.. Kaya snob ko muna ang kape. Hehe. Ysa19 -🌺
National Heroes Day 🇵🇭 Ngayon ay pinagdiriwang ang araw ng mga Bayani. Sino-sino nga ba sila? Sila yung nagbuwis ng kanilang mga buhay alang-alang sa ating INang Bayan. Sila yung mga taong nagtataglay ng pagmamahal sa ating bayan. Sila yung mga taong makabayan, hindi lang iniisip ang sariling kapakanan kundi iniisip kung kabutihan sa ating lipunan. Sila yung matatapang na taong humarap sa mga dayuhan, ibinuwis ang kanilang buhay. Para lang ipagtanggol ang ating bansang…
Rambutan harvest Nagharvest ngayon ang pinsan ko ng rambutan sa kanilang taniman sa Pacol. Isang place dito sa bicol. Ang dami nilang tanim na rambutan and yung dragon fruits. Pero hilaw pa daw yung dragon fruits kaya rambutan muna tayo. Hahah. Senend yan sa sakin ng pinsan ko sa messenger. Holiday kasi kaya may time silang pumunta dun. Medyo may kalayuan yan dito samin. Ang sarap sanang makapunta sa ganyang lugar. Sariwa ang hangin, puro taniman ng mga prutas ang makikita…
Thank you so much God for the wonderful gift of life. Kagigising ko lang po galing sa napakahabang tulog. Ito yung isang gift na bigay mula sa ating may kapal na magising parin tayo sa panibagong araw. Two days to go na lang at September na.kakaway na sa atin si Jose Mari Chan..Pero huwag na muna nating madaliin. May dalawang araw pa ang buwan ng August. Marami pang dapat gawin. Pahalagahan natin ang bawat pagtakbo ng oras.Kasi kapag sya ay huminto, hay naku po, paano na…
My Special Day Just got home, pumunta lang kami dyan sa una-unahan lang ng aming bahay to spend my special day. As usual kasama ko yung mga loveones ko, loveones kasi hindi lang isa o dalawa. Haha. Kung isasama ko lahat, baka magkulang ang mga mesa. Hehehe. Thank you so much pala sa isa sa nagsponsor ng birthday ko, alam muna kung sino ka. Kaway-kaway na lang sayo. Kahit malayo ka ramdam ko yung presence mo. Godbless you more for your generosity and kinded heart. Simple…
Black velvet Plant Marahil mag-iisip kayo kung nasan ang black velvet plant sa picture nayan? Namatay sya pansamantala, nasobrahan kasi sya ng tubig. Pero unti-unting na muling umuusbong ang kanyang dahon. Para makapagsimula naman ulit ng panibagong buhay nya. Tandaan natin, katulad ng halaman nyan, nasobrahan sya ng tubig, which is bawal un sa kanya. Kaya nalanta sya. Sabi nga daw, ang LAHAT na SOBRA at Nakakasama Kahit sa ano man na sitwasyon, Kaya dapat maging balance…
Sinigang with gulay na kangkong. Katatapos ko lang kumain at yan ang ulam namin. Naparami ang kain ko. Masarap kasi ang sabaw at favorite kopa yung gulay na kangkong. Magandang tanghali mga ka Noise. Lunch narin kayo mag 12 pm na... Huwag papalipas ng gutom.. Mahirap magkasakit , lalo na ang hirap ng buhay ngayon.. Ysa19 -🌺
Tara na at magsnacks.. Pizza, Nachos, french fries and Milk tea. Kahapon pala ito, yung iba hindi kona napicturan. Kain agad kasi.. haha. Hindi namin naubod yung pizza and nachos, kaya takeout na lang namin. Hindi naman nakakahiya kasi walking distance lang naman mula sa bahay namin yung Cafe na pinuntahan namin. Pero dahil mga bata yung mga kasama ko kaya, nagpahatid at sundo na lang kami sa kapatid kung lalake. Mahirap na daw magtiwala kahit pa malapit lang. Hindi natin…
Marami naman ang magsasabi ngayong hello September. Pero ako ito naman ang sasabihin ko.. " HELLo po,, sainyong lahat.hehe. Nagakalat naman ngayong ang picture ni JoseMariChan.. Puro naman mga awitin nya ang maririnig mo sa radyo. Tunay naman kasing napakaganda ng mga kanta nya, specially yung mga Christmas songs, samahan pa ng napakaganda nyang boses. Pero dito samin sa kabikolan. Ang September ay simula narin ng pagdiriwang ng PenaFrancia Festival. Kung saan ang aming…