read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Ibat-ibang Mukha Ibat-ibang istorya ng buhay Ibat-ibang patutunguhan Ibat-ibang dereksyon ang pupuntahan. Yan ang nakita ko kahapon sa tapat yan ng PLaza Rizal dito sa Naga City. Dyan mo makikita ang ibat-ibang mukha ng tao. May street sweeper, mga vendor, mga studyanteng nagpapalipas ng oras para hintayin ang oras ng klase nila. May magpapamilya ng nagpapahinga habang kumakain ng mga tusok-tusok. Mga taong parang nawawala sa kanilang pag-iisip. Mga magkarelasyon na makikita mong mga sweet na sweet. Mga taong parang ang bigat ng mga problemang pinagdadaanan sa buhay. Pero teka lang, kung kayo'y mag-isa lang tapos babae ka , huwag kang magkakamaling tumambay dyan. Baka mapagkamalan kang nagbebenta ng laman.Haha. Plaza Rizal yan ang pansamantalang pahingaan na matatagpuan sa Naga City. Nagiging makulay yan kapag gabi. Lalong-lalo na ngayon paparating na ang Fiesta ng Buong Bicolandia this coming September.1 week celebration yan in honor of our beloved Inang PenaFrancia.. Ang INA ng buong Bicolandai. Tara na at bisitahin ang Camarines Sur. Come south/ Camsur Ysa19-🌺

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.