After heavy rain Finally nagsawa narin ang pagbuhos ng ulan sa buong kabikolan. Salamat naman at nagpakita na ulit si Mr. sun. Maaga akung nakapaglaba. Sinamantala kona kasi habang maganda pa ang sikat ng araw. Napadami pala yung nilabahan ko. Natambak na kasi, sa halos ilang araw narin ng pag-ulan dito samin. Btw, Fly high butterfly.. haha. Nakita ko yan habang nagsasampay ako. Paikot-ikot sa mga bulaklak. Sobrang likot nya, hindi ko makunan ng maigi. Parang happy sya, kasi huminto na ang ulan at muli naman syang makakadapo sa mga bulaklak. Magandang Umaga mga ka Noise. Kaway-kaway na lang po sainyo dyan. Rest muna ako at gutom na, hindi pa pala ako kumakain. Kape lang ininom ko. Haha. Ysa19 -🌺
4 comments
Sulitin na talaga natin si Mr. Sun ngayon sissy hihihi.
Umaambon na nga sis, huhu.
mabuti pa jan sis at maganda panahon dito samin tuloy tuloy pa din ang ulan dala na din ng bagyo yung labahin ko tambak na tambak na sana bukas umayos na panahon at maglaho na ang bagyo para makapaglaba na din ako ng mga damit namin.
Oo sis.. Pero hindi pa ako nito makasiiguro kung matutuyo ang mga nilabahan ko. Baka mamaya umulan pa. Haha.