read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Larawan ng Nakaraan Marami ng taon ang nagdaan. Marami ng tao ang lumisan. Pero ang bakas ng nakaraan ay sadyang hindi malilimutan. Kuha ko ito sa isang lumang building sa NAGA CITY ng matapat yung sasakyan ng kapatid ko sa lumang building nayan.Bigla akung napatingala at agad kinuha ang cellphone, para makunan lang ng kahit madalian ang lumang gusali nayan.Bigla naman lumipad ang aking isip kung saan-saan. Alam ko hindi lahat na nakikita nating kagandahan sa ngayon ay magiging maganda parin sa susunod na panahon. Katulad ng gusali nayan. Darating ang araw ay kukupas ang lahat. Darating ang araw ay mawawala ang angking ganda. Darating ang araw na parang magiging balewala na. Pero bago paman dumating ang panahon nayan. Sana makabuo tayo ng isang maiiwan na alaala. Na kahit mawala kaman ay mananatili sa isip nila ang Kagandahan naitanim mo sa kanilang mga puso. Ysa19-🌺

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.