Flower Made Of Clay Ginawa ng pamangkin ko. Habang hinihintay namin ang mommy nyang may binibili sa department store. Nagpaiwan na lang kami sa car. Kasi pagod na daw ang batang bulinggit. Para malibang sya, kinuha nya yung binili nyang clay. Sabi ko ano yang ginagawa mo? Gagawa daw syang flower. Pagkatapos nyang gumawa, ayan oh..Binigay nya sakin.Hehe. Napakasimpling bagay lang, pero ang sarap sa pakiramdam. Binigyan ka ng isang bata ng flower made of clay na galing sa sarili nyang gawa at sinabayan pa ng ngiti. Btw, kararating lang pala namin mula sa Naga City, sumama naman ako sa kanila para magpalamig sa MALL . Buong maghapon kasing walang kuryente dito kanina at kararating lang ngayon. Ysa19-🌺
No comments yet