read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Puno muna tayo, saka na lang ang bulaklak... Minsan gusto kung maging isang puno. Para ako yung magpupuno ng pagmamahal sayo na hindi kayang punoin ng iba. Minsan gusto kung maging isang puno. Para ako'y magsisilbing lilim mo kapag kailangan mong may masandalan ka. Minsan gusto kung maging isang puno. Para ako'y magsisilbing pahingahan mo kapag ikaw ay napapagod na. Minsan gusto kung maging isang puno. Para alisin yang mga hinanakit mo sa dibdib at pupunuin ko yan ng tuwa at sigla. Feeling mo puno man ng galit ang mundo sayo.May isang tao na darating sa buhay mo na magbibigay ng kasiyahan na matagal mong inaasam sa buhay. Magpupuno ng pagmamahal na matagal mong hinahangad. Magpupuno ng Pag-asa sa buhay mong akala mo ay wala ng sigla. Kaya ikaw, huwag kang pasaway ha! Huwag kang mainip. Huwag mong hintayin na mapuno ako sayo! Haha. Dahil sa isang Puno na ito. Kung ano-ano naman ang pumasok sa isip ko. Haha. Ysa19-🌺

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.