read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Eksena sa labas Tambay ako kanina sa kainan ng kapatid. Habang kausap ko yung pamangkin kung bulinggit ay biglang nagsigawan ang mga alalay dun at pati yung ibang mga customer's ay nagtatawanan. Tapos may narinig ako, Sabi nya.. Ay may nakahuba,, nahiling ko..nahiling ko yuck.. Ang ibig sabihin nun ay nakita nya daw nakahubad na lalake at walang saplot sa katawan. Habang naglalakad sa kalsada. Nakita ko nga yung lalake, nakatagalid lang sya, kaya hindi ko nakita yung bandang harap nya. Sabay talikod ako at sabay tinakpan ko ang mata ng pamangkin ko. Tanong ng pamangkin ko sakin. Bakit sila nagsigawan? Sabi ko may dumaan kasi na crazy man na walang suot na damit. PrincessJ- Kawawa naman ang crazy man auntie, bakit nag naglalakad syang walang clothes? Ako-Sabi ko wala kasi syang bahay at walang foods, out of mind sya. PrincessJ-Kawawa naman sya, ako pala lucky kasi may house ako, may foods and may clothes. Dapat hindi pagtawanan ang crazyman. Dapat tulungan sya at bigyan ng foods. Ako naman, biglang hinaplos ko yung ulo ng bata. Sa mura nyang edad ay naiisip nya na ang mga ganyan. Dapat hindi daw pagtawanan at dapat kaawaan at tulungan ang mga taong kagaya ng lalake na naglalakad na wala sa katinuan ang pag-iisip. Kaya mapalad talaga tayong mga normal ang pag-iisip. Kaya dapat gamitin natin ito sa tama at huwag ibaba ang mga taong alam munang nasa ibaba. Ysa19 -🌺

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.