read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Cactus Plants 🌵 Ito yung iilan lang na cactus na tanim ng kapatid ko. Ang hirap daw kasing buhayin yan. Dapat hindi masyadong sobrang tubig, kung hindi mamatay sya. Maraming beses na syang nagtry magtanim ng cactus Plants. Pero yan lang ang nabuhay. Kung titingnan natin ang cactus. Maganda sya dba? Pero ingat ka lang ha, huwag padadala sa angking yang ganda. Huwag kang basta hahawak sa kanya.Baka matinik ka. Kasi minsan ang kagandahan ay mapaglinlang. Meron sobrang gandang tingnan, pero bulok naman ang kanyang kalooban. Kaya huwag tayong babase lang sa kagandahan na ating nakikita. Ang hanapin natin ay yung hanggang sa dulo ay mananatili ang kanyang ganda. Sabado naman at makulimlim naman ang kalangitan. Minsan nagpapakita din ang araw haring araw pero ilang minuto lang ay nagtatago naman. Isa din syang mapaglinlang. Kaya sa mga maglalaba dyan, lakasan nyo na lang ang inyong pakiramdam. Haha. Magandang maganda pong umaga sainyong lahat. Ysa19 -🌺

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.