Yun bang, ang haba-haba ng tinatype mo at biglang may nagmessage sayo. Kaya tiningnan o binasa mo ito. Pero nung bumalik ka sa ginagawa mo, biglang nagrefresh ang browser, at ayon biglang nawala ang tinataype mo. Huhu. Pero ipagpatuloy kona lang ngayon. Sobrang mapanganib talaga ang kidlat. Dalawang buhay ang nasawi kanina dahil sa kidlat. Habang kasagsagan ng napakalakas na ulan kanina at may kasama itong kulog at kidlat. May dalawang buhay ang nagpaalam sa mundo. Ang dalawang biktima ay wala man lang kaalam-alam sa mangyayari sa kanila. Dahil nasa loob lang naman sila ng kanilang munting tahanan. Sabi ng mga nakasaksi sa pangyayari. Habang kasagsagan daw ng napalakas na ulan ay may bigla silang narinig mula sa kalangitan na isang napakalakas na dagundong na tila bumagsak sa lupa. Sabi ng saksi, nakita na lang nila yung bahay ng dalawang biktima na dun pala bumagsak ang napakalakas na kidlat at yun ang dahilan ng pagkamatay ng dalawang inahing baboy. Tama po kayo sa nabasa nyo. Ang dalawang biktima ay baboy lang po. Nasa kulungan sila ng baboy ng mangyari ang insedenti. Sabi ng may-ari nakalulungkot sana ang pangyayari kasi buntis ang isa dun na baboy. Pero wala na silang magagawa kundi tanggapin na lang daw. Kaya po ingat tayo sa kidlat. Sobra syang nakakapinsala. Ysa19-🌺 nag-uulat
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
8 comments
Dapat galaga wag magtayo ng bahay na walang matataas na bahay sayo kundi ountirya ka talaga nv kidlat.. dapat may puno sa malapit.. para yun ang pupuntahan hindi ang bahay..
Yun na nga sana. Pero talagang mangyayari siguro talaga ang ganun. Sayang ng baboy, maaga silang na lechon.
L3chon na di na nakain waaaaaa
Pwedi pa yun sa mga mangiginom ng alak. Unli-pulutan sila. Haha.
Tostado na yun wala na natira ahhaha
Hala kawawa naman
Kaya nga sis, kawawa naman. Pero okay nayan atleast hindi tao ang natamaan ng kidlat.
Oo karnehin na lmg pede naman yta un diba at kidlat naman ndi sakit ang kinamatay