Back to school Ito yung larawan ng isa sa Mall na pinuntahan namin kanina. Halos hindi magkandaugaga ang mga taong namimili ng mga school supplies. Kulang na lang ay magbalyahan.hehe. Sabi nga daw, mas excited pa ang mga magulang ng mga bata sa pagbabalik school, kisa sa mga anak nila.hehe. Totoo ba yun? Masaya ako habang tinitingnan ko ang mga tao na sobrang busy sa mga pinamimili nila. Ako naman, parang gusto kona rin tuloy bumili ng mga school supplies.. Katulad ng nga notebooks, ballpens,crayons at iba pa.haha. Ang sarap lang balikan ang nakalipas. Yung hihingi ka ng baon sa Mama mo, Kahit 5 pesos lang masaya kana. Ngayon kapag ang bata bigyan mo nyan ay baka itapon lang.. Ano naman kasi ang mabibili sa halagang 5 pesos lang? Candies? Chichirya na tag pipiso lang.hehe.. " Sabi daw.. Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan" Kaya ikaw bata.. Mag-aral ng mabuti okay. Huwag maging bulakbol. Maging huwaran at huwag maging pasaway. Para naman yan sa inyong kinabukasan. Ysa19-🌺
4 comments
Totoo yan sis mas excited pa yata kaming mga nanay kaysa mga bata hahaha. Pero wala pa akong nabili kahit isa na gamit Ng dalawang anak ko :)
May ilang days pa naman sis.. Pweding-pwedi kapang humabol. Hehehe..
hahaha kasi makakatakas na mga magulang wala na iintindihn masyado anak sa bahay kasi nasa school na hahaa
May point ka din ano.. haha.. Pwedi ng maka merites lagi sa kapitbahay. Hehe .