Bicol River with Water Hyacinth Ito yung nadadaanan namin papasok sa Naga City.. Ang BICOL RIVER Maraming water hyacinth. Nadaanan namin ito nung isang araw. Nililinis nila ang ilog at inaalis nila ang ibang water hyacinth/ Water Lily... Para maging maganda ang daloy ng tubig. Para maiwasan ang pagbaha o pag-apaw ng tubig, lalo na ngayong tag-ulan. Pero ngayon papalapit na ang September. Mas lalong nililinis nila ang river.Malapit na kasi ang fiesta sa Naga. Nagkakaroon ng Fluvial procession at dyan sa river pinaparada ang aming Patron ng Bicol na si" INANG PENAFRANCIA,, Kapag nandyan na kami sa tapat ng tulay nyan. Tuwang-tuwa na nyan ang pamangkin ko. Kasi abot tanaw nya na ang logo ng McDonald's and Robinson Mall, yung logo na letter R.. hehe.. Paki-zoom na lang ng pictures, para makita nyo din.haha.. Anyway, Anong meryenda natin dyan mga ka noise? Maulan ang buong araw dito samin. Masarap sanang kumain ng kumain.hehe. Ysa19_🌺
7 comments
Pwede ba maligo dyan.. yan yung landmark nya para sa smiling face ahahha
Pwedi namang maligo dyan. May nakikita nga kaming mga batang naliligo dyan. Kahit maitim yunh kulay ng tubig. Haha. Kaya nga, nakasmile na agad yan, kapag nandyan na kami nakatapat. Kumakaway na sya agad. Haha.
Magayon talaga sa Bicol <3
Iyo baga, lalo na ang mga daraga digdi. Haha..
Ayy totoo magayon talaga kamo
Marami pa talagang magagandang tanawin sa bahagi ng bicol. Isa na tong river na ito.
Marami sis, mamimili ka lang kung saan mo gustong mamasyal.