I Can See Ghost And Experiencing Premonition (Kilabot)

72 74

I remember when I was living in Las piñas, our house there was 2 storey. It has 2 sala set, up and down, and each room has a cr. I think I was in 4 or 5 when it happened.

Actually, since a child, I am able to see the creatures that anyone can't see. And before I thought it was normal, but I didn't know that it's not normal already. So this article was inspired by @Yzza0625 because of her article a few days ago entitled "Seeing Ghost and Mythical Creatures: A Gift or A Curse?"

This is base on my real experience, up until now. I know some of you have already read my article about my premonition last December, allow me to recall what happened during that time.

Kindly click the link: https://read.cash/@OfficialGamboaLikeUs/kung-lumabas-to-sa-notif-nyo-pakiusap-kailangan-ko-ng-tulong-sana-maniwala-at-matulungan-niyo-ako-9756175c (All the proof was there).

So let's start the story, where and when it started when I was young until now.


  1. Ang Batang Lalake.

Bata palang ako maymadalas akong may makita, makausap na di karaniwan. Minsan naalala ko, tulog ako tapos may malakas na sampal ang tumama sa mukha ko. Napadilat ako, isang batang lalake na puro itim at sobrang putla yung nakita ko. (Kinikilabutan ako habang tintype to). Ang puti talaga ng mukha niya, para siyang nasa 7years old na o pababa pa. Umakyat siya nun sa taas ng aparador at humiga pero nakatingin parin saakin, nakatulog na rin ako nun ng di ko namamalayan. Kinaumagahan sobrang taas ng lagnat ko kaya pinatawas nila ako, at nakita na meron daw lumapit saakin na isang kaluluwa na hindi ko daw dapat nakikita o nararamdaman.

  1. Babae Sa Bintana Ng Hagdan.

Actually naluluha ako habang tinatype ko to, ninenerbyos ako saka sobrang nagpapawis kamay ko ngayon dahil sa mga naaalala kong nakita ko nung ako'y bata pa.

Kakarating ko lang nito sa mismong bahay namin dito sa Iloilo nung grade 2 ako. Unang pasok ko palang sa loob ay napakabigat na mismo ng pakiramdam ko. Gabi nun, nakatambay ako sa labas, habang nakaharap sa bahay. Sa taas, makikita mo yung Glass na bintana at kita yung loob, ayun yung nasa taas ng hagdan bago ka pa umakyat ng isang baitang para marating mo yung second floor ng bahay. Aksidente akong napatingin sa bintana, at halos napatda talaga ako sa nakita ko. Pakiramdam ko bumilog ng husto yung ulo ko saka di ako makagalaw. Di naalis tingin ko sa babae na nasa glass ng bintana, nakatitig saakin habang nanlilisik ang mga mata. Sobrang pula ng mata niya, galit na galit rin tingin niya saakin. Kulang nalang mamatay ako sa titig. Tinawag ako ng tita ko nun kasi ang tagal ko nang tulala, tapos pagtingin ko ulit dun, wala na siya.

  1. Babae Sa Putol Na Puno.

Eto yung babae sa hagdan, nagpakita ulit siya saakin pero this time grade 3 na ako. Around 9pm yun, inutusan ako kunin yung kumot sa likod ng bahay. may putol na puno noon na nakatabi sa sinasabitan ng sinampay, after ko kunin yung kumot ay bigla ko siyang nakita mismo sa putol na puno, lumulutang sya sa hangin, nakasuot ng puti na duguan at ang sama pa rin ng titig saakin at nanlilisik pa rin ang mga mata. Bigla rin akong napahinto nun na parang di ako makagalaw, tapos nung tinawag ako ng dad ko bigla nalang syang naglaho na parang bula. That time di ko napigilan sarili ko umiyak talaga ako kasi mga sis at brader, sa harapan ko yun.

  1. Ang Lalake Sa Likod Ng Paaralan.

Eto, grade 3 rin ako dito. Normal na yung kasabihan na halos lahat ng elementary school ay dating sementeryo diba? Nung grade 3 ako, likod ng school namin ay dati ring sementeryo. Actually may mga lapida panga ng patay dun saka lumang libingan na di parin inaalis until now. Nasaloob ako ng banyo nito, kita yung likod ng school namin which is taniman. After ko magbuhos, napasilip ako at may nakita akong lalake na nakatalikod, yung suot niya parang barong? Oo basta makaluma yun eh.

Eto yung itsura:

Image from google

Tandang-tanda ko na ganito yung suot niya, at nakalongpants siya ng itim, nakatalikod lang siya at sinisilip ko kung ano itsura niya kasiparang di ko pa siya nakita. Out of nowhere kinatok ako ng kaklse ko kase daw ang tagal ko sa cr, pagsilip ko ulit wala na siya.

  1. Lalake Sa Bintana.

Diba uso yung play station noon? yung kinakabit sa DVD para makapaglaro. Katatapos ko lang maglaro ng ganito at inayos ko na yung upuan, sa side view ko nun may salamin na makikita mo yung buong katawan mo. Bigla akong may nakitang lalake, pero may saksak siya sa puso. That time di nagtaka ako kasi di ko naman siya kilala at di ako familiar sa itsura niya, ginawa ko nalang pinagdasal ng taimtim yung kaluluwa ng kung sino man siya.

  1. Ang Panag-inip.

Nangyare to grade 4 ako, isa to sa pinakaunang premonition na naranasan ko. this time isang tao na sobrang malapit saakin ang humihingi ng hustisya, sa panaginip ko ay tinawag nya daw ako sa sala kaya lumabas ako sa kwarto, Nakita ko siyang nakaupo sa harap ng hagdanan kung saan kita kapag sumilip ka sa kwarto. Thattime, umiiyak sya. Humihingi ng tulong, sinasabi niya na "Kailangan ko ng hustisya, bigyan mo ako ng hustisya", hanggang ngayon ay sobrang clear parin ng panaginip ko. Kinaumagahan at kinuwento ko yun sa tita ko saka nagulat siya, ipinahayag niya saakin lahat at kinuwento ko lahat ng nanyare. yung pumtay pala sakaniya is yung kamaganak rin namin na may sakit sa pagiisip. Pinagtataga siya sa isang palayan dito saamin sa di naming malaman na dahilan.

  1. Aninong Itim.

Nangyare to g5 ako, magisa ako sa bahay at lahat sila ay nagsimba. Bali first mass yun around 4am. 3Am palang gising na ako dahil ako yung maglalock ng pinto, magkakalahating oras na sila wala ng makadama ako ng tawag ng kalikasan. After nun, pabalik na ako sa loob ng makita kong may nakalutang na itim, itim lang sya. Di ko alam kung ano at sino siya pero oo, itim lang talaga sya. Medyo napatigil ako nun at nug nakaipon ako ng lakas ng loob ay napatakbo nalang ako papasok sa kwarto at hinintay na makauwi sila.

  1. Ang Bata.

Nangyare to shs ako, may nakita kasi akong bata na nakatingin lang sa kalsada, kaya tinanongko kung tatawid ba siya kasi tatawid ako. Di niya ako sinagot, nakatitig lang sya kaya sinabi ko na sumunod nalang sya, pagdating ko sa kabilang dako ay hindi ko sya nakita. Tinanong ko yung driver na nakatingin saakin habang tumatawid ako, ang sabi niya wala daw akong kausap saka mag-isa lang daw ako na tumawid.


So hanggang dito muna dahil sobrang kinikilabutan rin ako habang inaalala ang mga bagay na ito. Gagawan ko ng part 2 to once may maghanap kasi ngayon palang nakakakilabot na pag naalala ko HAHAHA.

Actually no idea ako bakit may ganito ako, minsan iniisip ko na sumpa to kasi ang creepy ba naman HAHAHAHA.


Closing Thoughts

Para sa Nov sana to kasi exciting, pero yung ibang experiences ko sa Nov ko na rin ikekwento para masaya.

Ingat ang Lahat!


Date: 8-2-21
By: OfficialGamboaLikeUs

21
$ 9.08
$ 8.71 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Jane
$ 0.05 from @Ruffa
+ 8
Sponsors of OfficialGamboaLikeUs
empty
empty
empty

Comments

Ako lang ba yung iniimagine yung mga nangyayari habang nagbabasa hahaha nakakakilabot pano pa kaya kung ako yung makakakita hihimatayin ata ako sa takot😓😵

$ 0.05
2 years ago

Pikit nalang HAAHAHAHA

$ 0.00
2 years ago

Grabe, natatakot ako pero binabasa ko pa rin. Matatakutin talaga ako. Kinikilabutan ako habang nagbabasa nito.

$ 0.05
2 years ago

ako na nakaexperience natakot rin e HAHAHAHA

$ 0.00
2 years ago

Grabe, habang binabasa ko 'to kinikilabutan din ako. Hello sa ating may mga experiences about sa mga ganito. Para kang napaparalisa eh, di makatakbo o makagalaw man lang.

$ 0.05
2 years ago

ay truee. ikaw rin? parang di natin hawak katawan natin pagganito no?

$ 0.00
2 years ago

Opo, balak ko nga din na i-share dito eh. Grabe, nakakatakot.

$ 0.00
2 years ago

magshare kaaaa

$ 0.00
2 years ago

May draft na ako about thissss.

$ 0.00
2 years ago

tapos kana?

$ 0.00
2 years ago

Di paaaa. Hehe

$ 0.00
2 years ago

Naging nobyembre ang agosto ko hahahhaha , andamii naman, danas ko din yung mga nakakatakot na pangyayari sa elementarya. Idunnooo bakit halos ng paaralan may pagka haunted .

$ 0.05
2 years ago

sa november na ang iba no HAAHAHHA

$ 0.00
2 years ago

Hahaha nakooo, ang dami pa pala

$ 0.00
2 years ago

Bakit ang dami haha! Nalito ako dun sa unang batang lalaki na puro item pero maputla? Dun ako sa lalaking may saksak mejo natakot. Baka parte ng nilalaro mo yun di mo lang napansin hehe.

$ 0.05
2 years ago

yung mata nya kuya itim tas ung mukha nya sobrang putla HAHAHAHAH

$ 0.00
2 years ago

Ako once lang. Naamlipungatan ako kasi may nakita akong batng nakaupo sa paanan ko. Di ko nalang pinansin kasi inaantok ako HAHAHAHA. Pero I ask mg brother kung sya yom pero di daw

$ 0.05
2 years ago

gagi ka seryoso?

$ 0.00
2 years ago

Ehhh, never pa akong nakakita or nakadama ng mga nakakatakot na bagay so I don't know what to say and feel 😵. Pero, mas dalasan no nalang ang pag ppray. 💚💪🌱

$ 0.05
2 years ago

oo nga ate e kelangan rin always pray HAHAHAHA

$ 0.00
2 years ago

Buti binasa ko to ate, mga umaga na. Ang hirap matulog kapag ganito binabasa ko haha

$ 0.05
2 years ago

ako hindi, tambay rin ako sa spookify saka mahilig magshare ng experience HAHAHHA

$ 0.00
2 years ago

Oh nooo, I couldn't imagine myself being in your shoe. I'm thankful because I don't have any of those experiences.

$ 0.05
2 years ago

WAG NA PANGARAPIN, MASAKIT HAHAHA

$ 0.00
2 years ago

Hahahaha

$ 0.00
2 years ago

Kung ako nakaexperience nyan, siguro inataki na akoo

$ 0.05
2 years ago

masarap kamo tumakbo ate

$ 0.00
2 years ago

Hahaha di naman masyado. Muntikan lang akong di makahinga haha

$ 0.00
2 years ago

While reading this ..iniimagine ko bawat situation..huhu.. Goosebumps alert.. Pero sabi nila gifted kdaw po pag nakakakita ng mga ganiyan .If it can be use in good use po..Pero ang maipapayo ko lang is to Pray po..Kung may free time ka ..kahit simpleng dasal lang po.

$ 0.05
2 years ago

diko ginusto ung ganito, nakakagambala kaya kahit tulog ka

$ 0.00
2 years ago

Hello my dear friend, a pleasure to greet you and meet you.

I would not say that it is a curse, but a gift that was given to you for something, I am very fearful of the paranormal, however only once I experienced something similar, but this is very crazy, to be able to see these beings, No doubt you have encountered some evil ones, because if they manage to paralyze you it is because their energies are really bad, you should ask for help, or find a way to deal with this, because the fact that you have the opportunity to see them, exposes you to the possibility that they can harm you, take care of yourself, God bless you.

$ 0.05
2 years ago

I want to seek for some paranormal or mas mataas pa sakanila po. Pero wala akong kilala, I badly want to close this 3rd eye bcuz I'm being worried narin what if someday they can able to possess me ;-;

$ 0.00
2 years ago

Langga grabe nakakatakot😰 mas malala pa yung mga naranasan mo sa kin, paano nalang kung nakaranas ako ng mga ganito di ko na alam gagawin ko... pray ka always Langga...🙏

$ 0.05
2 years ago

Takbo in advance HAHAhaahah

$ 0.00
2 years ago

Parang ganun na nga Langga pero wag naman sana...🙏

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga ate eh

$ 0.00
2 years ago

Ayoko ng makaranas ng mga ganito Langga sobrang nakakakaba at nakakatakot..😔

$ 0.00
2 years ago

While reading this, grabe nakakatayo ng balahibo balak ko sana bukas basahin pero buti may kasama ako dto hehez. Ayoko talaga ng ganyan yung makakakita ako mismo. Baka di ko kayanin

$ 0.05
2 years ago

Gusto ko sya ipasara, as in gusto ko talaga. Kaso waala akong kilala

$ 0.00
2 years ago

Sissss, grabe. Nanayo talaga mga balahibo ko. Kung nakakatakot na yung experiences ko, mas grabe yung sayo. Nakakatakot isipin yung mga nanlilisik na mata. Pray ka lang sis. Yan lang weapon natin pagdating sa mga ganyang bagay.

$ 0.05
2 years ago

Nako sis sinabi ko sayo parang napako lang ako non sa kinakatayuan ko 🤣

$ 0.00
2 years ago

Pero ngayon sis, may nakikita ka pa rin ba?

$ 0.00
2 years ago

langga upvote lang kaya ko kasi di ko maatim talagang basahin basta mga ganito eh....takot me

$ 0.05
2 years ago

Mukhang mali ata pagupload ko ng gabi 🤣

$ 0.00
2 years ago

sorry na huhhu

$ 0.00
2 years ago

Nakakapanindig balahibo naman ang sinulat mo,gabi pa naman ako nagbabasa,ay ako na lang ang gising.

$ 0.05
2 years ago

Mali ata pagupload ko ng gabi ate HAHAHAAH

$ 0.00
2 years ago

Seryoso? Never pa ko nkaranas nf kababalaghan kc hndi ako naniniwala jan

$ 0.05
2 years ago

Oo ate, andami diko kayang isa-isahin 🤣. PAti sa premonition juko HAHAHAAH

$ 0.00
2 years ago

hayayayayay goosebumps... 🥶😱maalala ko among my 3 kids yun 2nd q ang bigla nagsabi sa akin na, mama i see a scary person there...sabi q saan, sa side daw ng bed nila..pinuntahan nmin taz itinuro nia. wala nman aq makita pero bigla sya sumigaw, sbi q bakit taz sbi nia gumalaw daw..pinadescribe q sa kanya sabi nia scarecrow ang itsura...ilang days din na ganun taz tinuruan q cia mag cast away ng spirits..kaya pagnaririnig q na sinsasabi nia na "go away in Jesus name" nakikita nia. ilang days din yun. taz di q namalayan wla na..mga 4 or 5 yrs old cia nun..til now wala na.. Thank you Lord

$ 0.05
2 years ago

Buti ate di nag develop yung ganyang kakayahan nya, akin kasi nagdevelop talaga sya, wala rin akong magagawa kase wala e. Naging parte sya ng buhay ko

$ 0.00
2 years ago

Buti tlga hindi, pero sbi din nun church namin na my mga batang vulnerable sa ganyan pero nawawala din nman daw.. It helped din yun alam nia i cast away..

$ 0.00
2 years ago

Akin te gusto ko ipasara, kasi minsan mabubulabog ako jusko

$ 0.00
2 years ago

Oo better lalo kung nabobother ka tlga kc kaka stress din yan.. Go... keep praying

$ 0.00
2 years ago

Kung makakita ako NG isa baka mahimatay ako. Di ko kaya yan. Ang nakikita ko lang yun parang dumaan na mabilis saka yun parang kurtina sa school namin sa University ko knowing wala naman kurtina sa bawat classroom.

$ 0.05
2 years ago

Ang creepy kaya hanep

$ 0.00
2 years ago

Pati ako natatakot na dito huhu sana bukas konalang ng umaga tohh binasa katakot sa kusina😭 I never saw a ghost before buti nalang at wala akong kakayahan baka matrauma pa ako kung makakita ako

$ 0.05
2 years ago

Akin nga gusto ko king owede wag na e HAHAHAAH

$ 0.00
2 years ago

The day I had this experience I ran to my Mummy and told her of it, she prayed for me and told me I have nothing to be afraid of.

$ 0.05
2 years ago

This is what I'm doing always 🤣 praying for their spirit so that they can put at peace

$ 0.00
2 years ago

You will surely get over it through constant prayer

$ 0.00
2 years ago

It's normal things happened to me when I was in college, I just convince myself that I didn't seen anything or heard something. When I was freshman, I heard the marching step of soldiers in our boys dorm, they says its normal for some fallen soldiers are roaming there, then crying sound of baby, I also encountered white lady, I thought its my college friend but girls wasn't allowed in boys dorm. For Four years in my college its becomes my daily encounter so I think I am immune to that, and can even walked alone in sementery alone and I did it many times now...

$ 0.05
2 years ago

never ko gugustuhingmaglakad sa sementeryo ng magisa HAHAHAH

$ 0.00
2 years ago

Nakakatakot huhu. Nakakaexperience din ako ng ganyan pero di talaga nawawala yung kaba kspag nangyayari.

Hindi ko sinasabi sa mga kakilala ko kasi parang di naman din sila maniniwala.

$ 0.05
2 years ago

ay same HAHAHAH minsan nananahimik nalang ako pero jusko iba rin ung takot HAHAHAH

$ 0.01
2 years ago

naku manang, di ko natapos hahaha! ka lalake kong tao pero takot talaga ako eh. lalo na yung nakita ko yung barong. siguro bukas ko nalang to babasahin ulit. hahahaha

$ 0.05
2 years ago

ako nga eh kinilabutan bigla HAHAHAHA

$ 0.00
2 years ago

buti nga natapos mo pa. di ka ba natatakot? haha

$ 0.00
2 years ago

edit2 nalang ginagawa ko dito manong kasi nakasave na silasa notes ko. bali check nalang before ko iupload dito

$ 0.00
2 years ago

hahaha! good luck manang

$ 0.00
2 years ago

Mehn.... You have seen quite number of ghost for a lifetime

But have you ever thought of the reasons you can see, feel their stare, their energy, and talk on them as well?

One quick question, did that relative of yours get justice for his death?

$ 0.05
2 years ago

yep, nakuha nila yung justice. Naikwento ko bigla sa fam nila dream ko tas lahat tumugma kaya pinaniwalaan nila

$ 0.00
2 years ago