Simulan natin.
Magandang araw sa lahat, may nais lamang akong ishare at sana pag tuunan niyo ng pansin etong real experience ko mismo sa loob ng ilang taong pananahimik ng kaluluwa ko.
Alam ko na yung iba sainyo di naniniwala pero promise, legit na legit to. Mas legit pa sa jowa nito.
So eto, kaninang umaga kakagising ko lang. Tapos pumikit ako saglit pero sa pag pikit ko may vision ako na nakita. Yung kaibigan kong bakla mimso nakita ko. Sa vision ko nakita ko siya, malabo lahat as in super labo ng mga nasapaligid ko at ng taong kasama niya, pero siya is clear kong nakikita. Pang lima sya sa taong nakitaan ko nito at hanggang ngayon ay gulong-gulo ako.
Sa vision ko, nakita ko siyang nasa isang lugar na di ako familiar, tas may mga kasama siya na di ko kilala. Hindi ko marinig paligid at di ako makakilos kung asan yung vision ko.
Dec 12, sinabi niyang may imemeet siya pero wala siyang sinabi na lugar. Ang sabi niya lang ay "yung isa imemeet ko sa 16 ng gabi kasi mabait"
actual conversation namin yan, last Dec 12, 2020.
Balik tayo, sa vision ko nasa lugar sila na di pamilyado saakin, lahat malabo at sya lang yung bukod tangi kong nakikita. Parang nagkayayaan pumasok sa loob ng bahay kasi nakita ko sila, after nun biglang nag fast forward panaginip ko. Sa dream ko nakaupo sila sa loob at nag iinuman. May pinag uusapan pero hindi ko marinig at hindi ko alam kung ano. Maya-maya bigla ko nalang nakita na isinisilid sila sa isang lalagyan at yung lalagyan eh puno ng dugo, after nun nakita kong sinakay sila sa parang tricycle at itinapon sa kung saan-saan.
Matapos ko makita yun ay nag fast forward ulit at andun nako sa scene kung saan nakita kong sumisigaw mama niya at umiiyak kasi nga isang linggo nadaw di siya nakikita at di umuuwi.
So pagkakita kong online siya ay agad-agad kong chinat.
eto yung actual conversation namin kaninang umaga, ilalagay ko translation after ng picture.
translation:
Me: ghang? Napanaginipan kita
Siya: shutang kung bad yan pleas wag mo na ishare
Me: bad gha, warningan sana kita
Siya: morning gha
Siya: hindi nalang ako aalis mamaya
Me: wag ka pupunta o papasok sa bahay ng di mo pa kilala or something na pupunta ka sa malayo at yayayain ka sa loob ng bahay na dimo kilala kung sino kasama mo at di ka familiar. At sa taong kakakilala mo palang.
Me: as in nagulat ako
Me: ampangit nung panaginip ko, yung feeling na kakagising mo palang tapos pagpikit mo may nakita ka agad. Grabe ung kaba ko, napatanong ako sa self ko kung sang place yun.
Siya: puteks eto nga plano ko na mag stay sa jowa ng teacher na taga dito na kilala ko pero ako hindi niya kilala.
Me: Gha eto ung napanaginipan ko (refering dun sa part na wag siya tumulong sa bahay na kakakilala niya pa lang)
Me: Tapos sinabi nalang daw na hndi ka na umuwi after nun at di kana nakita. Gago nagulat ngako bat ganyan panaginip ko, parang nag make sense na warning siya.
Me: kasi once na malapit sakin yung tao, pag may manyayareng masama mapapanaginipan ko.
siya: Salamat sa warning gha. Love you.
After niyo mabasa need ko ng mga opinions niyo, kailangan ko talaga masagutan katanungan ko kasi pang ilan na siya sa napanaginipan ko at halos lahat ng warning na nakikita ko sa panaginip ko eh manyayare lalo na pag diko sinabihan. Please, di ko na alam gagawin ko.
You have a gift sis, I hope and pray that God will guide you para mga taong nakakitaan mo ng ganyang premonition eh maniwala at wag ipagsawalang bahala lalo pag buhay nila nakataya. Good to hear na nakinig ang friend mo at sana wag sya pupunta sa kahit sinong d nya kakilala para iwas disgrasya. God bless!