Limang Letra, Isang Salita

16 919
Avatar for McJulez
3 years ago

Ngiti. Isang salitang binubuo ng limang letra.
Isa lang pero nakakabighani na. Paano pa kaya kung tinodo mo na?
Paano na lang kung kasing tamis pa ng asukal na tinda ni aling nena?
Kaya't huwag mo sanang ipagkait ang ngiti mong nakakapagbigay kilig sa kagaya kong tanga.

Sabi nga sa kanta ni Ronnie Liang, sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling. At sa tuwing ikaw ay gagalaw, ang mundo ko'y tumitigil. Para lang sayo, ang awit ng aking puso. Sana ay mapansin mo rin, ang lihim kong pagtingin. Hindi ba't ang gandang pakinggan? Isang kanta na kapag naririnig ay nagbibigay kilig. Napapangiti rin dahil sobrang nakakahawa ang pagngiti.

Ops. Bago ka pakiligin ng mga mala-asukal kong salita, nais kong ipaalam na hindi lang ito basta-basta tumutukoy sa simpleng pagngiti. Nais rin nitong ipahatid ang iba't ibang dahilan ng pagngiti. Sana'y malaman mo rin na ikaw ay importante at worth it. Hindi man tayo pare-pareho, may inilaan naman sa atin ang Diyos na siyang makapagbibigay rin ng ngiti sa ating mga labi. Maghintay lamang at huwag padalos-dalos dahil kapag pinili mong sumabay sa rumaragasang alon ng buhay, baka sa kung saan ka pa tangayin nito.

Ang buhay kong puno ng lungkot ay biglang sumasaya.
Ang tanging dahilan ay ang ngiti mong hindi ko makikita sa iba.
Isang lingon lang at ako'y napapatitig.
Hindi alam ang gagawin dahil ako'y napapalingon din talaga.

Pero minsan ay hindi rin maitatanggi na kung sino pa ang mahilig ngumiti ay sila pala ang tunay na sawi. Sawi sa pag-ibig pero ayaw ipahalata sa iba sa pamamagitan ng pagngiti. Ngunit kung talagang nadudurog ka na ng paunti-unti sa iyong kaloob-looban, huwag sanang ipilit ang sarili na magpanggap. Oo masakit kaya iiyak mo lang yan. Darating din ang panibagong umaga na siyang magtataglay ng panibagong pag-asa. Malay mo, sa susunod na iyong pagngiti ay maging katotohanan na. Hindi na lang isang rason para ikubli ang tunay mong nadarama.

Isang salita at binubuo ng limang letra.
Ninais magpaligaya pero minsan ang totoo ay malungkot pala.
Ginawang disguise para hindi mapansin ang totoong nadarama.
Inasahang magiging mabuti rin ang lahat kaya'y pangiti-ngiti pa.
Tama nga naman pero hanggang kailan itatago ang kinukubling nadarama?
Isa lang ang sagot, ito ay kapag ang lahat ay maayos na.

Ngingiti rin ng matamis. Ngingiti rin ng paulit-ulit. Ngingiti rin na may kasamang ligaya. Hindi lang ngingiti para magpanggap sa iba. Isang simpleng ngiti lang, pero ayos na.

Ganiyan naman talaga ang buhay nating mga tao. Pangiti-ngiti lang pero hindi ibig sabihin ay maayos ang lahat. Minsan dinadaan na lang sa pagngiti para kahit papaano ay maibsan ang bigat na nadarama. Umaasa na sa isang ngiti lang magiging maayos na ang lahat. Pero kahut ano pa man ito, huwag na huwag susuko. Sana sa susunod na pagngiti ng ating labi, mamumutawi ang kaligayahang walang katulad.

Sana'y inyong nagustuhan ang ginawa kong akda para sa araw na ito. Buwan ng wika ngayon kaya sumabay na rin ako sa iba. Kung nababasa mo man ito ngayon, alam kong ngumingiti ka rin minsan kahit alam mong hindi ka talaga okay. Pero kung ano man ang rason, sana'y matagpuan mo ang sagot sa iyong mga problema. Sana'y matagpuan mo rin ang taong magbibigay ngiti sa iyong labi. At sana'y hindi ka nagsising binasa ang akdang ito.

That is all for today, guys. I hope you have learned something today from this article I have published. May God bless us all. Mabuhay!

1 - More or Less Fifty/ 2 - Between Never or Ever / 3- Those were the days, my friends/ 4- New Experiences Come and Go/ 5 - Admit or Lie: Choosing Between Options/ 6 - Dreams: One Word, Countless Reasons/ 7 - Kyoto: City of Past, Present and Future/ 8 - Depresyon sa mga Kabataan: Mga Dahilan at Kung ano ang Makatutulong/ 9 - Burdensome Truth/ 10 - Make it Righteous

Sponsors of McJulez
empty
empty
empty

Special Notes:

All Other Images used in this article (without watermark) are Copyright Free Images from Pixabay and Unsplash.

This is original, not fake.

9
$ 6.99
$ 6.39 from @TheRandomRewarder
$ 0.20 from @Ruffa
$ 0.10 from @John28
+ 6
Sponsors of McJulez
empty
empty
empty
Avatar for McJulez
3 years ago

Comments

ngiti at patuloy sa laban, di importante kung gaaano kabigat lahat. basta patuoy kang sasagupa

$ 0.01
3 years ago

Marami pong klase Ng ngiti, may ngiting tagumpay, may ngiting mapait dahil may pinagdadaanan sila at may ngiting aso mabait pagkaharap traydor pagnakatalikod pero may ngiting nakakagaan Ng loob at walang katumbas yun ay ngiti Ng mga batang walang muwang sa mundo

$ 0.01
3 years ago

Ngiti lang at laban lang kahit ano pang pagsubok ang dumating sa buhay natin. Nakakatulong din to saten. Ang galing ng akdang ito!

$ 0.00
3 years ago

Pangiti-ngiti lang pero hindi ibig sabihin ay maayos ang lahat tumatak to masyado sakin.

$ 0.00
3 years ago

Ang dami kong kilala na abot tenga yung ngiti tas ang babaw ng kaligayahan. Tas malalaman mo, sila pa pala yung ang hirap ng pinagdaanan. Kaya, I really salute those people na nakukuha paring ngumit sa gitna ng problema 🤗

$ 0.00
3 years ago

Ang galingggg 🤧, Ngitian ang problema. Kahit saglit lang ang epekto at least kahit segundo, naranasan nating lumigaya ☹️.

$ 0.00
3 years ago

Ang dami ata makata ngayon.
Galing ng pagkakasulat mo.. Ngiti lng kahit anong pagsubok dumating sa buhay 😁

$ 0.01
3 years ago

Minsan kapag malapit na ako magalit ngingiti nalang ako para di nila mahalata na galit ako haha

Super ganda naman po ng akda mo ngayon pang world class👏👌

$ 0.01
3 years ago

Hahahaha pang read.clash class lang naman po haha

$ 0.00
3 years ago

Sa aking pagbabasa, ako ay napangiti. Hindi ito disguise, ito ay ngiting tunay. Magaling, ginoo, ang gawa ninyong akda. Napapanahon sa Buwan ng Wika.

$ 0.01
3 years ago

Salamat at iyong nagustuhan ang munting akda na isinulat ko ngayon :)

$ 0.00
3 years ago

NGITI, yan ang number one nating bentahe na mga Pinoy. Kasi kahit lumalangoy na sa problema, nagagawa pa ding ngumiti. Kaya nga andaming humahanga na ibang lahi satin.

$ 0.01
3 years ago

Sapagkat nasa puso ng bawat pinoy ang tunay na saya :)

$ 0.00
3 years ago

Ngiti, pinaka matamis, dyan nag umpisa ang lahat!!

$ 0.01
3 years ago

Ayiee, share naman po hahaha jk

$ 0.00
3 years ago

May post ako tungkol dyan, latest post!

$ 0.00
3 years ago