read.cash Log in

@Mariagioia00

Joined 5 September 2022 · 151 posts

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

M@Mariagioia00

Y W&Z is X? "Relationship without pure intention is always breakable!" -magioia- ***Laganap sa Facebook NF ko ang issue tungkol sa dalawang magkaibigan na nasira dahil nagkasiraan. Kinabahan tuloy ako at napaisip kung meron din ba akong kaibigang ganoon na nag-aantay lang ng pagkakataon para i-down ako. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanila; kilala ko naman na halos silang lahat simula pa nung uhugin palang ako. Kaya alam kong hindi sila ganoon, pero ang iniisip ko lang ay what if umabot sila sa punto na sobra na silang inis o galit sa akin, at dahil sa taas ng emosyon nila magawa nila ang isang bagay na makakapagdown sa akin? What if?! Nakakapag-alala ang sitwasyong ganoon, diba? Ang dami ko pa namang sikretong nasasabi sa mga kaibigan ko, kaya sana wala akong kaibigang ganoon. Sobra pa naman akong mag-care sa kanila, kahit minsan hindi nila ako binibigyan ng care. Chos! Anyway, anong say nyo sa isyung ganito ni W and Z? Magandang gabi po sa lahat! @Mariagioia00

M@Mariagioia00

INDIRECT JUDGEMENT ***Galing ako now sa simbahan na pinupuntahan ko tuwing biyernes, pero hindi ako nag-attend ng mass dahil nga may mass naman dito sa amin mamayang gabi. Anyway, ganito kasi yan...after ko magpatinti ng kandila at magdasal, lumabas na ako ng simbahan para magtingin-tingin ng paninda sa tabi-tabi. Then, naagaw ng isang bestidang green ang pansin ko kaya napatanong ako kung magkano. Nang sinabi ni Ateng Tindera na 350, napatango na lang ako pero hindi ko na talaga yun bibilhin since may na add to cart na akong ganun, mas mura pa. Nagcheck na lang ako ng ibang mga paninda niya, partikular na ang mga long-sleeved na damit. Pero wala talaga akong magustuhan hanggang umabot ako sa mga crop-top na long sleeved. May tsini-check ako na crop-top na long-sleeved kulay pink. Maganda sana, pero bigla akong sinabihan ni Ate, "Ayy...mga crop-top na po iyan" (with a tone na parang nagsasabi 'di yan pwede sayo'). Napatingin talaga ako nun kay Ate, tas bigla akong nahiya. Hindi naman kasi talaga slim ang katawan ko, pero hindi naman ako sobrang taba. Nginitian ko na lang siya at nagsabing hindi na bibili. Hehe Yun lang po, share ko lang! Magandang umaga sa lahat! @Mariagioia00

M@Mariagioia00

SOMEONE WANTS OUT ***Hey there noisy pipz! Is there anyone here who knows how to delete a noise account? Someone wants out na po kasi hehe. Anyway, please comment po in this post if you know the answer. Thank you so much!💚 @Mariagioia00

M@Mariagioia00

BANTAY-SALAKAY ***The crisis today isn't only about the limited products (like sugar, onions, etc.) in the market. A crisis may also refer to people, as in, crisis on the people whom we can really trust. Trustworthy people are now very seldom in today's time. Hindi na natin madalas malaman kung sino nga ba ang dapat pagkatiwalaan at sino ang hindi. Kaya nga sari-sari ng mga proteksiyon ang ating ginagawa para lamang maging maayos ang ating seguridad. Meron diyang maglalagay ng gate at bakod sa labas ng bahay tas mayron pang guwardiya, merong maglalagay ng CCTV, magdadala ng pepper spray, at kung anu-ano pa. Sabi ni Father, dati raw hindi uso ang mga ganyang proteksiyon. Hindi nababahala ang mga tao dati dahil alam nilang mapagkakatiwalaan ang kanilang mga kasamahan. Pero ngayon, hindi na uso ang ganito, ang uso na ay yung mga taong bantay-salakay. Mga bantay-salakay na aakayin ka sa isang bitag kung saan kukunin ang lahat sayo hindi lang ang tiwala, pagkatapos ay aahasin ka at tutuklawin. Marami na ang ganyan ngayon, kaya mag-ingat po tayong lahat! Lol. Magandang gabi po sa lahat! @Mariagioia00

M@Mariagioia00

WALK "If you want to walk FASTER, walk alone. But if you want to walk FARTHER, walk together." ***Nabanggit ito ni Father kanina, at hindi man ito ang pinakapunto ng ebanghelyo, ito naman ang pinakatumatak sa isip ko. Kung ibabase kasi natin sa realidad, mas mabilis nga naman talaga tayong maglakad pag mag-isa, marahil dahil natatakot tayo sa dinadanan natin o excited tayong makarating sa pupuntahan natin. Pero kapag may mga kasama tayo, ang lakad natin niyan parang nasa parke lang...wala tayong pakialam sa oras, lugar at distansyang nilalakad o nilalakaran natin. Busy kasi tayong makipagdaldalan sa kasama natin, kaya hindi natin namamalayan malayo na pala ang nararating natin. Sa pangarap ganoon rin, kapag may mga kasabay ka sa pangangarap at hindi nyo laging bantay-sarado ang oras, lugar at distansyang natahak nyo na, sigurado...mamalayan nyo na lang nagtagumpay na pala kayo, andun na pala kayo sa finish line ng success. Magandang gabi sa lahat, at good night po! @Mariagioia00

M@Mariagioia00

3rd NIGHT "Ang tunay na kahulugan at kahalagahan ng ating kamatayan ay nakikita sa perspektibo ng kung paano tayo nabuhay...Wala iyan sa haba or ikli ng taon mo sa mundo, nasa kung paano mo ginamit ang buhay na ibinigay sayo upang maisakatuparan ang iyong misyon at iba pang makabuluhang mga bagay." ***Isa iyan sa mga punto ng ebanghelyo ngayong ikatlong gabi ng misa nobenaryo dito sa amin. Gusto ko pa sanang palawigin ang aking sasabihin kaya lang hindi ako makapokus dahil sa sakit ng puson ko. Pasensya na po. Aishhh. Magandang gabi na lang po sainyong lahat! @Mariagioia00

M@Mariagioia00

Q&A ***May aabangan na naman ako sa Ms. Q and A, ang galing-galing ni Ms. Sashie! Usually, ang mga kandidatang napupusuan ko ay yung mga Funny and Witty, pero ito si Ms. Sashie gustong-gusto ko ang pagka-witty nya. Ang bilis-bilis mag-isip ng mga sagot na mapapabilib ka talaga, matatas din siyang magsalita, kaya super bet ko siya today👏. Hehe. Anyway, naalala ko na naman yung Cipher Camp namin nung college, may isang event kasi dun na 'Diba Teh!' at ako yung pinili ng team ko na sumali. Tas ang nangyari, sa last round ng event ang nakalaban ko ay may ngalang ARIEL, edi ang pabirong tinanong samin kung alin ba raw ang mas mabula...ako ba raw (JOY) o si ARIEL🥴. Tawang-tawa yung prof namin, sarap kutusan..chos! Haha. Share ko lang po! Magandang Hapon! @Mariagioia00

M@Mariagioia00

PUSH "We don't need a star to make a wish, all we need to do is close our eyes and tell God what our hearts' desire." -Anonymous- ***Katatapos lamang ng 2nd day of novena mass dito sa kapilya namin; at ang punto ng homily ni Father ngayon ay katulad ng punto ng kasabihan sa itaas. Iyon ay, kapag may ninanais tayong bagay o kapag nahaharap tayo sa mga pagsubok at kawalang-hustisya, ang pinakamabisang paraan upang makamit o malagpasan natin ito ay ang manalangin. Kailangan lamang nating pagsigasigan ang ating mga panalangin, maging confident sa ating pananampalataya at pairalin ang kabutihan sa ating mga puso. Pero, kung ginawa na po natin itong lahat at wala pa ring nangyayari...huwag po kayong titigil! PUSH lang dapat...PUSH as in "Pray Until Something Happens." Magandang gabi po sa lahat! @Mariagioia00

M@Mariagioia00

GOOD BOY🥴 ***Akala ko tapos na sila sa phase na kakagatin ang kahit anong makitang bagay, pero hindi pa pala. Aisssh. Gusto ko pa naman ang sandal na ito, kasi komportable ako tapos kinagat lang. Tinatanong ko si Cookie kung siya ba kumagat dahil siya lang malapit sa lalagyan ng sandals, pero ito siya tulog-tulugan, maang-maangan. Kagigil! Lol Anyway, share ko lang po hehe. Magandang umaga sa lahat! Happy Sunday! @Mariagioia00 PS: Order na lang ulit sa shopee🥴

M@Mariagioia00

UPTEST 'Uplifting Performance in Tertiary Entrance and Scholarship Tests' ***Hey there noisy pipz! Katatapos lang ng orientation namin para sa program na UPTEST ng highschool Alma Mater namin. Kinuha kasi kami as volunteer lecturers ng dati naming guro, at binigyan kami ng kanya-kanyang topic. Ang ibinigay sa akin ni Sir ay tungkol sa Mathematical Ability specifically sa Non-verbal reasoning. Kailangan kong magprepare ng pretest, material for discussion at post tests para sa mga grade 12 students. One day lang kami magvovolunteer pero 4 hours kami magtuturo. Anyway, yun man lang, share ko lang po haha. May pagkakabusyhan na naman ako simula ngayon, at yun ay ang pag-isip at paggawa ng mga materials para epektibo kong maidiscuss ang topic ko hehe. Magandang hapon po sa lahat! @Mariagioia00

M@Mariagioia00

LUPIN Tanyag na ngalan dito saamin May malikot na kamay, matinik na mata Magaling manguha ng pag-aari ng iba. Upuan, yero, saging at manok Basta kanyang magagamit, Siguradong makukupit Iyan si Lupin, kakaiba ang misyon Hindi mapakulong-kulong Dahil di mahuli sa aksyon. ***Magandang umaga sa lahat! Tinanghali ako ng gising ngayon, nagising kasi ako kaninang ala-una dahil sa kalampag sa bubong at ingay ng mga manok. Akala namin nagsimula na naman si Lupin hehe. Nang tinignan naman kanina, wala namang tae, kaya siguradong di naman yun dumalaw. Iyon kasi ang palatandaan ng mga tagabukid at tagapatag, kapag may tae na sa may malapit sa puno ng saging ibig sabihin markado na ni Lupin ang bunga. Kaya dapat tabain or kunin mo na ang saging kung ayaw mong maunahan. Lol. Pasensya na sa 'tae', share ko lang naman po kasi. Hehe @Mariagioia00 PS: Totoong tao po yan si Lupin, para kasing iba na pagkakwento ko haha. Para bang nilalang si Lupin na panakot sa mga bata.

M@Mariagioia00

OFFLINE ***Parang nagugustuhan ko na ang pakiramdam na palaging offline. Yung pakiramdam na 'at peace' ka dahil wala kang nakikita o nababasang nakakapagpabigat ng kalooban. Walang nakikitang mga posts na nagtitrigger para magself-pity o di kaya'y mag-alaga ng green monster. At higit sa lahat, pag offline ka hindi mo makikita ang mga posts ng kakilala mo na makakapagbigay ng pressure sayo para gawin ang isang bagay. Hindi mo problema ang ganun kapag offline ka, kaya nga ngayon lang ulit nakapagpost dito sa noise dahil offline ako madalas haha. Lol Anyway, magandang gabi po sa lahat! Share ko lang po hehe. @Mariagioia00

M@Mariagioia00

NAME Did you know? "Your NAME is synonymous with the words WEALTH and ACHIEVEMENT." ***Kadalasan kasi, kilala ka lang ng tao kapag may kaya ka, may pera o may naabot ka na sa buhay. Pero pag wala, kahit kilala ka nila sa pangalan hindi ka nila kikilalanin. Nagets nyo ba? Hehe. Share ko lang. Magandang hapon sa lahat! Kakapost ko naman ulit ngayon dito kay noise. Lol. @Mariagioia00 PS: Echos lang po yung unang phrase. Haha

M@Mariagioia00

NEW FRIENDS ***Hey there noisy pipz, magandang gabi sa lahat! Ito na pala yung sisiw na pinost ko kagabi, may mga kasama na siya ngayon. Akala ko talaga hahayaan na lang ng Tito ko na mag-isa itong sisiw na 'to. Hindi naman pala, ipinagpabukas lang talaga niya ang pagbili sa mga makakasama nito. Anyway, ngayon ko lang nalaman nahihiya rin pala ang mga hayop. Tignan nyo naman kasi yung sisiw na nasa kanto, siyak siya ng siyak kagabi kakahanap ng kasama...tapos ngayong nilagyan na, ayun siya sa corner at nagsosolo pa rin lol. Naalala ko tuloy ang sarili ko sa kaniya, mahiyain din kasi ako kapag may ibang mga tao. Tahimik, pa-demure tas poker-face lagi, pero kapag kasama ko ang mga kaibigan ko, ay naku walang hiya-hiya, nakikisabay talaga ako sa bardagulan at walwalan chos haha. Kayo mga kaibigan, pano ba kayo kumilos pag may ibang tao o may bagong kaibigang dumating? @Mariagioia00

M@Mariagioia00

PAG-IISA ***Alam nyo ba ang sad reality kapag mag-isa ka lang at mababa ang value mo? Yun ay, hindi ka pahahalagahan ng mga nasa paligid mo. Kagaya ng sa larawang ito...ang usual na ginagawa kapag may mga day old chicks ka ay ibo-brood ito or lalagyan ng pailaw at pangharang sa ambon at lamig. Pero tignan nyo naman ang sisiw sa larawan, dahil mag-isa siya, hindi na siya pinagkaabalahan pang ilagay sa brooding area. Diretso na sya agad sa malaking kulungan ng manok...mag-isa at sumisiyak, naghahanap ng makakasama. Gusto ko sanang ihalintulad ang sisiw na ito sa ating mga tao, kaya lang na-realize ko na hindi naman tayo katulad nila. What I mean is, hindi sa atin kaso ang pag-iisa. Being alone equals me-time. Kaya di nakapagtataka na ang iba sa atin ay natutuwang mag -isa dahil ibig sabihin kasi nun ay mas mabibigyan pa nila ng oras ang kanilang mga sarili. Yun lamang po, share ko lang hehe. Good evening sa lahat! @Mariagioia00

M@Mariagioia00

BUDGET ***Ngayon ko lang talaga pinakanarealize na kahit A+ ang grade mo sa Math nung nag-aaral pa, kahit graduate ka pa ng Mathematics-related na course, pagnasabak ka na sa totoong buhay...ang simpleng pag divided by ng budget ay nakakahemorrhage ng utak..Charot haha. OA masyado! Pero seriously, ngayon naintindihan ko na kung gaano talaga kahirap ang ginagawang pag budget ng mga magulang natin. Sa konting halaga kasi ng pera, kailangan mong i-analyse kung aling mga bilihin ba ang dapat i-prioritize, at alin ang hindi. Kaya, saludo ako sa kanila...sapagka't nagagawa at pinipilit nilang pagkasyahin ang cash na hawak nila kahit minsan hindi na talaga Cash-ya, dahil nga sa nangyayaring inflation sa kasalukuyan. Anyways, share ko lang po haha. @Mariagioia00

M@Mariagioia00

INCENTIVE ***Hey there noisy pipz! May naipasang ordinansa dito sa municipality namin kung saan makakatanggap ng cash incentives ang mga graduate na may Latin Honor. 5k para sa Cum Laude, 10k para Magna Cum Laude at 20k naman para sa Summa Cum Laude. Katatapos lang actually ng awarding ceremony, at mapalad ako dahil isa ako sa mga nakatanggap ng incentive at certificate of recognition mula sa mga leaders ng municipality namin. Maliit na halaga lamang ito, ika nga ng mga leaders...pero napakalaking tulong na nito upang mas magpursige pa ang mga kabataan dito samin sa kanilang pag-aaral. Sa pamamagitan kasi ng ordinansa na ito, mas mafefeel ng mga kabataan na bawat effort, perseverance at hard work nila ay talaga namang naaappreciate ng lugar namin. Yun lamang po, share ko lang hehe. @Mariagioia00 PS: Gusto ko sanang ipang-shopee yung nakuha ko kaso naalala ko kailangan ko na palang mag-ambag sa gastusin sa bahay. Hehe

M@Mariagioia00

UPLOAD COMPLETE ***Hey there noisy pipz! Kamusta po kayong lahat? Share ko lang itong ginagawa ko ngayon haha. Kahit na medyo kinakabahan ako, pikit-mata pa rin akong nag sign-up at nag sell ng document dito sa Studypool. Actually, matagal ko na talagang gustong mag sign up sa mga ganitong site kaso kinakabahan palagi ako kasi what if hindi ko kaya, what if hindi ako pwede rito...mga ganung thoughts ba. Pero ngayon, sinubukan ko na...bahala na kung anong mangyari lol. Saka, naencourage rin pala ako ng isang college student dito sa noise, ang dami kasi niyang online kemerut...ang sipag-sipag, kaya sabi ko why not gawin ko rin ginagawa nya? Tutal unemployed pa rin naman ako ngayon lol. Magandang hapon sa lahat! @Mariagioia00 PS: Sana maapprove yung document hehe.

M@Mariagioia00

RANDOM CONTENT Paano mo ba masasabi na Depress ka na? ***Sabi nila, isa raw sa mga senyales na depress ka na ay kapag palagi kang tulog. As in, gusto mo na lang hayaan ang lahat ng mga dapat gawin, basta makatulog ka lang araw man o gabi. Ikukulong mo ang sarili mo sa kwarto, mag-isa, walang gana sa lahat at tulog. Hindi ko pa ito naranasan (at hindi ko hinihiling na maranasan pa), pero sa tingin ko naranasan na ito ng bunso kong kapatid. Three years ago kasi, napansin ko na palagi siyang nasa kwarto at tulog, gusto niya palagi sa madidilim. Parang ayaw niya sa liwanag, ayaw niya sa atensyon ganun, at hindi na rin siya ngumingiti, laging busangot at tahimik. Hindi naman kinakitaan ng kakaiba ni Mama kasi nga ganun naman daw talaga ang ugali nun, pero para sakin iba na talaga. Hindi man ako Psychologist para i-diagnose siya, pero ginawa ko naman ang obligasyon ko bilang ate para i-cheer up siya. Kaya lang, dahil nga araw-araw pumapasok ako sa university at gabi na nakakauwi, hindi ko rin siya matutukan. Kaya umabot sa point na dahil sa kaka-stay niya sa madidilim at malalamok na parte ng bahay, ay nagka-dengue siya. Kahit may dengue siya hanggang sa gumaling, ganun pa rin behaviour niya. Tahimik at gusto palaging matulog, not until nagkaroon kami ng pet. July siya nagkadengue at August ng taong iyon dumating sa bahay namin ang isang 3-month old na Be-apso. Eversince that day, doon ko na muling narinig humagikgik ang kapatid ko. Nalibang siya ng puppy namin, lagi na siyang nakikipagharutan. Kaya kahit minsan sobra akong gigil sa mga alaga namin, hindi ko sila magawang saktan, kasi sila ang nagdala ng tunay na ligaya sa bahay namin. Anyway, ang point ko lang naman talaga sa mema ko ngayon ay, 'Walang pinipiling edad ang depression, bata man o matanda basta may nakapagtrigger sa kanila para madepress, madedepress talaga sila. Kaya, dapat maging maingat tayo palagi sa mga aksyon at salitang lumalabas sa bibig natin, dahil baka nakakatrigger na pala yun ng depression sa iba'. Yun man lang po, share ko lang hehe. Magandang gabi po sa lahat! @Mariagioia00 PS: Ang sa sitwasyon pala ng kapatid ko, overweight kasi siya kaya ang nakatrigger siguro sa kanya ay yung paulit-ulit na pangja-judge ng mga Tiyahin namin dahil sa size niya, as in halos araw-araw ganun ang naririnig nya sa kanila. Kaya ayun. Hehe

M@Mariagioia00

AILUROPHILE (Cat Lover) Isa ka rin bang Ailurophile? Meron akong nabasang article dati, pero hindi ako sigurado kung totoo ba. Ayon kasi roon kapag Cat lover ka raw, ibig sabihin isa kang taong may introverted personality, yun bang self-contained, less sociable at sensitive na tao. Meron din akong nabasa na nagsasabing mas matatalino raw ang mga Cat people kaysa sa mga Dog people--sa isang IQ test kasi na isinagawa, mas matataas ang nakuhang scores ng mga cat people kumpara sa dog people. Anyway, hindi po talaga ako sure kung totoo ito, ano ba sa tingin nyo noisy pipz? Pakiramdaman nyo nga po mga sarili ninyo kung totoo ito, dog person kasi ako. Lol hehe. ***Magandang gabi sa lahat! Share ko lang iyang larawan ng mga makukulit na kuting dito sa bahay, gusto ng maglakwatsa hindi pa nga kumakain ng solid food haha. @Mariagioia00 #originalcontent PS: Isang araw pala akong hindi nakapag-update dito sa noise haha, skl.

M@Mariagioia00

MONTHSARY ***Two months na pala ang nakalipas simula nung magstart ako dito kay noise (nung Aug. 3). Super saya ko talaga na nabanggit ito sakin ni Ma'am @JOYLATONERO, dahil ngayon worth it na talaga ang "kakaselpon" ko haha. Dagdag pa, gustong-gustong ko rin itong site ni noise (wala pa kasi ako nung application mismo, di ko madownlod) kasi nagagawa kong i-post ang mga gusto kong sabihin nang hindi nag-aalala na baka i-judge ang buong pagkatao ko nang mga makakabasa. Dito, sabihin mo man ang opinyon mo, oks lang dahil hindi sila nangjajudge, nagsheshare lang din ng opinyon or ideya nila. Mas madalas ko ring buksan ang noise kaysa sa ibang socmed apps ko, nag-eenjoy kasi ako magbasa ng mga posts, especially yung mga posts na makakapagcomment ako lol. Minsan nga sa sobrang enjoy at focus ko sa pagbigay ng comments, napapangiti ako tas bigla na lang akong aasarin ng tita ko na may ka-chat daw at kinikilig...aissshh haha Yun man lang, share ko lang po! Good morning everyone! Lunes na naman, nawa'y maging maayos ang buong linggo nating ito. @Mariagioia00

M@Mariagioia00

REMINISCE ***I was browsing my gallery when I saw this photo. It was taken two years ago, kasagsagan pa ng pandemic. I remember, I was so bored with my life during that time. Kung ang ibang tao naging plantito at plantita noon, ako naman taga-harvest ng sunflower ng kapatid ko, at inaalisan ko ito ng mga buto in a creative way lol. Bored kasi talaga ako nun, kaya kung anu-ano na lang ang kinakalikot ko haha. Yun lang, share ko lang po. Naalala ko lang yung nakaraan, pero ayaw na ayaw ko ng balikan. Haha Good night everyone! @Mariagioia00 #originalcontent

M@Mariagioia00

NARANASAN MO NA BA? Ang mabulag kahit ika'y nakakakita pa. Ang magkwento gamit ang plumang walang tinta. Ang tumangis ng walang rason at mga luha. Naranasan mo na ba? Naranasan mo na ba? Ang makaguhit ng panaginip sa hangin. Ang makabuo ng letra mula sa luha ng paningin. Ang makaalala kahit di ka naaalala. Ang makaramdam ng pag-iisa kahit may kasama. Naranasan mo na ba? -magioia- Magandang Hapon sa lahat! Nawa'y lahat ng aking sinabi'y hindi pa ninyo naranasan o maranasan pa. Sa lahat ng nagsusumikap sa kanilang ginagawa, PADAYON! Sa lahat ng nais ng sumuko, PAHINGA KA MUNA PERO 'WAG KANG SUSUKO! LABAN LANG! @Mariagioia00 #originalcontent PS: Parepost po ulit hehe.

M@Mariagioia00

HUGOT 1.1 ***Kakahalungkat ko sa mga gamit ko noon pati ito nahugot at nabasa ko uli. Lol *JEEPNEY* Pasahero: Kuya, pasakay po, sabit lang. Konduktor: Sorry Sir, puno na po kasi... Pasahero: Kaya nga po sabit na lang. (Sabay akyat sa may likuran ng jeep at sumabit) Konduktor: Pero Sir bawal po yan... Pasahero: Ano ba Kuya!? Alam ko namang bawal sumabit, pinagdidiinan mo pa. Alam ko naman yun eh, pero ano pang magagawa ko? Mahal ko siya eh! (Sabay walk out) Good night everyone! Itulog ko na lang 'tong kakornihan ko haha.

M@Mariagioia00

BIBLIOPHILE I was in second grade when I fell in love with storybooks. 7th grade when I started reading ebooks. 10th grade when I got obsessed with novels and pocketbooks. 11th grade when I installed Wattpad apps and became a silent reader. And 2nd year college when I've met Jonaxx stories apps, and became its lover. Up until now, reading has always been my stress outlet. It makes me relax, and it brings me to a place where I can forget the reality. Reading is my form of ME-time. When I read, it means all I think about is ME being a character on the story I'm reading. It may sound crazy, but this makes me really happy. Indeed, I'm a BIBLIOPHILE. How about you? -magioia- @Mariagioia00 #originalcontent PS: Repost ko na rin ito. Good evening sa lahat!

M@Mariagioia00

GALIT at SAKIT Alam nyo ba kung bakit nagagalit tayo tuwing nasasaktan? Kasi mas madali ang magalit, kaysa ipakitang tayo ay nasasaktan. Mas madaling magpakita na galit ka, kaysa ipakitang sobrang sakit na. Hindi naman kasi natin makakayanang buksan ang ating dibdib at ilabas ang puso nating durog na durog na. Pero kapag galit, magdabog lang tayo at magsisigaw alam na nila agad na galit tayo. Magandang araw sa lahat! Nawa'y masaya ang unang araw ng Oktubre sa inyo, huwag na kayong tumulad sa akin na sinimulan ang araw nang pagluha. Hehe @Mariagioia00

M@Mariagioia00

WORTH LIVING There is a Turkish saying that says... "If you will never taste a bad apple, you will never appreciate a good apple." -Which means you have to EXPERIENCE LIFE to UNDERSTAND LIFE. Meanwhile, Socrates said... "The UNEXAMINED LIFE is NOT WORTH LIVING." ***Magkaiba man ang mga salitang ginamit ng dalawang pariralang ito, pareho pa rin naman ang nais nilang ipunto. At iyon ay: 'ang mga pagsubok at problemang dumarating at nalalagpasan natin ay nagsisilbing mga paalala ng tunay na kahulugan at kahalagahan ng BUHAY'. All those tests and negative memories we had experienced in the past will make us realized that our lives are INDEED WORTH LIVING. Good evening everyone! Sa lahat ng may mga pinagdaraanan ngayon, laban lang! Darating rin ang oras na malalagpasan mo ang lahat ng iyan, at kapag nangyari na nga iyon, siguradong mas maaappreciate mo na nang mabuti ang iyong buhay. Share ko lang hehe. @Mariagioia00 PS: I saw this post on facebook btw. Photo not mine. Credit to the owner.

M@Mariagioia00

MOTTO "It is a short expression of a guiding principle." -Merriam-Webster- Hindi ito slambook, di rin interview pero...What's your motto in life noisy pipz? ***I grew up with lots of mottos in life. Iba-ibang mga motto, pero iisa lang ang purpose kung bakit ko pinapaniwalaan, and that's 'to make myself a better, responsible and optimistic human being'. Motto is my guiding principle everytime I experienced usual happenings. Like for examples, I failed on something, I lose a certain opportunity or when people belittles me, I would usually say that it's fine "cause everything happens for a reason", and/or "success is the best revenge." Motto ang ginagawa kong rason sa halos lahat ng bagay. It definitely makes me sane. Kapag hindi ko na kaya at gusto ko ng sumuko sa buhay, iisipin ko lang "Don't give up. You know, there can't be rainbows without a little rain." Ganun lang, kaya I'm really grateful for all the mottos I've heard, read and that've been shared to me, 'cause it indeed guides me towards a more positive perspectives of life. How about you noisy people? What are your thoughts about it? Hehe Magandang hapon sa lahat! Happy Friday! @Mariagioia00 #originalcontent PS: Litrato po yan ng profile ko sa scrapbook namin nung grade 9. Ang dami kong mottos na nilagay. Lol.

M@Mariagioia00

FLOWERS I remember the story of a child who asked his father about the difference between Like and Love. The Father simply said, "If you saw a beautiful flower, and you pick it...that's LIKE. But if you let this beautiful flower grow, then...that's LOVE." ***Hey there noisy pipz! Kamusta? Share ko lang itong litrato ko ng mga tuyong bulaklak. Pinitas ko itong mga bulaklak eight years ago, sa garden ng school namin nung highschool. Nagandahan kasi ako kaya kinuha at inilagay ko sa cover ng notebook ko noon. Kaya lang, eight years later ganito na ang itsura, patay na at tuyong-tuyo, ni hindi na nga matukoy kung anong klaseng mga bulaklak ba ito. Tunay nga talaga na dapat 'kapag nagkagusto tayo sa isang tao o bagay, dapat ay hindi nakabase sa pisikal na hitsura kundi sa kaloob-looban nito, dahil ang ganda--kumukupas pero ang nasa loob--ganoon pa rin, magdaan man ang maraming panahon.' Gayunman, itong mga tuyong bulaklak na ito, pinitas ko man ito dahil sa isang simpleng rason, hindi ibig sabihin nun na basta-basta ko na lang itong itatapon ngayong ito'y tuyo na. Hindi po ganun, mananatili ang mga ito dito sa notebook ko, hahayaan ko lamang pagka't bitbit din nito ang isang magandang alaala nung ako ay nasa hayskul pa. Good night everyone! Sweet dream to all! @Mariagioia00 #originalcontent

M@Mariagioia00

FRIENDZONE My heart's weak, I fall. I crossed lines though t'was tabooed, Can I blame Cupid? -magioia- ***Mahirap magkaroon ng malalim na feelings sa kaibigan. Marami ka kasing dapat ikonsidera bago ka makapagdedesisyon kung itutuloy mo ba o ititigil ang nararamdaman mo. Dapat mo ring timbangin ang resulta ng alin man sa pipiliin mo. Kaya lang, anu man ang pagtitimbang ang gawin mo, asahan mong kaakibat pa rin sa resulta ang isang malaking pagbabago sa pagkakaibigan ninyo. Kung pipiliin mong itigil ang nararamdaman mo, syempre kailangan mong baguhin ang pagtrato mo sa kanya. As much as possible kakailanganin mong bawasan ang interaksyon mo sa kanya para mabilis ang pagmomove on mo. Kung pipiliin mo namang ituloy, asahan mo naman ang dalawang resulta, either rejected ka as in friendzone, or mutual ang feelings nyo. Kapag rejected or friendzone, syempre magiging awkward na kayo nyan. Lalawak ang gap ng pagkakaibigan nyo hanggang sa umabot sa puntong "he's near yet so far." Ngunit...kapag mutual naman ang feelings nyo edi much better, mas positive ang magiging relationship nyo at baka umabot pa sa puntong maging official magka-IBIGAN na kayo. Gayunman, alin man ang mapili mong gawin, dapat lagi kang handa at dapat tanggap mo ang magiging resulta nito. Subalit, kung ako ang papipiliin, itutuloy ko pa rin at aaminin sa kanya ang nararamdaman ko, gaano man ka-imposible na masuklian niya ang aking pagsinta. Naniniwala kasi akong mas mabuti na ang maagang ma-heart broken (kung marereject), kaysa magtagal sa kakaassume at kaka-what if. At least kapag nalaman mo na ang resulta, mas madali na lang sayo ang mag-isip ng mga dapat gawin. Pero sa ngayon, hindi pa ako ready umamin. Chos! Hahah @Mariagioia00 PS: Content ko ito sa kabila, wala pa akong maisip na bago kaya repost-repost muna. Iyan po pala ay isang haiku na tula. Skl. Magandang araw po sa lahat!