INDIRECT JUDGEMENT ***Galing ako now sa simbahan na pinupuntahan ko tuwing biyernes, pero hindi ako nag-attend ng mass dahil nga may mass naman dito sa amin mamayang gabi. Anyway, ganito kasi yan...after ko magpatinti ng kandila at magdasal, lumabas na ako ng simbahan para magtingin-tingin ng paninda sa tabi-tabi. Then, naagaw ng isang bestidang green ang pansin ko kaya napatanong ako kung magkano. Nang sinabi ni Ateng Tindera na 350, napatango na lang ako pero hindi ko na talaga yun bibilhin since may na add to cart na akong ganun, mas mura pa. Nagcheck na lang ako ng ibang mga paninda niya, partikular na ang mga long-sleeved na damit. Pero wala talaga akong magustuhan hanggang umabot ako sa mga crop-top na long sleeved. May tsini-check ako na crop-top na long-sleeved kulay pink. Maganda sana, pero bigla akong sinabihan ni Ate, "Ayy...mga crop-top na po iyan" (with a tone na parang nagsasabi 'di yan pwede sayo'). Napatingin talaga ako nun kay Ate, tas bigla akong nahiya. Hindi naman kasi talaga slim ang katawan ko, pero hindi naman ako sobrang taba. Nginitian ko na lang siya at nagsabing hindi na bibili. Hehe Yun lang po, share ko lang! Magandang umaga sa lahat! @Mariagioia00
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
Sayang may customer sana sya hehe. You can wear whatever you want, you can do whatever you want with good style, that's your beautiful body made in Jesus image ,✌️🤭
Ay nakuu di na ata mawawala ganyan sa society parang lahat bibigyan ng pansin kahit maliit na bagay.