read.cash Log in
M@Mariagioia00

WALK "If you want to walk FASTER, walk alone. But if you want to walk FARTHER, walk together." ***Nabanggit ito ni Father kanina, at hindi man ito ang pinakapunto ng ebanghelyo, ito naman ang pinakatumatak sa isip ko. Kung ibabase kasi natin sa realidad, mas mabilis nga naman talaga tayong maglakad pag mag-isa, marahil dahil natatakot tayo sa dinadanan natin o excited tayong makarating sa pupuntahan natin. Pero kapag may mga kasama tayo, ang lakad natin niyan parang nasa parke lang...wala tayong pakialam sa oras, lugar at distansyang nilalakad o nilalakaran natin. Busy kasi tayong makipagdaldalan sa kasama natin, kaya hindi natin namamalayan malayo na pala ang nararating natin. Sa pangarap ganoon rin, kapag may mga kasabay ka sa pangangarap at hindi nyo laging bantay-sarado ang oras, lugar at distansyang natahak nyo na, sigurado...mamalayan nyo na lang nagtagumpay na pala kayo, andun na pala kayo sa finish line ng success. Magandang gabi sa lahat, at good night po! @Mariagioia00

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.