NARANASAN MO NA BA? Ang mabulag kahit ika'y nakakakita pa. Ang magkwento gamit ang plumang walang tinta. Ang tumangis ng walang rason at mga luha. Naranasan mo na ba? Naranasan mo na ba? Ang makaguhit ng panaginip sa hangin. Ang makabuo ng letra mula sa luha ng paningin. Ang makaalala kahit di ka naaalala. Ang makaramdam ng pag-iisa kahit may kasama. Naranasan mo na ba? -magioia- Magandang Hapon sa lahat! Nawa'y lahat ng aking sinabi'y hindi pa ninyo naranasan o maranasan pa. Sa lahat ng nagsusumikap sa kanilang ginagawa, PADAYON! Sa lahat ng nais ng sumuko, PAHINGA KA MUNA PERO 'WAG KANG SUSUKO! LABAN LANG! @Mariagioia00 #originalcontent PS: Parepost po ulit hehe.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
Lalim. Nakaka amaze naman. Ang taba ng utak lods.
Salamat hehe.