RANDOM CONTENT Paano mo ba masasabi na Depress ka na? ***Sabi nila, isa raw sa mga senyales na depress ka na ay kapag palagi kang tulog. As in, gusto mo na lang hayaan ang lahat ng mga dapat gawin, basta makatulog ka lang araw man o gabi. Ikukulong mo ang sarili mo sa kwarto, mag-isa, walang gana sa lahat at tulog. Hindi ko pa ito naranasan (at hindi ko hinihiling na maranasan pa), pero sa tingin ko naranasan na ito ng bunso kong kapatid. Three years ago kasi, napansin ko na palagi siyang nasa kwarto at tulog, gusto niya palagi sa madidilim. Parang ayaw niya sa liwanag, ayaw niya sa atensyon ganun, at hindi na rin siya ngumingiti, laging busangot at tahimik. Hindi naman kinakitaan ng kakaiba ni Mama kasi nga ganun naman daw talaga ang ugali nun, pero para sakin iba na talaga. Hindi man ako Psychologist para i-diagnose siya, pero ginawa ko naman ang obligasyon ko bilang ate para i-cheer up siya. Kaya lang, dahil nga araw-araw pumapasok ako sa university at gabi na nakakauwi, hindi ko rin siya matutukan. Kaya umabot sa point na dahil sa kaka-stay niya sa madidilim at malalamok na parte ng bahay, ay nagka-dengue siya. Kahit may dengue siya hanggang sa gumaling, ganun pa rin behaviour niya. Tahimik at gusto palaging matulog, not until nagkaroon kami ng pet. July siya nagkadengue at August ng taong iyon dumating sa bahay namin ang isang 3-month old na Be-apso. Eversince that day, doon ko na muling narinig humagikgik ang kapatid ko. Nalibang siya ng puppy namin, lagi na siyang nakikipagharutan. Kaya kahit minsan sobra akong gigil sa mga alaga namin, hindi ko sila magawang saktan, kasi sila ang nagdala ng tunay na ligaya sa bahay namin. Anyway, ang point ko lang naman talaga sa mema ko ngayon ay, 'Walang pinipiling edad ang depression, bata man o matanda basta may nakapagtrigger sa kanila para madepress, madedepress talaga sila. Kaya, dapat maging maingat tayo palagi sa mga aksyon at salitang lumalabas sa bibig natin, dahil baka nakakatrigger na pala yun ng depression sa iba'. Yun man lang po, share ko lang hehe. Magandang gabi po sa lahat! @Mariagioia00 PS: Ang sa sitwasyon pala ng kapatid ko, overweight kasi siya kaya ang nakatrigger siguro sa kanya ay yung paulit-ulit na pangja-judge ng mga Tiyahin namin dahil sa size niya, as in halos araw-araw ganun ang naririnig nya sa kanila. Kaya ayun. Hehe
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
3 comments
Mahirap labanan ang depresyon kaya kung nararanasan mo iyan kailangan mo tulungan ang iyong sarili na maging matatag.
Totoo, hawak mo ang pinakasolusyon upang malabanan ang depresyon..kung nararanasan mo man ito...pero syempre, kailangan pa rin ng suporta mula sa pamilya at kaibigan.
Totoo yan sis, di mo alam kung sino ang nakakaranas niyan kaya always be kind to others and to yourself.