read.cash Log in
M@Mariagioia00

FLOWERS I remember the story of a child who asked his father about the difference between Like and Love. The Father simply said, "If you saw a beautiful flower, and you pick it...that's LIKE. But if you let this beautiful flower grow, then...that's LOVE." ***Hey there noisy pipz! Kamusta? Share ko lang itong litrato ko ng mga tuyong bulaklak. Pinitas ko itong mga bulaklak eight years ago, sa garden ng school namin nung highschool. Nagandahan kasi ako kaya kinuha at inilagay ko sa cover ng notebook ko noon. Kaya lang, eight years later ganito na ang itsura, patay na at tuyong-tuyo, ni hindi na nga matukoy kung anong klaseng mga bulaklak ba ito. Tunay nga talaga na dapat 'kapag nagkagusto tayo sa isang tao o bagay, dapat ay hindi nakabase sa pisikal na hitsura kundi sa kaloob-looban nito, dahil ang ganda--kumukupas pero ang nasa loob--ganoon pa rin, magdaan man ang maraming panahon.' Gayunman, itong mga tuyong bulaklak na ito, pinitas ko man ito dahil sa isang simpleng rason, hindi ibig sabihin nun na basta-basta ko na lang itong itatapon ngayong ito'y tuyo na. Hindi po ganun, mananatili ang mga ito dito sa notebook ko, hahayaan ko lamang pagka't bitbit din nito ang isang magandang alaala nung ako ay nasa hayskul pa. Good night everyone! Sweet dream to all! @Mariagioia00 #originalcontent

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.