read.cash Log in
M@Mariagioia00

NEW FRIENDS ***Hey there noisy pipz, magandang gabi sa lahat! Ito na pala yung sisiw na pinost ko kagabi, may mga kasama na siya ngayon. Akala ko talaga hahayaan na lang ng Tito ko na mag-isa itong sisiw na 'to. Hindi naman pala, ipinagpabukas lang talaga niya ang pagbili sa mga makakasama nito. Anyway, ngayon ko lang nalaman nahihiya rin pala ang mga hayop. Tignan nyo naman kasi yung sisiw na nasa kanto, siyak siya ng siyak kagabi kakahanap ng kasama...tapos ngayong nilagyan na, ayun siya sa corner at nagsosolo pa rin lol. Naalala ko tuloy ang sarili ko sa kaniya, mahiyain din kasi ako kapag may ibang mga tao. Tahimik, pa-demure tas poker-face lagi, pero kapag kasama ko ang mga kaibigan ko, ay naku walang hiya-hiya, nakikisabay talaga ako sa bardagulan at walwalan chos haha. Kayo mga kaibigan, pano ba kayo kumilos pag may ibang tao o may bagong kaibigang dumating? @Mariagioia00

11 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.