LUPIN Tanyag na ngalan dito saamin May malikot na kamay, matinik na mata Magaling manguha ng pag-aari ng iba. Upuan, yero, saging at manok Basta kanyang magagamit, Siguradong makukupit Iyan si Lupin, kakaiba ang misyon Hindi mapakulong-kulong Dahil di mahuli sa aksyon. ***Magandang umaga sa lahat! Tinanghali ako ng gising ngayon, nagising kasi ako kaninang ala-una dahil sa kalampag sa bubong at ingay ng mga manok. Akala namin nagsimula na naman si Lupin hehe. Nang tinignan naman kanina, wala namang tae, kaya siguradong di naman yun dumalaw. Iyon kasi ang palatandaan ng mga tagabukid at tagapatag, kapag may tae na sa may malapit sa puno ng saging ibig sabihin markado na ni Lupin ang bunga. Kaya dapat tabain or kunin mo na ang saging kung ayaw mong maunahan. Lol. Pasensya na sa 'tae', share ko lang naman po kasi. Hehe @Mariagioia00 PS: Totoong tao po yan si Lupin, para kasing iba na pagkakwento ko haha. Para bang nilalang si Lupin na panakot sa mga bata.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
Bawal yan lalo pa at hindi naman sa atin huwag natin kunin.
Oo nga po, pero siguro sakit na nila yan...yung kahit hindi kanya, kinukuha pa rin.