INCENTIVE ***Hey there noisy pipz! May naipasang ordinansa dito sa municipality namin kung saan makakatanggap ng cash incentives ang mga graduate na may Latin Honor. 5k para sa Cum Laude, 10k para Magna Cum Laude at 20k naman para sa Summa Cum Laude. Katatapos lang actually ng awarding ceremony, at mapalad ako dahil isa ako sa mga nakatanggap ng incentive at certificate of recognition mula sa mga leaders ng municipality namin. Maliit na halaga lamang ito, ika nga ng mga leaders...pero napakalaking tulong na nito upang mas magpursige pa ang mga kabataan dito samin sa kanilang pag-aaral. Sa pamamagitan kasi ng ordinansa na ito, mas mafefeel ng mga kabataan na bawat effort, perseverance at hard work nila ay talaga namang naaappreciate ng lugar namin. Yun lamang po, share ko lang hehe. @Mariagioia00 PS: Gusto ko sanang ipang-shopee yung nakuha ko kaso naalala ko kailangan ko na palang mag-ambag sa gastusin sa bahay. Hehe
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
9 comments
Ang galing naman sa municipality niyo
Oo nga po Sis. Sabi ni Mayor, sa buong Sorsogon daw po, ang municipality palang namin ang nag-implement ng ganitong ordinansa.
Maganda nga yan sis
Oo nga po sis, nakakamotivate para sa mga college students.
Oo, kasonkaking bagay tlaga un if ever belong ka
Buti naman at may ganyang programa sa inyo at malaking bagay iyan para makapag umpisa sa new career ng mga nag graduate.
Oo nga po eh, magagamit na kapag mag-apply ng trabaho...O kaya pag magtayo ng maliit na pagkakakitaan
Nakakatuwa naman niyan sis may pa ganyan na pala ngayon dyan. Kahit yan lang ay naku napakalaking tuling na yan sayo sa gastusin. Wag munang shoppe hehe
Maganda at may ganyang mga progr sainyo. Congratulations sa mga nabigyan katulad mo sis.