read.cash Log in
M@Mariagioia00

MONTHSARY ***Two months na pala ang nakalipas simula nung magstart ako dito kay noise (nung Aug. 3). Super saya ko talaga na nabanggit ito sakin ni Ma'am @JOYLATONERO, dahil ngayon worth it na talaga ang "kakaselpon" ko haha. Dagdag pa, gustong-gustong ko rin itong site ni noise (wala pa kasi ako nung application mismo, di ko madownlod) kasi nagagawa kong i-post ang mga gusto kong sabihin nang hindi nag-aalala na baka i-judge ang buong pagkatao ko nang mga makakabasa. Dito, sabihin mo man ang opinyon mo, oks lang dahil hindi sila nangjajudge, nagsheshare lang din ng opinyon or ideya nila. Mas madalas ko ring buksan ang noise kaysa sa ibang socmed apps ko, nag-eenjoy kasi ako magbasa ng mga posts, especially yung mga posts na makakapagcomment ako lol. Minsan nga sa sobrang enjoy at focus ko sa pagbigay ng comments, napapangiti ako tas bigla na lang akong aasarin ng tita ko na may ka-chat daw at kinikilig...aissshh haha Yun man lang, share ko lang po! Good morning everyone! Lunes na naman, nawa'y maging maayos ang buong linggo nating ito. @Mariagioia00

12 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.