read.cash Log in
M@Mariagioia00

PARASANGGOT Last week, may road accident sa katabi naming barangay. Kabal-kabal at mini-truck yung involve, and yung driver ng kabal-kabal na isang college student ay namatay. Then, nung nakaraang gabi naman, may nangyaring road accident ulit sa kasunod namang barangay kung saan may unang aksidente. Ang involve naman ay sasakyan ng isang nakainom na Pulis at motor na may binatilyong driver. Namatay din ang binatilyo. ***Si Mama ang nagkwento niyan, at dagdag niya pa na ganun daw talaga yun, ika nga niya: "tigsisimbag ang aksidente, para makidumamay" (sinasagot ang aksidente para makiramay). Lagi raw yan nangyayari, kapag may aksidente at namatay ngayong araw, sa susunod na araw ay mangyayari ulit yan. Nasa malapit pa raw kasi ang parasanggot (si kamatayan) kaya ganoon . Pero ngayon daw, na nakadalawa na ang parasanggot baka umalis na rin siya sa lugar namin. Hindi ko alam kung totoo ito, or isa lamang kwento-kwento ng matatanda. Pero dahil nga sabi ni Mama ay madalas itong mangyari, eh baka totoo talaga. Anyway, totoo man ito o hindi, hindi na yun importante, dahil ang tunay na mahalaga ay ang kaisipang 'HINDI NATIN ALAM ANG MANGYAYARI SA ATIN SA SUSUNOD NA MGA ORAS AT ARAW' kaya dapat 'GAWIN NATIN ANG MGA BAGAY-BAGAY NA PARANG LAST NA NATIN SA MUNDO'. "SEIZE EVERY MOMENT" ika nga nila, dahil malay natin bukas o sa makalawa, nandyan na pala ang Parasanggot para sunduin tayo. Magandang tanghali, noisy pipz! @Mariagioia00 PS: The photo was grabbed from Facebook, credit to the owner.

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.