OVERWORK pero UNDERPAID ***Pumunta ulit ako ngayon sa PAO dito sa amin, as usual para kumuha ng affidavit. Pagpasok ko sa office, si Attorney agad ang bumungad sa akin, nakaupo sa may mesa ng secretary nya (lumabas kasi ata si Ma'am Sec.) Anyway, dahil yata sa pagkainip ni Attorney kakaantay sa mga kliyente, nagawa at naibigay nya agad ang hinihingi ko. Pero, hindi pa ako nakaalis agad sa PAO, may konting pa-sermon kasi Atty. Nabanggit ko kasi nung tinanong niya ako na magte-teacher ako, ang sabi niya..kung sigurado na ba raw talaga ako sa teaching career, kasi ang nanay niya raw ay isang teacher at ang asawa niya ay lawyer sa DepEd, and alam niya raw ang kakaibang sistema dito. Kadalasan daw madaming trabaho sa pagtuturo, madaming papel na kailangan trabahuhin, overwork kumbaga...pero gaano man kadami ang trabaho nila, nanatili pa ring hindi sapat ang kanilang sweldo. "Overwork pero underpaid". Kaya tinanong niya ulit ako if wala na ba talaga akong balak magtry sa ibang government agency, yung bang mga trabaho na kahit hindi matrabaho, mataas naman ang sweldo at may hazard pay pa. Ang sagot ko lang kay Atty ay pag-iisipan ko pa. Actually, hindi lang naman si Atty ang nagsabi or nagpahiwatig sa akin na hindi kagandahang propesyon ang pagtuturo dito sa Pilipinas, dahil nga sa sistema ng edukasyon dito. May mga dati nga akong teacher na sila mismo ang nagsabing wag na akong sumunod sa path nila, kasi ang hirap nga raw talaga. Pero still, ito pa rin yung pinursue at pinupursue ko hanggang ngayon. Kung hindi talaga ito para sa akin, edi hindi, pero hangga't wala pang malinaw na signs na hindi ko calling ang teaching, patuloy ko pa ring aabutin ang propesyong ito. Yun lang naman, skl hehe. Magandang Hapon sa lahat! @Mariagioia00
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
5 comments
Hayaan mo sila sis. Kung ano kasi yung nasa puso mo at pangarap mo talaga sundin mo. Hindi lang naman kasi yan sa sahod, kundi yung love mo din sa propesyon mo at yung makapagturo ka sa iba. Ang iba naman successful sa ganyan eh basta positive lang lagi.
Oo nga po eh, at the end of the day naman kasi ako lang din yung magsasuffer or magigain sa magiging decision...kaya dapat wag paiimpluwensiya sa sasabihin ng iba...Thanks anyway, sa magandang payo mo sis☺️
Iyan ang nakakalungkot sa trabaho yung sobra ka na sa oras pero pagdating ng sweldo kulang naman.
Totoo, yan ang malupit na katotohanan ng mga empleyado dito sa Pilipinas. Kung sino pa ang may pinakamadami at pinakamahihirap na trabaho sila pa yung nakatatanggap ng unfair na sweldo.
Yan nga din ang propesyon na gusto ko anak ko sussy