DATI... Tuwing sasapit ang huling buwan ng taon, ang lagi kong sambit ay "ang bilis talaga ng panahon". Ngunit, bakit tila iba ngayon. Bakit tila iba ang nais kong itanong? Na bakit, kahit tatlongdaan animnapu't lima lamang ang araw sa bawat taon, Ay tila nag-antay akong ilang dekada sa taong ito? Dahil ba mabagal talaga ang oras ngayon? O sadyang marami lamang negatibong pangayayari ang dumaan at nagpabigat, Kaya pati kamay ng orasa'y naging mabigat ang pagtiktak? Ano man ang rason, tingin ko'y di naman na talaga mahalaga. Nasambit at naitanong ko lamang, pero di naman ako naghahangad ng sagot. Dahil ngayon, ang pinakamahalagang katotohanan ay patapos na ang taon. Patapos na ang kalbaryo para sa mga tao't pamilyang hindi suwerte ngayong dalawang libo't dalwampu't dalawang taon. @Mariagioia00 PS: Puyat po ako ngayon, kaya pang walang tulog din ang mga sinsabi ko. Haysss. Magandang gabi!
1 comment
Kapag bussy tayo mas mabilis tumakbo ang oras.