read.cash Log in
M@Mariagioia00

PAENG Nawa'y malusaw ka na bago ka pa umabot sa lupa. Maraming pamilya na ang natatakot at nangangamba. Maraming magsasaka na ang nababahala, para sa mga tanim nilang maaaring masira. Maraming mangingisda ang hindi makapangisda dahil sa panganib na iyong dala. Maraming trabahante't empleyado ang apektado dahil sa iyong dalang ulan at baha. Sunod-sunod na ang bagyo, parusa ba ito? Hindi lahat ang may kasalanan, pero talaga bang damay lahat tayo? Sa paulit-ulit...sa sunod-sunod na pagsidatingan ng kalamidad. Nawa'y magsilbi itong aral para sa lahat. Iilan man ang may kagagawan, lahat pa rin tayo ang aako ng responsibilidad. Kaya, pakiusap lamang...mahalin at alagaan natin ang kalikasan. ***🙏Ipinalangin po nating lahat na sana'y malusaw na lamang ang bagyong si Paeng. Mag-ingat po tayong lahat! At magandang gabi! @Mariagioia00

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.