PAULIT-ULIT Na lamang ang gantong sitwasyon. Sa tuwing nagsisimula ang bungahan, Sa tuwing magsisimula na sana ang anihan. Bigla silang sunod-sunod at mag-uunahan Tatapakan, dadaanin, papatumbahin mga tanim sa palayan. Kaawa-awa ang sitwasyon ng lahat, pati magsasakang sa palayan ibinuhos halos lahat. Sipag, pawis pati pera nilang na di naman sumasapat Naubos, nasayang dahil sa mga bagyong hindi maampat. ***Iba-iba ang epekto sa atin ng bawat bagyong dumarating. Mayroong binabaha, nagkaka-landslide, storm surge, nasisiraan ng mga ari-arian, at nawawalan ng mahal sa buhay. Dito sa amin, ang pinaka-pinangangambahan kapag may bagyo ay iyong pagkasira ng mga sakahan at pagkatumba ng mga palayan. Karamihan kasi dito sa amin, sa pagsasaka kumukuha ng kabuhayan. Kaya ang anumang pagkasira sa mga palayan, ay sadyang napakalaking epekto para sa amin. Gustuhin man namang ipagpasalamat ng buong puso na kami ay ligtas mula sa kalamidad, hindi pa rin namin tuluyan maggawa pagka't na andun pa rin sa puso namin ang panghihinayang para sa mga nasira. Gayunman, kagaya ng ginagawa namin palagi sa tuwing natatapos ang bagyo, babangon na lamang kaming muli. Pipilitin iraos ang natitirang mga buwan ng taong ito, sa pag-asang baka ang susunod na taon ay mas maraming biyaya na ang dumating. Magandang umaga po sa lahat! Sa lahat ng mga nadaanan ni Paeng, huwag nating hayaang gawin niya tayong marupok. Tandaan: malakas lamang ang dating ni Paeng, pero sanay na tayong mga Pilipino sa katulad niya kaya BANGON at LABAN lang! @Mariagioia00 PS: Ang larawan na iyan ay isa sa mga kuha ng kapatid ko mula sa sakahan namin. Nagsisimula palang sanang magbunga ang mga palay pero pinatumba na agad, ang dami pa namang naging gasto namin dahil sa matataas na presyo ng fertilizer. Hayss!
5 comments
Nakaka lungkot talaga, ang naidulpt ng bagyo. Hindi pa tayo nakaka ahon sa pandemya ang bagyo naman ang nanalasa. At marahil hindi pa ito nag tatapos dahil may LPA nanaman na nagbabadya.
Kawawa nga ang mga farmers at lugi nanaman sa harvest nila.
Ang mas kawawa ang mga farmers na di oa nakakabangon.
Ramdam ko din yan, ganya din ang nangyre sa palayan ng kapatid ko na nasa bundok wala naman kami magagawa dahil dumating ang bagyo
Grabe ang damage na iniiwan ng mga bagyo talaga sis, tama po mas malakas tayo at mas matatag kaysa sa bagyo na yan kaya babangon tayo!