MERRY CHRISTMAS EVERYONE!☃️✨ After 20 days, nakapagpost na ulit lol. Tagal na haha, nabusy kasi ako sa school and sa pagrereview. Ngayon lang nagkatime naman since Christmas, and need nating magcelebrate😁. May mga handa ba lahat? Kung wala, oks lang yan ang mahalaga, magkakasama kayo ng pamilya mo at may mga taong mag papafeel pa rin sayo ng kapaskuhan. Kami nga sa bahay, sabi ni Mama, wala man lang daw spirit of christmas ang bahay namin, wala man lang kasing kahit anong christmas decors like parol and pailaw. Sabi ko naman, okay lang yan ang mas importante ramdam pa rin natin ang espiritu ng christmas, kahit di galing sa mga materyal na bagay na related sa pasko. Di talaga kasi kami mahilig magdecorate tuwing pasko, pero nagcecelebrate naman po kami. Anyway, ngayon pala, nagcelebrate kami na kasama ang buong pamilya. Pamilya, ibig sabihin kasama lahat ng kapatid ni Mama pati lahat ng pinsan namin. And, I'm proud to say na wala akong mga tita or tito na toxic, like yung kagaya ng mga nakikita ko sa socmed na masyadong judgemental na tita/tito. Pero may mga judgemental at marites kaming kapitbahay, kaya sila yung madaming komento sa akin. Yun lang haha. Merry Christmas ulit, nawa'y ang naging pagdiriwang natin ng kapaskuhan ay para sa UMBOY na ipinanganak, at hindi para sa materyal na regalo at Santa Claus. ☺️ @Mariagioia00
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
Ang tagal niyo nga po nawala dito hehe, welcome back po.
Oo nga po eh, pa 3weeks na pala haha