read.cash Log in
M@Mariagioia00

"PAHINGI PO KAHIT KONTING BARYA, PAMBILI LANG PO NG PAGKAIN" ***May binatilyong bigla na lang naglagay ng index card sa may lap ko, at ang nakasulat ay "blah blah...pahingi po ng kahit konting barya, pambili lang po ng pagkain." Kung kayo ang nasa posisyon ko, anong mararamdaman nyo? Awa ba? Pagkalungkot? O kawalang respeto? Ako kasi, kawalang respeto talaga ang totoo kong naramdaman. Pwede nya naman kasing ibigay ng maayos, kaya lang talagang kusa nya pang pinatong sa may kandungan ko. Wala naman akong ginagawang importante, nagseselpon lang kaya okay lang naman sanang istorbohin. Tapos nung, nag-iisip pa ako kung magbibigay ba or what eh andun na siya agad sa may tabi ko. Ni-try kong ibalik sa kanya yung index card lang kaso hindi nya tinanggap, as if "KAILANGAN" magbigay talaga ako. Anyway, binigay ko pa rin naman sa kanya yung barya na nasa bag ko, kaya lang hindi tulad ng dati na kusang-loob ko, ngayon eh parang against sa kagustuhan ko talaga, napilitan ba. Alam kong may iilan dito na mag-iisip na ang sama ko naman, pero sa totoo lang, hindi po talaga ako maawain sa mga taong kagaya nung binatilyo kanina. Maayos naman kasi ang pangangatawan nya, wala namang diperensiya, hindi pilay, walang disability...pero imbes kumayod eh pasimpleng namamalimos siya sa mga pasahero. Alam ko namang mahirap ang buhay ngayon, ramdam na ramdam yan ng karamihang pamilya ngayon. Pero gaano man kahirap ang buhay, dapat kayod kalabaw pa rin, wag dapat tayong umasa sa pamamalimos, dahil minsan may mga tao tayong nahihingian na kahit walang-wala naman talaga, nagbibigay pa rin. Magandang umaga po sa lahat! @Mariagioia00

7 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.