NARANASAN nyo na ba? Ang mapagod, kahit wala kang ginagawa? Ang maging malungkot kahit wala namang dahilan? Ang tumitig sa larawan kahit ang isip ay nasa kawalan? Naramdaman nyo na ba? Ang katamlayang parang patay? Ang kawalang-gana gaano man kaganda ang buhay? Ang pagtibok ng pusong tila mula sa hukay? ***Sa kadiliman ng langit, at sa ingay ng hagulgol nito, ang sarap magmuni-muni sa mga bagay-bagay, at tayahin ang mga pangyayaring nagdulot ng maganda at masamang epekto sa ating buhay. Habang nakatanaw sa may bintana, titig na titig sa bawat patak ng ulan sa lupa, hindi ko mapigilan ang kalungkutan at insekyuridad na bumabalot sa aking isipan. Tila ang mga patak ng ulan ang nagsisilbing salamin upang makita ko ang mga negatibong bagay, na pilit nilalason ang aking positibong perspektibo. Ito ang isang dahilan kung bakit minsan hindi ako masaya sa pag-ulan, hindi lamang kasi ang lamig ng panahon ang bumabalot sa akin kundi pati ang mga negatibong emosyong hindi ko mapigil sa pag-alpas at pagyakap sa akin. Magandang hapon sa lahat! Pasensiya na sa masyadong malungkot na post na ito hehe. @Mariagioia00 #originalcontent
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
4 comments
I like sad post sissy, mas feel ko
Yes sis naranasan ko n yan
Ranas ko yan lalo pag alang pera.. he he
sa mga malalalim na salitang iyong binitiwan napaisip ako bigla at pinag tagni-tagni ang iyong mga katanungan. mabuti nalang at hindi ko pa iyan naranasan dahil lahat ng iyan sakin ay may dahilan. magandang gabi po.