12DWH: Harana July 8, 2021 **12 Days With Him: Bella** https://read.cash/@Jane/12-days-with-him-bella-6699963e **12 Days With Him: Aksidente** https://read.cash/@Jane/12-days-with-him-aksidente-215b58a8 **12 Days With Him: Hawak-Kamay** https://read.cash/@Jane/12-days-with-him-hawak-kamay-163548e1 **(ENGLISH)** ***(I just want to remind you that the English translation is not accurate*** **π€£)** https://read-cash.translate.goog/@Jane/12-days-with-him-harana-f535ed09?_x_tr_sl=auto&_x_tr_tl=en&_x_tr_hl=zh-TW&_x_tr_pto=ajax Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko isang malaking alupihan ang gumagapang sa braso ko at napatalon ako sa higaan. Sa lakas ng sigaw ko ay nagulat din ang katabi ko. At ng makita niya ang dahilan ng pagsigaw ko ay napasigaw din ito ng mas malakas pa sa akin. "*L*ngya, bakla ka ba? Mas malakas pa hiyaw mo sakin ah." Reklamo ko.* *"Gapangin mo na lang ako wag lang ng sentipido.*" Sambit nito at nagawa pang magbiro. "*Gago! Patayin mo na!*" Sigaw ko. "*Sino*?" Pilosopo nitong tanong. "*Ikaw, ikaw papatayin ko kapag hindi mo patayin yan.*" Turo ko sa gumagapang na alupihan papunta sa deriksyon namin. "*Ito na, ito na*." Tugon niya habang pinapatay ang alupihan gamit ang takong ng kanyang sapatos. "*Hay salamat. Nakakamatay ba kagat ng alupihan?"* *"Hindi naman. Bibigyan kapa ng chance tumakbo pa hospital." Sabay tawa.* *"Simba ko. Check mo nga kung may kagat braso ko. Ayaw ko pa mamatay."* Sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko, doon ko lang napansin ng maiigi ang kayumangging mga mata nito, mapupulang labi, at ang kutis na mas maganda pa sa kutis ko. Pakiramdam ko ay namula mga pisngi ko. "*Oh ba't namumula mga pisngi mo? Wala ka naman kagat ah. Makunat kasi balat mo hindi kinaya ng pangil ng sentipido.*" Pabiro nito. "*Baliw ka talaga. Sa labas na lang ako. Ang init dito."* Sabi ko sabay hugot sa malong na binili namin sa souvenir shop. Lumabas ako at nilapag ang malong sa buhangin at saka humiga. Mas presko ang hangin sa labas at malamig pa. Habang nakahiga ako ay pinagmamasdan ko mga bituin sa kalangitan. At narandaman kong may humiga sa tabi ko. Sino pa ba? Wala namang ibang makapal ang pagmumukha na gagawa nun.
"*Bakit may mga tala? Anong silbi nila*?" Tanong ko sa kanya, wala lang talaga ako maisip itanong. "*Bakit may buwan? Para saan*?" Tanong nito pabalik. "*Para magsilbing liwanag sa gabi*." Sagot ko. "*Ganun din ang mga bituin. Kapag matakpan na ng kadiliman ang kalangitan, ang mga bituin ang nagbibigay liwanag sa atin. Sila din ay nagbibigay buhay sa mundo. Lahat tayo may silbi, kahit nga alikabok may silbi*." Paliwanag nito. "*Alam mo ba na ang araw ay isa ding bituin? Walang mga bituin, walang araw, walang araw, walang buhay*. *At ikaw ang bagong bituin ng mundo ko. Kapag mawala ka'y, wala na rin ako."* Karagdagang paliwanag nito. "*Dami mong alam, tulog na tayo. Kaso ang hirap matulog sa buhanginan*." Hindi ko na lang pinansin ang huling linya na sinabi niya at baka ako'y masaktan lamang. Pero teka, parang kanta sa pilipino yun ah.. "*Gusto mo ng lullaby*?" Pabiro tanong nito. "*Ano ako bata?"* *"Malay mo magwork."* *"Naku wag na! Baka pa umulan."* (*Patugtugin ito habang binabasa mga susunod na istorya*.) https://youtu.be/l_IfBPOKFGE
*Perfect*. Kinakanta niya paborito kong kanta. Boses niya'y kay ganda kahit sino ay mapapahanga. Pati mga mata ko nakatutok na sa kanya, at mga mata niya'y nakatitig din sa akin. Kung may gitara lang sana, it would be perfect.
Di ko mapigilang mapanganga sa ganda ng boses niya. Sana all na lang ako. Gwapo na nga, may boses pa. Hindi ko mapigilan ang pagkabog ng aking dibdib. Malamang, kasi buhay pa naman ako. Para akong baliw na kinakausap ang isipan ko. *Akala ko lullaby, bakit parang harana?* Sambit ng isipan ko.
Para akong matutunaw sa mga titig niya. Kasabay ng malamig na hangin na dumadampi sa aking balat. Mga hampas ng alon sa dalampasigan at huni ng mga gamo-gamo na lang ang aking napakinggan ng tapusin niya ang huling linya. Ilang segundo o minuto kaming nagtitigan na hindi alam kung sino ang bibitaw. Hanggang sa bumigat na lang ang aking mga mata at kusa itong sumara. Nilamon na ng gabi ang aking gising kong presensiya. Naramdaman ko na lang na may pumatong ng ulo ko sa kung saan, at may dumamping malambot na iwan sa noo ko. Pang Pitong Araw Nagising na lang ako nang masinagan ng araw ang aking mukha. Pagdilat ng mga mata ko, mga mata ni John ang aking nakita. "*Magandang umaga magandang binibini*." Bati niya. "*Magandang umaga din*." Bati ko pabalik. "*Sarap tulog ah. Malambot ba or matigas*?" "*Ang alin*?" Tanong ko. Dun ko lang namalayan nakayakap pala ako sa kanya at bisig niya ang aking unan. Bigla akong bumangon sa gulat, at hiyang hiya sa aking nasilayan. "*Aray, sakit ng muscles ko. Grabe hindi ako nakatulog, lakas mong humilik. Sarap na sarap ka pang nakagapang sa akin.*" Pang aasar nito. "*Gapang mo mukha mo. Ikaw nga ata yumakap sakin kaya ganun posisyon natin*. *At hindi malakas hilik ko ah*." Paninindigan ko. "*Kaya pala, mga gamo-gamo nagpa-ubaya na lang sayo, puro ka kasi chorus. At Sino ba nasa ibabaw*?" Panunuya nito. "*Bastos nito. Anong ibabaw pinagsasabi mo. Braso ko lng naman nakapulupot sa katawan mo."* Rason ko. "*Inamin mo rin, niyakap mo ako. Naku, ang berhin kong katawan, ngayon ay hindi na*." Panunuya nito na nakayakap pa sa sarili parang bakla. "*Umayos ka nga bakla ka. Yung tent isasauli na natin."* Dali-dali akong pumunta sa tent pra ayusin mga gamit namin. Nang bigla siyang pumasok at inihiga ako sa loob, at dikit na dikit mukha niya sa akin. "*Sinong bakla*?" Mahinang tanong nito may halong panunuya. "*Si..si..ano..si Vice Ganda..oy biro lang.*" Utal-utal kong sagot at puso ko'y parang sasabog sa lakas ng kabog. "*Magbiro ka lang sa lasing. Huwag lang sa bagong gising*." Sambit niya at umaksyong hahalikan ako kaya pinikit ko na lang mga mata ko. "*Anong balak mo gawin*?" Kinakabahan kong tanong. Isa.dalawa.tatlo. Bilang ko sa isipan ko. Ayan na papalapit na mga labi niya. "*Papatunayan ko sayo na hindi ako bakla*." Bulong nito sa tenga ko na nagpatayo ng mga balahibo ko. Maya maya pa'y diniin niya mga labi niya sa akin. Malalambot at nakakaadik. *Patay na...* mga unang katagang pumasok sa isipan ko. *Patay na alupihan ay nabuhay,* *At ngayon ay nangangagat....* Ipagpapatuloy... Nabintin ba kayo? π€£ Ako rin. Salamat Parot sa term na alupihan, sentipid kasi una ko ginamit π Salamat sa oras.
57 comments
Hinalikan na binitin pa! Nubeyern madam! π
Sunod ulit na halik madam π€£
Though the Translation really messed up so many of the words, i was still able to understand. Finally they kissedπππ. As usual i anticipate the next episode
You only understood the kiss π€£
Ayyy bitinn poπ..may kissing scene na ..yieehh...sana ol may kakissπ Ang ganda napo ng kinalabasan..exciting next episode.
Sa kissing scene tlga kyo excited eh π€£
Akala ko pa naman kamay na ni ano ang gumapang. Yung ano pala. π€£ Dami na naman ganap sa episode na to, di ko kinaya ang kissing scene! π Curious ako kung nagrespond ba din si belle girl kay John.
Gusto mo magrespond? π€£π€£
Pwede rin pero bahala na si bella girl bukas. π€£
Bitiiiin!!!! Kinikilig ako sa haranaaaa!! Hahaha
Sana all hinaharana.
Naman galing manbitin andun na eh humalik na eh... Labas mo na karugtong sis πππ
Haba eh kya hiniwalay ko π€£
Missing your English one's haha lol end this series soon...
Soon π€£
Ywa π€§ππ, napapa ismid nalang ako sa ginagawa nila tapos nag chachant ng "walang poreber, walang poreber" nakaka bitter itong story mo madam suskopo, ahahahaha
π€£π€£ sorry na madam.. wait nlng gang sa pagwawakas π€£
Napapak Ganern na po ako Ms. Jane ei hahaπ na bitiiinn ako ng sobra hehe buti ito kilig much daming nagpaiyak sakin kanina sa mga article nila... Galing din ni john ahh Mag pag kiss talaga hahaha.. Pero natawa ako nadamay si Vice Ganda hahaπ€£
Siya una ko naalala sa bakla eh π€£
Sabagay tama ka po dyanπ
Luhhhh. Hahahahaha Sana all kinakantahan. π€πΉ Ganda nung song eh. Pero bakit bitin namannnnn? π€π€£
Ganun tlga madam.. lage bitin..walang forever π€£
Ay alupihan pala :D pero at least yon natuloy na ang gapangan, may kagat pa :D
Haha. May kagatan pa π€£
haha, sinabi mo eh :D
Hanep hahaha ayiiiee dito na lang muna ako kikiligin haha nex chap phuleaase! π
Bukas ulit π€£
Hahahah i should have closed my eyes too in the last part π may pa-anoπ Hahahha naalala ko tuloy c mama, pag nagrerent kmi or bili ng pocket books, sya dapat una magbasa for screening kung may bawal para sa edad namin. Hahah ma, sorry ma I'm a big girl now. Hahaha kakakaba na ang mga next chaptersπ
Hala.. Patay ako kay mama mo π€£
Hahaha okay lang yan adult na akoπ
Hahahahahahha Those two are just so funny. I like the chemistry that is developing between them Again, he said, the "disappear something", and I am yet to understand what he meant too. Maybe, I will understand as you publish the rest of the story
disappear something? I guess the translation is really bad π€£π€£
Ayyiiie! Ganun pala un noh pag kumakabog ang dibdib buhay? Buhay lang? π Hahah!
Oo sis π€£π€£
Even though the English is not perfect we have to keep reading lol I would say that our fate this time around. So the Filipinoβs should enjoy the more. And hahaha. Funny you admit he is more beautiful that you are. And also you felt that that perfect lips of his. You guys are just so tricky. Thank goodness the centipede didnβt bite before the rescue! π What day are we now?? Lol π seem it was a long day!
Yes it is.. And still has continuation π€£π€£ Thanks for reading the inaccurate translation π€£π€£
I have no option πΉπΉ Since I am always happy reading it π»π»
Galing ni parot sa mga pilipino terms no, kya nanonosbleed aq sa mga nililimbag nyang tagalog eh.. pro yay,, npapatawa tlga aq sa part na to, libang. Ganda ng araw q nito jaja
Haha . salamat.. Kay parot ko rin nakuha ang selpon π€£
Bisita lang ako madam. Paramdam na buhay pa ako. Hihi
Salamat sa pagparamdam π
Ibang alupihan nanaman ata ang nabuhay sa huli :D
Nangangagat pa π€£π€£
OMG nafeel ko lahat Ng kilig sa katawan ko. Anu ba Yan miss Jane nakakaloka. Ayeeeeee jusko po π€£π€£π€£π€£
Haha..sunod iiyak kna π€£
ang perfect lang ng gabi nila sa dagat. isa to sa gusto kong gawin :) sana all talaga. hehe.nakakainlove to para akong nanunuod ng rom com. hehe. tapos ganda ng duet nila sa video. hayyz...
Pea tlga nanonood kpg basahin maiigi ang story.. lahit ako na nagsusulat ay kinikilig π€£
bakit ba sobra nag kilig ko rito...di ako mapapa sanaol gusto ko may hapy ending yun lang..apaka romantic haaayyy at yung hahalikan ka sa umaga waw ..hahahah chorrrr
Nangagat yung alupihan π€£π€£
hahahaha yun pala yun..teka basahin ko na sunod hikhikhik..anla ...kinikilig ako..hahaha anuba
More comments