November 7, 2021. Sunday.
Kapag ba hindi mo nakukuha ang mga bagay na gusto mo ay nawawalan ka na ng gana? Kapag ang mga bagay na pinaplano mo ay hindi natutupad ay nawawalan ka na ng pag asa? O kapag hindi sumasang ayon sa iyo ang mga bagay bagay ay napanghihinaan ka na ng loob? Kapag ba nangyayari yan sayo ay naiisipan mo na sumuko na at huwag ng magpatuloy?
Sabi nga nila “Magpahinga lang pero Huwag Susuko”. Ako palagi kong sinasa isip ang kasabihan na iyan. Kapag may mga nangyayaring hindi maganda sa buhay ko ay tinatagagan ko lang ang aking loob at ipinagdadasal sa panginoon ang mga bagay na ito. Dapat kahit na hirap na tayo sa buhay at sa mga ginagawa natin ay piliin pa rin natin ang lumaban at huwag sumuko ng basta basta lamang. Lahat ng ito ay pagsubok lang kaya kapag sumuko ka kaagad ay ibig sabihin nito ay hindi mo na kayang harapin ang mas malalaking pang problema na darating sa iyong buhay. Kaya kailangan ay tibayan mo palagi ang iyong kalooban at magtiwala ka sa sarili mo. Napakahalaga na meron kang tiwala sa sarili mo dahil dito ay magkakaroon ka rin ng lakas ng loob na harapin ang lahat ng mga pagsubok na dadating.
“Susuka lang pero hindi Susuko” ewan ko kung kasabihan pa rin ang isang ito. Hahahha. Pero lagi ko itong naririnig kapag nawawalan ng pag asa ang isang tao at ito ang sinasabi ng mga kasamahan nyan. Sa totoo lang kapag nalalasing ang isang tao ay tsaka ko rin naririnig na sinasabi yan sa kanila. O kaya naman kapag broken hearted ang isang tao. Pero sa tingin ko ay pareho lang naman ng ibig sabihin ang naunang kasabihan at ang pangalawa dahil parehong itong naglalayon na huwag tayong susuko anuman ang mangyari.
Dumadating talaga ang mga pahanon na sobra tayong mahihirapan pero dapat pa rin natin isaalang alang talaga ang huwag sumuko. Walang pagsubok na hindi natin malalampasan, sabi nga nila at totoo naman yan. Kahit gaano pa kabigat ang isang problema ay may solusyon ito at hindi pwedeng wala.
Kapag pagod kana magpahinga ka lang muna, huminga ng malalim at linisin ang iyong isipan. Ang solusyon sa pagod ay pahinga lang naman talaga at hindi sulosyun ang sumuko kapag pagod kana. Huminga ka ng malalim, kailangan mo ito para marelax ang katawan mo sa pagod. At linisin ang iyong isipan, tanggalin mo muna ang mga negatibo na nasa iyong isipan dahil hindi makakatulong ang mga ito. Dapat kapag pagod ka na ay huwag ka ng mag isip pa ng mga bagay bagay na lalo lang makakapagpagulo sa iyong isipan at lalo lang magbibigay o magdadagdag ng pagod sa iyo.
Lahat ng tao ay nagkakaproblema at napapagod. Iba iba nga lang tayo ng paraan kung paano harapin ang ating mga problema at kung paano pawiin ang ating pagod. Kaya kung nangangamba ka sa sitwasyon mo ngayon, kung kaya mo pa bang harapin ang mga problema at pinagdadaanan mo ngayon ay lagi mo lang isipin na lahat tayo ay dumadaan dito. Kaya huwag kang malungkot, huwag kang magalit, huwag kang magtaka, huwag kang magkumpara, at huwag kang sumuko. Lahat tayo ay nararanasan ang mga problema at paghihirap sa buhay kaya naman dapat ay mas piliin mo pa rin talaga na intindihin ang mga bagay bagay at lawakan mo pa ang pag iisip mo para sa tuwing may katanungan sa isip mo ay alam mo rin ang sagot dito. Lagi ka rin mag isip ng mga positibong bagay lang at isantabi muna ang mga negatibo. Kapag lagi kang positibo ay malaki ang tyansa na maging positibo din ang lahat ng nasa kapaligiran mo.
Basta ang masasabi ko lang sa mga tao dyan na may kinakaharap na problema ay “Laban lang at Huwag kang sumuko, pasasaan ba at malalagpasan mo rin iyan”. Palagi lang po nating lakasan ang ating kalooban, kaisipan at pati na rin ang ating pangangatawan.
At iyan lang po para sa araw na ito. Gusto ko lang magbigay ng pag asa sa mga tao na nalulugmok ngayon sa kalungkutan. Gusto ko na patatagin ang kanilang loob at pasayahin na rin kahit papaano. Maraming Salamat po sa inyong pagbabasa at hanggang sa muli po.
Maraming Salamat sa inyong pagbabasa, sana ay huwag kayong mapagod na basahin ang aking mga gawa. Salamat sa inyong suporta at tiwala sa aking at sa aking mga articles. Salamat muli.
Gusto ko magpasalamat ng sobra sa aking mga Sponsors na sobrang babait at generous. Bisitahin at basahin nyo rin po sana ang kanilang mga artikulo kapag mayroon kayong libreng oras. Sobrang gaganda din ng kanilang mga gawang artikulo at sigurado ang mageenjoy kayo sa pagbabasa. At gusto ko din palang magpasalamat sa mga taong palaging binabasa, nagcocomment at nag uupvote sa aking mga artikulo. Maraming salamat din sa inyo. At nawa ay pagpalain kayong lahat dahil sa taglay nyo kabaitan at kabutihan.
Thanks for reading this.
Keep Safe and God Bless us always.
Don't Forget to Be Nice and Be Good to Everyone.
Bye.
Lead image source: I use Canva in making it.
...and you will also help the author collect more tips.
Correct ka po dyan....Paano mo makukuha ang gusto mo..Paano mo malulutas ang probz mo kung susuko ka...Pwede naman tayo huminga muna saglit tapos ipagpatuloy ang buhay.heheh