Ano nga ba ang ibig sabihin nitong paru-paru?
Pasensiya na po kung matagal tagal din na hindi nakapag open ng read cash....Maliban sa busy ay hindi ako makapag focus.....Ilang days din kasi yong padasal namin na pabalik-balik hanggang sa dumating ang araw ng first death anniversary ng papa ko.....
Walang ibang mag aasikaso eh ako lang po dahil ang mama ko bed rest na po...Ang kapatid ko naman na lalaki ay pilay pa din gawa nong aksidente...Ang ate ko naman ay may sanggol pa na inaalagaan....Tatlo nalang kaming magkakapatid na buhay kaya Hindi ko alam kong paano mag budget ng oras na matapos ko lahat ng mga gawain.....Sa pag aalaga palang sa mama ko na may sakit eh magkaka undagaga na ako...Halos ang pahinga ko nalang eh oras ng pag tulog eh ngayon na nga din sana yong oras ng pahinga ko kaya lang kailangan pang mag trabaho.heheh
`Share ko lang po sa inyo yong nangyari don sa first day ng panalangin para sa papa ko.....`
Nong nagsisimula na kaming manalangin don mismo sa unang araw ay hindi ako makapag focus dahil may biglang lumapit sa akin na isang paru-paru.....Naaalala ko din na ito yong paru-paru na dumamo sa akin nong ikatlong araw pagkalibing ng papa ko.....
Isang paru-paru pero ramdam ko na parang siya ang papa ko at nag anyo Lang na paru-paru...Ewan ko po kung naniniwala din kayo sa ganito......Sa tingin ko merong oo at meron din na hindi....
By the way balik po tayo sa topic.....Dahil hindi po ako mapakali sa nakikita k0 na paru-paru na lumipad sa may paa ko at parang pinapahabol ako nito palabas ng bahay ay sinundan ko ito...Naawa ako sa paru-paru dahil para siyang nahihirapan na nakalipas...Para siyang lasing na hindi mo maiintindihan....
Dahil sa nangyari ay madaming tanong sa aking isipan...tulad ng mga ito..
*Ang papa ko ba ang paru-paru?*
*Bakit siya nahihirapan lumipad?Pinapahirapan ba siya sa kabilang buhay?*
*May gusto ba siyang iparating na mensahe sa Amin?*
*O kaya hindi niya pa ba tanggap na wala na siya?*
Sa kabila ng lahat ng aking mga tanong sa sarili ay nasasaktan ako...nangungulila...at ipinagdarasal ko nalang na ay maging tahimik na din siya at mapatawad sa kanyang mga naging kasalanan....
Maraming salamat sa aking mababait na sponsors at sa tiwala kahit medyo busy ako ay andyan pa din po kayo....hehe
Hanggang dito nalang po muna.,...
❤️**Buhayexperience**

Sorry po f now lang ulit nag paramdam dito sa read.cash....sobrang hectic kasi ng sched ko kahit nasa bahay Lang...sobrang alagaan na kasi masyado ang mama ko ngayon dahil sobrang nahihirapan na kahit umupo...halos ang pahinga ko nalang yong pagtulog....hays...by the way good morning po sainyong lahat..
Sa aming daanan
Kumusta po Kayo mga ka readers??Ako ito super pagod na pagod ngayong araw.....Siguro mga apat na barangay yong nilakad namin makarating lang sa pupuntahan..At ang masama pa kasi yong mga barangay na dinaanan namin eh wala man lang na pwedeng mapa ayusan ng motorsiklo....
Habang umaandar yong motorsiklo na sinasakyan namin ay biglang tumigil yong makina at hindi na ito nag start....Yong nagmamadali ka na nga tapos ganito yong nangyari sa amin..
Kasama ko yong anak ko...Naawa ako sa anak ko samantalang yong anak ko ay parang naglalaro lang sa daan..Hindi man lang nagrereklamo at tuwang tuwa pa Ito sa mga nakikita niya..Lalo na ng makakita ito ng ibat-ibang uri ng mga bulaklak sa tabi ng daanan..
**Mga bulaklak na nadaanan namin**
Sino ba naman ang hindi maaakit sa mga bulaklak na Ito....
Medyo malayo layo na din yong nilakad namin ng nadaanan namin yong isang paaralan ng Sekondarya sa isang barangay...Ang likuran nito hindi playground or halaman.....Ito ay taniman ng palay..
Kahit pagod sa paglalakad ay medyo nasiyahan naman ako sa aking mga nakikita...Iba talaga ang probinsya...
Sa aking mababait na readers,thank you so much po lagi sa inyong tiwala sa akin...
`Kayo mga ka readers kumusta din po ba Yong naghapon niyo ngayon???`
By the way gusto ko ding magpasalamat sa aking mga readers,upvoters and mga commentors na walang sawa sa pagbabasa Ng aking mga kadramahan lalo na minsan..heheh
Published
December 04,2021
❤️Buhayexperience
Legit premise cashout
Kung naaalala niyo po mga ka readers nong nakaraang week ay may ginawa po akong article about po sa **premise...**.Sa mga hindi pa nabasa and willing po malaman..pa scroll nalang po ng mga article ko at hanapin niyo po yong about sa premise.heheh.. Actually dalawa po yong premise ko...Syempre dapat dalawang phone din yong gamit niyo....heheh..Yong unang cashout ko eh na try ko nga po sa mobile top-up.....Kaso for load lang po yon at merong naiiwan na 100 pesos....bale 150 load lang yong darating po sa inyo..
Yan po yong minimum para po makapag cashout sa mobile top-up....
Nong nakaraang araw alam ko talaga eh magka cashout na ako sa isa ko pang premise...kaya lang may load pa ako......And kaninang 5am naisip ko what if itry ko naman sa coinbase para talaga maging pera.heheh...So meron na nga po akong 258 at pig try ko isend sa coinbase....
After ko ma isend sa coinbase ang kinatuwa ko kasi kung ilan yong amount yon din Ang maiisend sa coinbase...Hindi tulad ng mobile top-up na may naiiwan talagang 100 pesos...
So ang bilis nga dumating ng confirmation na dumating na nga sa aking coinbase account....second lang po siguro.....
Bukod sa legit po siya eh talagang wala po tayong ilalabas na pera...Sa mga gusto po mag try Ng premise at gusto ng dagdag income pwede din po ito sa inyo....
Nais ko lang po ito ishare sa inyo mga ka readers baka sakali pong makatulong....
**Maraming salamat po sa aking mababait na sponsors and thank you sissy sweetiepie sa pag renew po ulit kanina...**
**Welcome december**
**Thank you so much**
**Upvoters**
**Commentors**
**Subscribers**
**Sponsors**
**Readers**
Published
December 01,2021
❤️Buhayexperience
Hiling
Minsan talaga may mga bagay na kailangan mong gawin kahit nahihirapan ka na...
Andito na naman ako ngayon sa sitwasyon na ayaw kong mangyari.....Araw-araw,gabi-gabi ay kitang-kita ko ang paghihirap ng mama ko habang unti-unting bumibigay ang kanyang katawan.....Sa akin hindi naman mahirap ang alagaan ang isang magulang dahil tanda lang ito ng pagmamahal natin sa kanila habang nabubuhay...Alam niyo po ba kung alin ang mas mahirap at masakit bilang isang anak???Yon ay yong wala kang magawa para mawala yong sakit na nararamdaman ng mama mo......Minsan hinihiling na nga ng mama ko na sana kunin nalang siya kasi buhay nga siya pero halos isang taon ng nahihirapan ng kanyang sakit....Dahil din sa sitwasyon ngayon ay nahirapan na din kaming dalhin siya sa hospital dahil baka doon lang mas mapadali yong buhay niya tulad ng nangyari sa antie ko.........
Akala ko kapag bunso swerte kahit sa mga obligasyon.....pero bakit ganon,ako yong bunso pero feeling ko pasan ko lahat ng obligasyon....yong bawal sa akin ang magreklamo kasi dami kong obligasyon...Feeling ko nga din nakaka quarantine ako sa bahay kasi hindi ko pwede iwan ang mama ko..kahit minsan gusto ko din magrelax para din sa kalusugan ko pero hindi pwede.Minsan gusto ko ding sabihin sa mga kapatid ko na tulungan niyo naman ako sa mama natin..24hrs kong nakikita siyang nahihirapan samantalang sila kahit isang oras lang ang dalawin Sana ang mama namin ay hindi nila magawa dahil sa dami din nilang dahilan......Minsan nakakapagod na din yong mag intindi lalo na kapag umaataki din yong sakit ko...Nanghihina din naman ako..hindi naman ako robot........Minsan kinausap ko na din sila pero wala din.....dahil may mga rason din kung bakit sila hindi nakakapunta....pero kung tutuusin pwede nga namang lakarin papunta dito sa bahay ko...Ang lapit lang nila.......Hay...pasensiya na mga ka readers gusto ko lang mailabas yong saloobin ko..sobrang bigat na kasi sa pakiramdam.....
Thank you so much to all my sponsors...
Hindi pa ako nakakapag move on sa papa ko pero ito na naman ako sa mama ko....
Ang ikli lang ng article ko na ito pero hindi ko matapos tapos ....Alam niyo po ba kung bakit kasi tinawag ako ng mama ko....Huwag ko daw siyang iwan kasi ang sobrang sakit na daw ng dibdib niya😭😭😭...Tagos sa dibdib ang sakit habang nakikiusap sa akin ang mama ko.....pasensiya na mga ka readers...Hindi na ako makapag concentrate...
❤️Buhayexperience
Choice mo din ang pumili
Hindi na ako makatulog dahil sobrang sakit ng braso ko at nilalagnat pa ako gawa ng vaccine kahapon....kaya ito naisipan ko nalang ginawa ng article....Share ko nalang sa into yong nangyari sa akin kahapon habang magpapa bakuna...Ewan ko kong may sense ito.haha.wala lang akong ibang ma topic ngayon...
Dahil nga sa alam namin Ng Pamangkin ko na sobrang tao na naman kaya inagahan talaga namin dito sa coverd court malapit lang sa Amin.....6am palang ay andon na kami at tama nga dahil pagdating namin doon ay meron na ding mga tao..karamihan mga teeneger nasa 12 to 17yrs old kasama yong parents nila kasi required nga daw.....
Gusto ko talagang bakuna ay Pfizer dahil nga sa may cyst ako sa breast kaya lang hindi daw pwede sa akin kasi naka required daw yon para lang sa mga menor de edad...Ang para daw sa amin ay sinovac and astrazeneca....yon pa naman yong bakuna na ayaw ko..mas ok pa nga yong moderna ong para sa akin..hahah..pag pasensyahan niyo na mga ka readers kong mapili talaga ako sa bakuna Sabi nga daw depende naman yan sa katawan na na nabakunahan....Kung mahina daw ang resistensiya eh talagang mararamdaman yong epekto ng bakuna...pero meron din nakapagsabi sa akin na isa sa bhw na kapag daw may epekto yong bakuna sa atin ibig sabihin daw mas maganda yon Kasi effective yong bakuna.......pero kahit na ayaw ko nga ng may karamdaman kasi ang dami kong obligasyon sa buhay..
Nong mag bigayan na ng form ay nakiusap ako sa bhw Kung pwede Pfizer sa akin..at naawa siguro kaya binigyan ako pero baka nga daw mapagalitan sila...
Nong tingnan ko yong form ng Pfizer eh para talaga sa menor de edad....
Nong mag start na ay sinabi ng nasa front na hindi daw pwede ang pfizer sa 18 yes old pataas kaya nilapitan ako ng bhw at binigyan ako ng sinovac form...wala akong choice kahit ayaw ko non.....
Dahil sa maaga kami eh nauna din kami sa pila....nakakatawa nga kasi nong malapit na ako sa interview eh umalis ulit ako sa pila kasi may nakita akong dumating na moderna..para hindi ako makilala ng bhw na naka Ilang hingi na ako ng form eh inutusan ko yong aking pamangkin na siya naman yong humingi and thanks God dahil binigyan siya...Another fill- up na naman ako hahaha..bale tatlong form yong na fill-upan ko hahaha..daming nasayang pero ok ka yon kisa naman sa mapunta ako sa ayaw kong bakuna.hahaha
At ito na nga yong final ang moderna...feeling ko habang papalapit na ako sa nurse iniisip ko na kukuha lang ako ng ayuda para huwag kabahan.hahaha
Sa wakas natapos din..paguwi ko sa bahay naglaban ako,nagwalis,naghugas ng Plato for short nagpapakabusy ako Kasi nararamdaman ko na yong sakit at pananamlay ng braso ko..feeling ko maiistroke yong kamay ko.hahahah
Nong hapon na eh napuyat talaga ako kaya nakatulog ako...kaya lang pagising ko nahirapan akong huminga...tumayo ako at nagpaka busy ulit....Tapos ito nga hindi ako makatulog ng maayos kasi masagian lang ng anak ko yong braso ko sobrang mapapasigaw na talaga ako sa sakit..Ang likot kasing matulog..tapos nahirapan din akong huminga..tapos may trangkaso pa...Kaya gumagawa ako ngayon ng article eh nakatayo talaga kasi mas comfortable akong huminga kapag nakatayo....
***By the way thank you so much sa aking mababait na sponsors....***
So tama nga sila kahit anong bakuna pa yan Basta mahina ang resistensiya eh mararamdaman mo din yong epekto...heheh...siguro dahil sa may sakit ako kaya Ganito..
**Kayo mga ka readers lalo na po yong mga vaccinated na ano po yong naging experience niyo sa pagpapabakuna?**
Published
Nov 24,2021
❤️Buhayexperience
My busy day
Hindi ko napansin ang oras hapon na naman pala....Kanina nagmamadali ako kasi baka maiwan ako ng service ko.heheh..Araw kasi para sa pagkuha ng module....At ngayon din araw para sa pagbibigay ng feeding para sa mga bata......Binigyan nga ng tig-iisang Alaska powder 330g ang bawat studyante...Good for 1week na din ito...kaya sayang kung hindi ako pumunta kaya parang hinahabol ako ng aso kanina sa kakamadali.hahaha.malayo kasi sa lugar namin ang paaralan ng anak ko...
Pag-uwi ko naman ng tanghali ay nakasalubong ko Ang ate ko at tumawag daw yong bhw ng barangay namin at kailangan daw mabakunahan yong anak ko..6 to 7yrs old daw...Tamang-tama sa anak ko kasi 6yrs old na siya....Sayang daw kasi ng gamot..Anti tetano at missles kaya dalawang turok yong ibinakuna sa anak ko...Habang tinitingnan ko yong karayom na itinuturok sa anak ko..Ang feeling ko ako yong nasasaktan.hahaha..pero believe ako sa anak ko kasi kahit dalawa yong itinurok sa kanya...nagawa niya pang magbiro...tinanong ko Kung masakit....Ang sagot sa akin hindi daw...dapat nga daw mga tatlo pa.hahahahahah...may pinagmanahan...
Malaking tulong na din yan para sa kalusugan ng anak ko Lalo na ngayong madaming lumalaganap na sakit.hehehe...
Actually bukas din yong re schedule ng bakuna ko for covid....Sana matuloy na at goodluck nalang sa akin.hehehe...Feeling ko para akong sasabak sa exam at kailangan kong pag handaan..hehe..
***Sa aking mababait na sponsors thank you so much.....sa mga gusto din na bisitahin Ang kanilang account..click niyo lang po sila..***.
***To all my readers,upvoters,commentors...thank din po sa walang sawang pagbabasa ng aking articles...God bless po sa ating lahat and more blessings pa po sa atin***..
Published
November 22,2021
❤️Buhayexperience
Wow nakakatuwa naman yong pag open ko Ng acc ko..Thank you so much @ibelievestorya for renewing your sponsorship to me....thank sa tiwala po.....mamaya na po ako magbabasa ng mga articles and comments..pasensiya na po..kailangan ko na Kasi mag madali..aalis ako ng 8am...
Sana totoo nalang
Maaga palang ay nakapag bihis na ako dahil sa hindi ko inaasahan na isa ako sa ma imbitahan ng aming kapitana sa aming barangay na pumunta sa kanyang kaarawan....Dahil sa tuwa ko eh bago mag tanghali ay andon na ako sa bahay nila...Napaka daming tao at halos ang karamihan ay halatang may kaya sa buhay....Naisip ko na napaka swerte ko naman dahil kahit simpleng tao lang ako eh napansin ako ni kapitana na Kung tawagin sa aming lugar na "**Mommy kap"...**Super bait niya naman kasi at kahit sino lalo na kapag makakita siya ng matanda kapag kailangan ng tulong ay tinutulungan niya ito.........
So ayon na nga po...Habang nasa bahay ako nila ay pumunta ako sa second floor at kitang kita ko mula sa malayo ang napaka gandang tanawin......Makikita mo sa likuran ng bahay nila yong napaka gandang ilog na may napakalinis na tubig at kitang-kita mo yong mga nag hahabulan na mga itik habang naliligo......
Maya-maya ay tumawag na nga sis Mommy kap para kumain.....Para lang kaming nasa isang napaka gandang restaurant kasi meron ding mga witress na nag seserve sa amin.....Ang sasarap naman talaga ng pagkain at super nabusog ako.hahah
*****By the way gusto ko lang mag pasalamat ng marami sa aking mababait at very supportive na sponsors...old and new..*****.
After kong kumain ay tumayo na nga ako at lumabas ng bahay...pumunta ako sa likuran ng biglang nakita ko ang papa ko...Medyo nasa malayo siya....Nakita ko na yong favorite niyang damit suot nito at meron pang saklay...Dahil sa tuwa ko ay tinawag ko yong kasama ko habang nakatingin ako sa papa ko at sinabi kong nag pakita sa akin ang kaluluwa ng papa ko....pero bakit kaya tiningnan lang ako ng papa ko at medyo malungkot ang mukha nito....at umalis na palayo....umiyak ako at hinabol ko siya....ng biglang magising ako.......Panaginip lang pala ang lahat pero bakit pagising ko ay umiiyak din ako...Ramdam ko yong pagkamis at sakit na kahit sa panaginip ay hindi ko man lang nayakap ang papa ko....**Sana totoo nalang**..
Ito nga ako ngayon nagising na nangungulila sa ama....But thank you sa aking panaginip dahil sa wala ako ngayong maitopic eh ito yong naisip kong itopic ngayon.hehehe
***Thank you so much sa aking mga readers,upvoters,commentors and syempre sa aking mga sponsors...****.*
Published
November 21,2021
❤️Buhayexperience
Pasensiya na at ngayon lang ulit nakapag open Ng read.cash....sana bukas makapag sulat na ulit ako...super nag susuffer pa po ako ngayon ng sakit ko sa dibdib..kailangan ko pa ng kunting pahinga...By the way sobrang natutuwa po ako ngayon dahil pag open ko ng read.cash ay nakita ko na may bagong sponsor sa akin..Thank you so much @Ling01....salamat sa tiwala po..
Hindi ako makapagsulat ngayon...Ilang days na din nag susuffer ng sakit at ngayon hindi talaga makapag isip ng isusulat..pasensiya na po mga ka readers...need lang muna magpahinga
Wow maraming salamat po talaga @BCH_lover for renewing your sponsorship to me...God bless po .
Ang hirap ng gusto mong tumulong pero wala kang maitulong
**Para sa may mga busilak na puso**
Ngayon lang ulit ako nakagawa ng article..Medyo pigkalma ko lang kahapon yong mga nararamdaman ko...
Ilang days sana akong sumubok mag plano para sa bakuna...pwede kasi yong walk in malapit din sa lugar namin kaso ewan parang ang daming sagabal na parang nagsasabi na huwag nalang ako tumuloy.......
Nong paalis na sana kami ng ate ko ng biglang madisgrasya ang 2yrs old niyang anak..Natusok ng pako sa ulo at sobra yong buhos ng dugo...Dahil sa kakulitan eh pumunta sa ilalim ng lababo kaya lang nong tumayo ito ay meron palang nakausling pako dahil gawa lang ito sa mga bamboo....ang pinag woworry lang namin ngayon kasi walang-wala ngayon ang ate ko para sana magpa bakuna ng anti titano..ang mahal pa naman yon sa tulad namin na hirap din sa buhay...Naalala ko nong napako din yong paa ko mahigit 1700 pesos din yong nagastos ko noon kasi after 2days ay para na akong nilalagnat at nag mamanhid na yong katawan ko..Natakot ako,sa awa ng diyos ay may tumulong sa akin sa gamot.....Kaya ngayon ay super nag aalala kami sa pamangkin ko...Yong tumutulong sa ate ko ay kakagaling palang din sa operasyon dahil may bukol sa tiyan kaya wala talaga sila ngayon na maaasahan.....Yong asawa ng ate ko ay isa lamang na nag lalabor,gumagawa ng hallowblock pero dahil sa laging umuulan ay hindi nakakapag trabaho dahil nababasag lang yong hallowblock....at sa 5 na anak tapos may bunso pa maliban don sa nadisgraya na umiinom pa ng gatas ay talagang ang hirap ng buhay.....Ang hirap ngayon pumasok ng hospital dahil kinakailangan muna ng swab test at ang hirap kumilos kapag wala kang hawak na pera.....Sa ngayon tanging ginamot palang sa bata ay yong dahon ng malunggay at pinainom ng antibacterial.....
Hindi ko na nakuhan yong mga pangyayari dahil kahit ako ay natulala na din at hanggang ngayon ay kahit sa pagtulog ay nahihirapan ako......Yong tipong gusto kong tumulong sa ate ko pero wala akong magawa kasi kahit ako ay problema din yon pera........Kaya naisip kong sumulat dito baka sakaling makatulong ako sa pamangkin ko....
***Maraming salamat po lagi lalo na sa aking mababait na sponsors....Sa nag renew ulit kahapon at lubos na naniniwala sa akin..Thank you so much po...***
Sa aking mababait na mga readers,upvoters,commentors,thank you so much...
Godbless po and more blessings sa inyong lahat...
Date published
November 14,2021
4:12Am
Philippines
❤️Buhayexperience
Ang hands naman ng gising ko ngayon.Thank you so much sis Bloghound for renewing your sponsorship...And sa bago Kong sponsor si @ tired_momma..thank you so much po talaga...God bless po..
Ano kaya yong ingay sa bubungan namin
Kagabi wala talaga akong gaanong tulog..ewan ko kung ano yong maingay sa bubungan kasi namin..Parang may naglalakad na tao..Ayaw ko naman lumabas at napaka dilim na.....Medyo malayo kami ng kunti sa kapitbahay at maraming punong kahoy ang nakapaligid kaya sa gabi ay nakakatakot talaga..
Ang ipinagtataka ko eh tatlo ang aso na alaga ko pero ni isa eh wala man lang na kumakahol....
Tiningnan ko ang mama ko sa kwarto..baka kaku inaaswang na ito dahil maysakit.Pero ok naman ang mama ko tulog na tulog...
Siguro inabot na ako ng 1am ay hindi na talaga ako natulog.....kaya kinaumagahan ay tulog ako dahil na din sa sakit ng ulo......
Tapos ngayon parang ayaw kong matulog kasi pano kung aswang nga yon....May narinig pa naman akong huni ng tiktik......
Siguro kong wala akong experience sa aswang baka isipin ko na pusa lang yon...Pero talagang tao yong mga apak na naririnig ko.....
***Kayo mga ka readers?May na experience na din po ba kayo ng tulad nitong kwento ko?Diba nakakatakot?Mabuti na lang sana kung araw....hehe***
By the way nais ko lang pasalamatan ang aking mga readers,lalong lalo na ang aking mga sponsors na mababait,ang aking mga upvoters,,commentors....at mga subscribers....
published
November 10,2021
❤️Buhayexperience
Umurong sa vaccination
Thanks god at malapit lang dito sa amin yong lugar for vaccination...Pwedeng-pwede kahit lakarin lang....
Malayo palang ako ay natatanaw ko na yong mga naka park na mga sasakyan.....
Ang nakakatawa kasi naglalakad pala ako ng hindi ko sinusuot yong face mask.....Feeling ko kasi mukang mamamatay ako sa face mask ang hirap makahinga.hahahahah.......Tapos tumigil sa akin yong sasakyan ng pulis...tiningnan ako.....Naku akala ko huhulihin ako....Hahahaha....Natawa nalang yong pulis sa reaction ko kasi sabay kuha ako ng face mask sa bulsa ng bag ko...
Pagdating namin sa area ng pagbabakunahan ay talagang super tao....Ang available na vaccine nalang ay xinovac.....Ayaw ko naman ng xinovac....Naubos na daw kasi yong phizer...Feeling ko kasi baka hindi kayanin ng katawan ko yong xinovac kasi maysakit ako...Binibigay daw sana yong phizer sa mga senior citizen at yong may mga karamdaman kaya madaling naubos.......Binigyan sana ako ng form ng xinovac pero hindi ko ako nag fill up dito...
Dahil sa ubos na yong phiser ay umuwi nalang ako....Parang pumunta lang ako don para mag picture at excited umuwi para gumawa ng article sa read.cash.hahahah
**Final thoughts**
***Kailangan pa din natin magpa bakuna....Kasi kailangan po yan ng ating katawan...Pero siguraduhin din natin na relax at ready tayo for vaccine para malabanan natin yong mga side effect nito...***
`Thank you so much to all my sponsors,readers,commentors and subscribers for always supporting me..godbless us all..`
Published
November 9,2021
original photos
❤️Buhayexperience
Tipid load for globe user
Globe user po ba kayo?Wala ba kayong wifi sa bahay at data lang ang gamit niyo sa pag iinternet??Kung oo,sa mga hindi pa nakaka alam nito..I think makakatulong po ito sainyo...
Dahil data lang ang gamit ko sa pag iinternet ay kailangan ko talaga magpaload every week or after 3days...Globe sim kasi ang gamit ko kaya para makapag internet ako...Kapag kapos sa budget go50 lang ang niloload ko..good for 3days lang..Nasa 5gb na din yong data niya kaya lang after 3days expired agad ito and super nanghihinayang ako kasi minsan may tira pang 2 or 3gb nasasayang lang.....Kaya minsan don nalang ako sa Go70 or 90 para 7days na....Nasa 8gb na din siya tapos may 1gg free wifi pa.....Pero dahil hindi naman ako gaanong nanunuod ng youtube paminsan-minsan lang at focus ako sa mga pwedeng pagkakitaan,like premise,read.cash..etc....ay laging may tirang 5 or 6gb data....Tapos ayon na nga expired ulit after 7days....Paload ulit ako......So naisip ko super magastos na ako sa load at halos yong kita ko dito ay napupunta lang sa load......
Then naikwento ko nga ito sa aking bestfriend na super adik talaga siya sa noise.hehehe.....Nong time na yon meron daw na nag share sa noise.cash about sa mga globe user para daw makatipid sa load.......Then sinubukan ko nga kung paano and dahil don ay nakaipon na ako ng 44gb data at kahit nga ako ay nahihirapan ng maubos yong load ko..hehehe..Dahil hindi naman ako kuripot ay nagpapa hotspot nalang ako para makatulong sa mga walang load dito sa amin..heheh.....At dahil gusto ko din makatulong sainyo ay naisipan ko na din ishare ito...
**How???**
Halimbawa magloload ka po ng Go90...meron na siyang 8gb for data.....1day before ito ma expired ay icheck niyo po ang data balance dial*143#....Siguro alam niyo naman po yan...tapos kapag may tira pa kahit 4gb.ay extend niyo po ito....kailangan niyo po mag registered sa GOSURFBE34 send 8080...Magpapaload ka lng ng regular 34...Ikaw na po yong mag reregistered...Kung makikita niyo po sa baba...November 4, yong expired ng load ko dahil madami pa nga ako na data...ay extend nalang ako ng extend...34Pesos lang ang niloload ko good for 15days na siya...Nov.3 palang ay nag extend na ako para hindi ko siya makalimutan at para hindi ma expired..
Then Nov.5 na ako nag check ng data balance...at ayan na nga po...Basta 1day before ma expired dapat naka extend na po siya for 15days..Kung halimbawa hindi pa tapos yong 15days tapos naubos na yong data niyo..Pwede kayo ulit magload kahit go50 or go90 hanggang sa makaipon po kayo ng data..At sigurado super tipid na po talaga...
`Sana naintindihan niyo mga ka readers yong article ko.heheheh..at nakatulong.`..
Published
November 06,2021
❤️Buhayexperience
Thank you sir@BcHouseVe for sponsoring me...
Extra income?I hope makatulong po ito
Para maiba naman ang article ko ay nais ko lang ishare sainyo ito at sana ay makatulong at extra income na din kahit papaano....
Sino ba ang nakaka alam ng **Premise App**??Sa mga hindi pa nakakaalam ay nais ko lang ibahagi sainyo na legit po ito..Walang invite po kayong gagawin..Walang ilalabas na puhunan....Actually bestfriend ko ang nagturo sa akin nito na natutunan niya din sa isang friend...Sinubukan niya din at ibinahagi sa akin..Kaya lang nauna ako sa kanya mag cashout kaninang madaling araw lang..1week din kasi siyang hindi nakapag premise dahil sa nagkasakit siya..
**Ano ba ang Premise App?**
Sabi ko nga kanina ay walang invites,or maglalabas ka ng puhunan...Survey lang ito...lahat ng sagot mo ay tama at walang mali..meron naman na pag pipilian..
Yan po ang premise app at pwede niyo po idownload sa play store...
Kapag meron ka na po nito..click mo lamang po itong premise app at lalabas yong survey...actually everyday meron na survey task at kailangan mo yon gawin at pakatapos noon ay mag aantay ka nalang ng 24hrs for payment...sa una naisip ko ang tagal naman...pero sinubukan ko....Ang maganda dito kasi hindi mo kailangan magkaroon ng mahabang time.pag nasagutan mo na pwede mo nang ewan another day na naman siya...Or kung nalilito kayo sa explanation ko pwede naman po kayo magsearch sa youtube.heheh
***Every task ay 2 pesos..meron din na 10pesos...Mas mabuti na po yan kisa sa wala.hehehe..***
Ito yong super na excite ako nong malapit na ako mag cashout...Kaninang madaling araw alam ko na naabot ko na yong minimum para makapag cashout....Ang pinili ko yong mobile top up for cashout.....or regular load...Ito yong first time ko na cashout sa premise....Sa wakas hindi pa 1mins dumating agad sa akin yong load....Nawala yong antok ko kanilang madaling araw dahil sa tuwa ko dahil legit pala talaga siya....Hindi naman siya kalakihan pero atleast malaking tulong na din...I hope na makatulong din po sa inyo mga ka readers...
Ito sa baba yong proof na nakapag cashout ako kanina....
Actually malaking tulong ito sa akin ngayon dahil malapit na talaga ma expired yong load ko.hahahah.Sakto yong pag cashout ko sa premise....
Sa mga willing po dyan subukan niyo din po itong Premise App..Wala akong ibang maisip ngayon na article,lagi nalang malungkot so naisip ko bakit hindi kaya itong na experience ko kanina...Atleast nakatulong pa ako..heheh
To all my generous sponsors..thank you so much for always supporting me....godbless
Salamat sa aking mga readers,upvoter,commentors....
Published
November 5,2021
❤️Buhayexperience
Itutuloy ko pa ba o hindi na?
Tumawag ako kaninang umaga sa aking bestfriend..Ganon kasi kami kapag may sasabihin,kung meron naman na pang call doon nalang ako sa call kisa txt para hindi ngalay sa kamay..hehehe..Ayon na nga sa pag-uusap namin ay nabanggit ko nga sa kanya yong schedule ng aking bakuna......Medyo nag worry siya kasi kakagagaling niya din lang sa labasan para bumili ng almusal...Habang naghihintay ng tindera ay may nakasabayan din siyang bibili at dahil kilala niya ito ay nag-usap daw sila....At nabanggit din nila yong bakuna...
Habang nag-uusap sila about sa bakuna ay nabanggit ng kausap ng bestfriend ko na takot daw siyang magpa bakuna dahil nga merong bukol sa breast..Umaataki daw ito lalo na kapag stress...Para daw tinutusok yong kanyang dibdib....Pina tingnan na nga din sa doc at ang payo din daw ay operasyon....Pero dahil takot din daw ito magpa opera ay umiinom nalang ito ng mga herbal......Isa din sa kinatatakutan niya ay ang magpa bakuna dahil sa kanyang karamdaman......May nakapag sabi din daw kasi dito na baka yon pa daw ang ikamatay niya dahil hindi biro ang kanyang sakit...
Naikwento ko po ito sa inyo dahil pareho po kami ng sakit sa dibdib.......Nong ikwento po ito sa akin ng aking bestfriend ay medyo nag worry din po ako sa aking kalusugan...Lalo na po ngayon na malapit na araw para sa aking bakuna....
Sa isip ko ay ayaw ko pa sana magpa bakuna dahil nga sa aking nararamdaman subalit ang hindi daw magpabakuna ngayong darating na November 9,2021..ay may pipirmahan at ang nilalaman nito ay ayaw daw namin magpabakuna at ipapasa sa aming Mayor...
***By the way thank you so much po sa aking mababait na sponsors na patuloy pong naniniwala at sumusuporta sa akin...***
**Question ko po???**
`Sa mga nakabasa po nito at may experience na po sa covid vaccine,,kumusta po yong kalusugan niyo?Tama po ba kaya na itutuloy ko ang pagpapabakuna sa kabila ng aking karamdaman?`
Salamat sa oras at sa mga nakapansin ng aking artikulo...Godbless po..
Published
November 04,2021
❤️Buhayexperience
Tiwala at laban lang
Nong mga nakaraang araw ay halo-halo ang aking nararamdaman kaya siguro mas lalong sumakit ang ulo ko.......
**Stress**
Kapag stress talaga asahan na natin na kahit katawan natin ay super apektado..Actually sino ba naman ang gustong mag stress,kahit naman ako ay ayaw ko yon..Kaya lang may mga bagay talaga na kahit anong iwas mo ng stress ay talaga naman ma eestress ka...
**My Pamangkin**
Maliban sa anak ng kuya na namatay na meron pa akong isang ampon yong anak ng kuya kong naaksidente sa una niyang asawa...Dahil sa nag-asawa ulit ang kuya ko ngayon ay iniwan sa amin ng mama ko yong anak niya sa unang asawa.....Pasaway din kasi yong nanay at nadakip mismo ng kuya ko sa bahay na may kinalulukuhan kaya ayon kawawa yong bata.......kaya lang itong pamangkin ko ay minsan may pinagmanahan pa rin sa ugali sa nanay niya..Dahil nga sa bata pasaway masyado..feeling ko kahit isa lang ang anak ko feeling ko ang dami kong anak...
**Mama ko**
Yong mama ko naman tuwing lalapit ako at kinukumusta ko siya..Walang ibang sinasabi kundi namamaalam na..Huwag daw kami mag-away-away na magkakapatid kasi tatlo nalang daw kaming naiiwan..Masakit man daw sa pakiramdam niya ang mawala dahil ayaw niya daw kaming ewan pero parang hindi na daw siya magtatagal...
Minsan kapag feeling ko susuko na ako...pumupunta ako sa bahay ng bestfriend ko para naman makapag relax at makapag isip ng tama..At minsan gusto ko din magpahinga kahit isang araw lang...Kasi kahit napakalas natin minsan bumibigay na din.....
Sa araw-araw na pagsubok na ibinibigay sa akin ng diyos alam kong malalampasan ko ito basta ayaw ko lang ng ganito na nagkakasakit na din ako sa dami ng iniisip at obligasyon na ibinigay ng diyos sa akin...But nagpapasalamat pa din ako kasi hanggang ngayon andito pa din ako.....Sabi nga nila..hindi daw tayo bibigyan ng pagsubok kung hindi natin ito malalagpasan at makakaya....Lagi ko nalang iniisip na merong mas mahirap pa na pagsubok kisa sa akin pero nalagpasan nila..sa akin pa kaya....Kapag naiisip ko yon mas lalo akong tumatapang at nagpapakatatag....
Thank you so much sa aking mababait na sponsors....at sa patuloy na pag support po sa akin...
**Final thoughts**
Ang stress ay part na ng ating buhay sa araw-araw..Ang gawin nalang natin ay tulungan at libangin ang ating sarili para makalimutan natin ang problema kahit paminsan-minsan...
Sa aking mababait na readers,upvoters....sponsors and commentors...Thank you so much for always supporting me...godbless us all..
Published
November 3,2021
❤️Buhayexperience
Pasensiya na po at hindi ko na naman nabasa agad mga articles niyo mga ka readers....paguwi ko super sakit na naman ng ulo...gusto ko ng matulog ng maaga.sana ok na din bukas...
Isang araw nalang ay halloween na
Parang ang bilis ng panahon,,parang kailan lang...Malapit na pala isang taon na hindi namin kapiling ang papa ko....Sana kasing bilis din ng panahon yong sakit na nararamdaman ko para mawala agad at makapag move on...
Habang nasa puntod ako ng papa ko at nagsindi ng kandila...Hindi ko mapigilan yong pag-iyak habang pinagmamasdan ko na tumutulo yong kandila..Naalala ko yong sinasabi ng matatanda na kapag daw madaming luha yong kandila ibig sabihin umiiyak din yong namayapa....
Habang kinakausap ko ang papa ko..Yong feeling ko andyan lang ang papa ko sa tabi ko..Bigla akong nakaramdam ng panlalamig ng katawan..Feeling ko niyakap ako ng papa ko at sinasabing ok na siya kung saan man siya naroroon....
Hindi ko maiwasan na maalala yong mga good memories namin ng papa ko habang nasa harapan niya ako........Isa sa mga naalala ko yong pangarap ko nong bata ako na makasakay ng kalabaw habang naglalakad ito..Dahil sa may alaga na kalabaw ang papa ko ay kapag nagpapastor ang papa ko nito..ay lagi nya akong isinasakay at sobrang saya ko.....Nong malaki na ako sa tuwing humihingi ako sa kanya ng buko agad naman siyang kumukuha para sa akin sa apo niya....Sa tuwing galing ako sa trabaho pag-uwi ko agad akong tatanungin ng papa ko kung meron daw akong bente pesos dahil bibili daw siya na sigarilyo.😅😅😅Nakakamis talaga yong mga moment na kahit kailan ay hindi na pweding maulit.....Kilan ko kaya matatanggap na wala na ang papa ko...Hays.....
Maraming salamat sa aking mababait na sponsors..At sa mga gusto silang makilala ay maaari niyo din pong bisitahin ang kanilang mga accounts...
`Isang araw nalang at halloween na....Ngayon bawal ng pumasok ng sementeryo dahil sa sitwasyon natin...kaya sobrang nakakamis din yong mga time na pwede tayong dumalaw sa kanila every halloween..Madaming tao,at may kanya -kanyang dalang pagkain.....Sayang nga lang at sa unang taon ng papa ko ay hindi namin siya masamahan.....`
Thank you so much sa aking mga readers..sa walang sawang pagbabasa ng aking mga artikulo kahit na nakakaiyak.heheh...
Published
october 31,2021
original photos
❤️Buhayexperience
Kung napapagod ka na,magpahinga ka lang pero huwag kang susuko
Hindi ko alam kung ano ang tawag sa nangyayari sa akin..Feeling ko bawal sa akin ang magalit or emotional..Kaso pano yan minsan talaga hindi maiiwasan..Abnormal na ako niyan kung walang pakiramdam.....
Kahapon pumunta ako sa bahay ng bestfriend ko...Kwentuhan about sa nag-away kami ng partner ko...Syempre open ako lagi sa bestfriend ko...Actually kaya ko naman ihandle ang sitwasyon dahil sa mga nangyayari sa akin lalo na sa past ko..yong nangyayari ngayon parang sisiw nalang daw sa mga pinagdaanan ko sa buhay...
Kahapon din habang naglalakad ang bestfriend ko ay di sinasadyang naapakan niya yong paa ko..Bakit daw ang lamig ng paa ko..Ang sabi ko nalang ang lamig ng panahon kasi ayaw kong mag wory din siya sa akin pero ang totoo..medyo mahadpi na talaga yong dibdib ko...yong sa parting kaliwa...
Noon nagpatingin ako dati sa isang doc...Ang sabi saakin may maliit na bukol daw sa aking dibdib at kailangan daw na maoperahan....Kaya lang mas natatakot ako sa operasyon.heheh..Isa pa saan ako kukuha ng malaking pera....Nasanay ako na ako yong hinihingan ng tulong..Mas inuuna ko yong pangangailangan ng mga mahal ko sa buhay bago ako....Minsan nakalimutan ko na din yong sarili ko na may sarili din palang pangangailangan.....Pero matitiis ko ba sila na alam kong sa akin lang sila kumukuha ng lakas...Hindi ako nakakapag kwento sa kanila about sa health ko kasi sila yong unang nagkukwento about sa health nila..So ayaw ko ng madagdagan pa ang iniisip nila kaya kinikimkim ko nalang.....
Hanggang paguwi ko kahapon galing sa bestfriend ko...masakit na talaga pero ang galing ko magtago kasi alam ko na ang dami ko pang gagawin pag-uwi...Aasikasuhin ko pa ang mama ko na maysakit....magluluto pa ako ng hapunan namin...Yong feeling na wala kang choice kundi huwag magreklamo dahil ang dami mong obligasyon sa buhay....
After ko makapagluto ng hapunan ay pinakain ko nalang ang aking anak at hinilamusan,pinalitan ng damit...Tapos iniwanan ko na yong kusina..Hindi na ako nakapag hugas ng pinggan dahil alam kong hindi ko na kaya....
Hindi na rin ako nakapag hapunan dahil nawalan na din ako ng appetite.....7am ng gabi inayos ko yong higaan namin.....Siguro mga quarter to 8pm at nakaramdam ako ng antok...Sa isip ko thanks god baka makatulog na ako at mawala na yong pain na nararamdaman ko sa dibdib ko...
Nasa mahimbing ako ng pagkakatulog ng bigla akong magising dahil sa sobrang sakit nito...Yong parang may tumusok sa akin na karayom sa loob ng dibdib ko na super sakit at kahit tulog ako ay ramdam ko yon kaya nagising ako at wala akong ibang nabanggit..ouch.....hindi ko talaga napigilan na hindi mag react...Akala ko yon lang yon...pero hindi pala.....Yong sakit niya yong putol-putol at magugulat ka nalang bigla...Gusto kong itulog nalang pero ginigising pa din ako ng sakit..Para akong kinukulam na hindi ko maintindihan....
Siguro mga 10pm na at hindi pa din nawawala yong sakit kaya bumangon na ako para maghanap ng kahit anong gamot na pwede sa akin....Mabuti nalang at may stock ako na mefenamic...naisip ko baka kako pwede ito kasi pain reliver naman siya....Kumuha ako ng tubig at uminom ako ng mefenamic..
Mga bandang 12midnight na pero ganon pa din ang nararamdaman ko..Naisip ko magtx sa bestfriend ko pero naisip ko din na huwag nalang kasi mag-aalala yon at baka pati siya ay hindi din makatulog...Galing palang naman pati yon sa sakit....so ang ginawa ko nalang para malibang ako ay naglaro ako ng tong8s game online....Baka kapag nalibang kaku yong utak ko hindi ko na maramdaman yong sakit..
Sa una medyo nalibang nga ako..mabuti nalang at medyo ok yong signal...hanggang sa nag loading ulit mas lalo tuloy sumakit yong dibdib ko kasi na stress na naman ako..
Hindi ko na talaga mapigilan yong sakit...umiyak ng umiyak nalang talaga ako..panay yong panalangin ko kasi alam kong sa mga oras na yon siya lang ang makakatulong sa akin..Halo-halo na din yong nararamdaman ko kasi feeling ko mag-isa lang ako sa mundo.hehehe..Hanggang sa napagod ako at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako...siguro 3am na ata yon kanina..
Thank you so much sa aking mga mababait na sponsors...Yong mga gustong bisitahin din po sila click lamang po ang kanilang account..
This morning
Pagising ko ngayon medyo masakit pa din at super antok ko pa..kaya lang yong mama ko nagugutom na at gusto ako magluto ng gulay....Sabi ko sa mama ko"sabi ko maya na ma dahil magrerelax muna ako dahil masakit ang dibdib ko..Ang sagot ng mama ko"so pano na tayo??..Oh diba wala talaga akong choice kundi ang bumangon at huwag isipin na may sakit ako....Buhay is life nga naman.heheh...Nakakapagod nga ang buhay pero ang importante kung kailangan mong magpahinga,magpahinga ka lang but huwag na huwag kang susuko...
Maraming salamat po sa aking mga readers,upvoters,sponsors and commentors..godbless you all..
Published
october 30,2021
❤️Buhayexperience
Thank you so much sissy@sweetiepie for renewing your sponsorship...godbless po..
Baby dress making
`Nong bata po ba kayo,ano ba yong hilig niyong paglaruan?especially for girls?`
Sa mga kabataan ngayon,,kadalasan na nakikita ko bukod sa mga gadgets,,meron pa naman akong nakikita na naglalaro ng mga dolls....Pero ako nong bata ako never ko yon na experience...Mahirap lang kasi kami at hindi pa non afford ng mga magulang ko yong mga ganyang toys..Sasabihin nila sa akin na sayang ng pera....Pagkain nalang daw yong ibili para mabusog ako.heheh...
Kahapon bago ako umalis ng bahay..sabi sa akin ng anak ko na ibili ko daw siya ng barbie kasi para may kalaro daw siya....Naiintindihan ko naman kasi nag-iisang anak ko lang siya at walang kalaro na mga kapatid....Kaya sabi ko,,ok sige basta lagi siyang mag-aral ng mabuti at palaging good girl.heheh..Tsaka naisip ko din na ayaw ko ng maranasan ng anak ko ngayon yong naranasan ko noon....
Kaya dumaan kami ng bestfriend ko sa isang store kung saan madaming laruan na pagpipilian...Bukod sa magaganda na eh mura pa.....Yong napili kong bilhin ay yong may mommy at baby na...Pag-uwi ko sa bahay yon agad na pasalubong ko yong hinahanap sa akin ng anak ko......Nong ilabas ko ito...Nako sobrang tuwang-tuwa sa akin yong anak ko....Sa sobrang tuwa niya ay hinalikan niya ako sa pingi at sinabing thank you mama....Maya-maya pumunta siya ng kwarto....Akala ko kung anong ginagawa niya.....Sa una nagalit ako nong makita ko kung bakit niya pinutol yong kanyang pajama...6yrs old na kasi siya at marunong na din gumamit ng gunting......Tinanong ko siya kung bakit niya pinutol yong kanyang pajama...Ang sagot niya gusto niya daw itong gawing shorts at nagpa ikot-ikot pa sa akin at sinabing ang sexy niya.hahahahh.Naku natawa nalang ako...
Tapos yong tela na pinutol niya,,ang akala ko ay itatapon niya..hindi pala may gagawin daw siya..Ito na nga ang una niyang ginawa..hinubaran niya yong kanyang barbie at yong tela galing sa pajama niya ay ginawan niya ng palda yong barbie😅😅
Sa sobrang busy ko ay hindi ko na napapansin na may talent din pala ang anak ko na ngayon ko lang nalaman...hehehe...Ang sunod na ginawa niya ay gumuhit siya ng dress doon sa tela tapos saka niya ito gugupitin....Nakaka proud bilang isang nanay dahil kahit nga ako hindi ako nag ka idea na gawin yon...hahaha
Hinahayaan ko lang siya....mas mabuti na yan kisa kulitin na naman ako ng cellphone..hahaha
*Thank you so much po sa aking mababait na sponsors na always naga support po sa akin...*
Nang matapos na niya yong mga design na gusto niya...Ito na nga super busy na siya sa pagsusuot sa kanyang mga dolls..😅😅
Kahit medyo nahihirapan siyang isuot,sige lang ayaw magpatulong sa akin.hahah
**Final thoughts**
Kapag alam natin na para naman sa ikakabuti ng ating anak...suportahan nalang natin ito....mabuti nalang at binigay ko yong hiling niya na dolls....kasi dahil sa dolls ay narealize ko na may kakayahan pa pala ang anak ko na hindi ko alam..heheh
Sa aking mga readers,sponsors,upvoters and commentors..maraming salamat po.....pasensya na at naging busy ako nong mga nakaraang araw....
Published
October 28,2021
Original photos
❤️Buhayexperience
Aasawahin daw ako ng engkanto
Hindi ko alam kung totoo or tinatakot lang ako ng isang manggamot....
Nong dalaga ako siguro mga nasa high school ako ay lagi akong nagkakasakit doon sa bahay ng amo ko....Nag woworking student kasi ako nong time na yon...Kaya lang dumating sa point na parang kakaiba ang aura/ambiance ng bahay nila..Feeling ko may something na nakatira....Seperate kasi ang higaan ko sa ibang kasamabahay...Solo lang ako at minsan talaga kapag nakatihaya akong matulog feeling ko may biglang papatong sa akin na isang napalaking lalaki kasi medyo nabibigatan ako..Pero hindi ko siya makita dahil nakapikit ako pero alam ko sa sarili ko na gising na gising ako...Nilalabanan ko kaya lang parang pinipigilan ang buong katawan ko.......Kinabukasan niyan ang sakit ng ulo ko tapos nilalagnat ako...Kapag pumupunta ako ng albularyo pag-uwi ko magaling na ako kahit hindi pa ako umiinom ng gamot.........Ito ay base sa nangyari sa akin at sa paniniwala namin....Nererespeto ko po yong mga hindi naniniwala sa mga albularyo kasi po may mga kanya-kanya naman tayong paniniwala......
Every week nangyayari yon sa akin at isang albularyo lang ang pinupuntahan namin....Habang nanggagamot sa akin yong albularyo tinitigan niya ako sa mata......Ang sabi niya sa akin..."Alam mo bebe nanganganib ka"Sabi ko naman bakit po lola?Matanda na kasi yong mangggagamot na yon....Sabi ulit ng lola sa akin...Feeling ko mukhang aasawahin ka nitong engkanto kasi hindi ka tinatantanan.....Dapat saiyo mag asawa na sa maagang panahon...Sabi ko naman naku hindi naman siguro.....Pero natakot ako sa sinabi ng manggagamot...
Pag-uwi ko sa bahay ng amo ko naikwento ko yong sinabi sa akin ng manggagamot..Narinig yon ng mama niya na lola na talaga..Siguro more than 70 na din yong edad pero malakas pa ito kung tingnan..Mayaman kasi.....Naikwento sa akin na noon daw meron silang katulong na wala ng pamilya at parang sila na yong kumupkop.....Lagi daw yon nawawala..minsan nga daw 3days na hindi umuuwi..nag-alala sila at ipinahanap nila pero wala namang nakakita..Isa pa alam nilang wala na itong kamag-anak.....Nong bumalik panay daw ang kwento sa kanila kung saan siya nanggaling......Sabi ng kanilang katulong...Lagi daw siyang binibisita ng kanyang manliligaw at isinasama sa bahay nito..Sobrang ganda daw ng bahay na pinupuntahan nila ala paraiso daw..Tapos pinapakain daw sila ng ibat-ibang uri ng prutas....May kanin daw na ang sarap..kumain naman daw siya.....Tapos kwento pa ng katulong na yong malaking gagamba daw na nakikita nila..yon daw yong manliligaw niya..Minsan itinituro pa daw ito sa kanila....Minsan napapag kamalan daw nilang baliw kasi kung ano-ano nalang pinagsasabi..Hanggang isang araw daw tuluyan na itong nawala....At ang kanilang mga haka-haka ay sumama na ito sa isang engkanto....
Pagka kwento sa akin ng mama ng amo ko..para tuloy akong kinabahan...What if totoo nga ito..pero bakit sa akin naman ay lagi nalang akong nagkakasakit...
Kaya tuwing nakakakita ako ng malaking gagamba natatakot talaga ako....tulad kagabi habang nagluluto ako sa dirty kitchen namin...
Itsura palang talagang nakakatakot na....by the way balik tayo sa topic.....
Siguro mga 17yrs old palang ako ay nagkaroon na ako ng seryusong boyfriend...Pero hanggang biso-biso at hawak kamay lang kami noon...Iba pa kasi noon ang mga kabataan hindi tulad ngayon na ang daming alam...........Medyo natigil yong pagkakasakit ko...Kaya lang after 1yr niluko lang ako...heheh
Nong 19 yrs old ako ay nag-asawa na ako na hindi ko man lang pinag-isipan.heheh.Tumatak kasi sa akin yong sinabi ng manggagamot sa akin.......Kaya lang ang tagal namin bago mabigyan ng anak at bumalik na naman yong kinatatakutan ko....Minsan 7months hindi ako dinadatnan ng dalaw ang akala ko buntis ako...Kapag nagpapacheck-up ako ay ok daw sabi ng doc..at kailangan ko daw magpa ultrasound...Pero negative ang result ng ultrasound at kinabukasan kapag nalalaman ko na ay automatic,,dinudugo ako...
By the way thank you so much sa aking mababait na sponsors....
Pasensiya na mga ka read.cash kung ngayon lang ulit nakapagsulit...
Thank you so much din sa aking mababait na readers,upvoters,commentors,..godbless you all..
Published
October 27,2021
❤️Buhayexperience

Super pagod na po..kakauwi ko lang kasi..And bukas balik na naman ako sa puntod ng papa ko at mga kapatid ko...Bukas nalang po ulit mga ka read.cash....good night po sa inyong lahat..
Naku kailangan ko naman magmadali...Hindi ko tuloy matapos yong mga comments sa akin..at yong mga articles na binabasa ko pasensya na po..balikan ko po kayo..may aasikasuhin lang akong importante..
Makita kang muli
Akala ko nabawasan na yong hapdi na nararamdaman ko simula ng mawala ang papa ko...Akala ko kapag nagkita ulit kami ng papa ko sa puntod ay nabawasan na yong sakit na nararamdaman ko...Mali pala ako...
Habang papasok ako sa cemetery kung saan nakalibing ang papa ko ay unti-unting nanghihina ang katawan ko..........Ang naaalala ko,na ang huling pagdalaw ko dito sa cemetery ay nong libing ng papa ko na halos hindi pa nga isang taon ngayon nong ilibing siya.....Itong larawan ay yong huling tanaw ko sa mukha ng papa ko na labis labis ang aking pagluha dahil sa kanyang pamamaalam....
Ngayon naman ay ang muling pagkikita namin dahil walang ibang mag aasikaso sa puntod ng papa ko kundi ako....Binisita ko siya para malagyan na din sana ng pangalan ang kaniyang puntod......Hindi ko pa kasi napapalagyan dahil may mga pamahiin dito sa lugar namin na bawal daw bisitahin ng kamag-anak ang yumao hanggang hindi pa ito umaabot ng isang taon...Pero hindi ko din natupad dahil kailangan kong bisitahin ang papa ko bago dumating ang araw ng mga patay....
Hindi ako nakatagal sa puntod ng papa ko dahil nararamdaman kong pumapatak na naman ang aking mga luha...Para na naman akong binagsakan ng labis na kalungkutan...I hope na naiintindihan naman siguro ako ng papa ko..Nagpanalangin nalang ako para sa papa ko at umalis din...Umulan din kasi tsaka sabi sa akin ng bestfriend ko na yong papa niya nalang daw yong bahala sa maglinis,magpintura at mag lagay ng pangalan para daw hindi na ako mahirapan...And super thank you talaga sa kanila and sa bestfriend ko....
Maraming salamat po sa inyong lahat po lalo na po dito sa aking mababait na sponsors...
***Pagpasensyahan niyo na po lagi nalang nakakaiyak yong mga stories ko dito sa read.cash....Ang dami ko kasing pinagdadaanan na nakakaiyak...Sana balang araw yong masaya naman para maging masaya naman ang ma ishare ko po sa inyo...***
`Sa lahat po ng readers,sponsors,upvoters,commentors and sa aking subscribers..Thanks you so much po always...`
Published
october 25,2021
❤️Buhayexperience