read.cash Log in

@ElyzzBerttErynn

Joined 6 February 2021 · 3288 posts

120 KT

0 KT · 50¢ received · 0 KT given

Posts

E@ElyzzBerttErynn

First day of the new month! Wow ang bilis talaga lumipas ng bawat araw. Gulat ako! Sa isang iglap nakatapos na agad tayo ng first quarter. Magugulat na lang siguro tayo at BER months na ulit. 😅 Petsa de peligro naman ang mga stocks ko kaya eto ulit ang iluluto ko. Mackerel sinigang! Simula ng matry ko 'to at nagustuhan ng mga chikiting ko e di na nawala yan sa listahan ko. Matipid pero masarap! Mayroon pa naman akong natitirang pork meat dito pero tinitipid ko na para umabot pa sa next payday (5th of the mo.) Haha! Kailangan e mai-swak sa budget ang mga lutuin. Alam na alam yan ng mga momshies. Diba?! 😉

E@ElyzzBerttErynn

Nahirapan ako mag-isip kung ano lulutuin for breakfast para sa mga bata. Kami naman ni mister maagang nakapagkape at pandesal. Sumamba kasi kami ng madaling araw kaya pag-uwi nakaabot pa sa tindang "malunggay" pandesal kaya solved na! Extra challenge talaga ang pag-iisip ng iluluto sa araw-araw. Nakita ko ang pancake mix ko na dapat pang snack sana namin mamaya. Yan na ang niluto ko para maiba naman sa usual breakfast nila. Sabi ko sa mga chikiting ko mamaya na lang kami mag-rice. Magluto na lang ako ng maaga for lunch. Mukhang okay naman sila at inienjoy naman nila ang pagpress and mold ng shape sa pancakes nila. 😉 Isang mapagpalang araw sa ating lahat! 💚

E@ElyzzBerttErynn

Leftover (re-heated) chicken tinola from last night's dinner, sunny side up eggs and chicken nuggets for our breakfast. 😉 I dropped by at the nearest store around 7am (Yeah, the store opens that early.) because I run out of detergent powder and I need to do our laundry today for it is already piling up. Gabundok ika nga nila! And I can't afford to wait for another day to do it because it's gonna be supah dupah hard and tiring to accomplish. When I got back my kids are already awake and I haven't cook anything yet except for the rice. Good thing frying eggs and nuggets was too easy peasy to prepare. Saved by prito-prito! Lol! Good morning everyone! Have a productive day ahead and enjoy! 💚

E@ElyzzBerttErynn

Snack time for me and the kids! Preparing simple sandwiches with these spreads while I am still frying the french fries that my kids have been asking. Hehe. I am a bit late in my preparation because I did tried to have a super quick power nap but turned into long hours of sleep. And so the hanged clothes that I was supposed to fold while my kids were sleeping are still waiving "hi" and patiently waiting for me. Lol! Hot afternoon must be paired with hot coffee too. I will drink in front of the fan. Hoho!😆 Come and join us for snack. 💚

E@ElyzzBerttErynn

It's Monday and a start of a busy new work week! I woke up extra early today because hubby's work shift starts at 8am for this whole week. I managed to prepare his packed food and needed things. He is on his way to work now and praying for his safe travel. 🙏 Also done in preparing breakfast for me and the kids. I haven't had my cup of coffee yet but I will have mine after visiting here. Coffee is still my number 1 source of energy in the morning. Nothing changed! 😅 My kids are still sleeping and I need to wake them up because we need to finished their school module and activity sheets before lunch time. Their teacher is requiring us to submit pictures and videos preferably before lunch time and I am struggling to managed my time since I got two students. Happy that we can still comply at the submission time. 😉 Happy Monday everyone! Have a blessed day ahead. 💚 #NanayNaLumalaban

E@ElyzzBerttErynn

Chicken adobo for lunch! Kumain na po ba kayo? Sobrang init ngayon at parang masarap uminom ng malamig na malamig na juice or soda. Not recommended po ahh since much better parin talaga ang water. Kaya lang minsan di maiwasan talaga ang hindi mapacrave. Gusto ko din ng halo-halo! Ang sad lang nga at walang nagtitinda dito. Parang di makukumpleto ang summer ko ng di nakatikim nyan. Haha! Di baleng di makaswimming basta maka-ice cream or halo-halo. 😅 Di pa nagstart kumain pero dessert na agad nasa isip. Kaya lang waley talaga so back to H2O! Tara na pong kumain! 💚

E@ElyzzBerttErynn

Late na ako nakapagsimula ng labahin ko at nabusy din agad sa umaga. Pang second load ko pa lang sa washer kaya goodluck kung anong oras ako makakatapos. At habang nakasalang ang mga labahin e magstart na din ako magprepare ng snack ng aking mga chikiting. Nilagang mais na favorite ni Bertt at Erynn. Si Elyzz na lang ang iisipan ko ng mamemeryenda nya later. 😅 May free tutorial every Saturday kasi na binibigay ang teacher nila. Dahil nga di sya naiallowed ng school na magconduct ng F to F classes dahil di sya vaccinated kaya nag offer na lang sya sa mga parents ng tutorial at saka minsan may online na din. Sa akin e okay naman since 5 students lang naman per batch saka once a month lang siguro yan since iikot ang 44 students. Weekly din nagpapa-antigen test si teacher. Medyo nakakaawa din kasi from her own pocket na 'yung gastos nya. May discrimination na din na nangyayari dahil di sya bakunado which is di naman dapat. Katawan nya 'yun at may right naman sya kung ayaw nya diba. 🤔 Gandang hapon po. 💚

E@ElyzzBerttErynn

Grabehan ang araw ko ngayon! Simula pagkagising dire-diretso na sa mga gawain. Ngayon lang nakaupo at nakahinga dahil nakatapos na ang mga students ko. Nakapagsubmit na din ako kay teacher ng pics and videos ng modular lessons and activities nila. Pahinga lang muna ako habang sumisilip dito pero ang gawain ko sa kusina tambak talaga! Madalas talaga nakakahilo na pero laban lang! Kinakaya at kakayanin parin naman! 💪 Naku past 2pm na din pala at kailangan ko na din mag isip ng ipapameryenda naman sa mga junakis ko. Salamat talaga at medyo naeestablished na din yung study habit ng mga kaya medyo nabawasan na ang lagi nilang pagrereklamo sa paggawa ng module. 😂 Kamusta naman po kayo? 💚

E@ElyzzBerttErynn

Just done preparing our dinner, daing na bangus at ginisang repolyo with corned beef. Medyo late na ako nakapagluto kasi late na kami nagising ng mga chikiting. Napahaba ang tulog naming mag-iina kahit pa nga napakainit sa hapon. Nagpaligo pa din muna ako ng aking mga bebes. Kailangang maligo ng maligo at super init naman talaga kasi ngayon. Dahil naglate snack din sila kaya mayamaya parin kami magdidinner. Tamang iniready lang para mamaya e ready to eat na. Ako naman ang need ng makaligo bago pa mawalan ng water supply. Alam nyo na de-oras ang tubig namin dito. Gandang gabi sa inyong lahat!

E@ElyzzBerttErynn

Lahat ba talaga ng bunso ay talagang super lambing!? Tinawag ko si Erynn sabi ko iayos ko ang hair nya. Lumapit naman agad at umupo sa lap ko. At habang sinusuklay ko ang hair nya e ang litanya ng bebe, "You're the best best best best best best Mama." Di ko nga nabilang kung ilang BEST ang sinabi nya. Sino ba namang hindi kikiligin na after ko maitali ang hair nya e may hug at kiss pa akong reward sa kanya. Paano namang hindi ka magigiliw kapag ganyan diba?! Sana naman madala nya yang ganyang ugali hanggang sa paglaki nya. Sana walang magbago. Nakakasaya ng pus💚.

E@ElyzzBerttErynn

So happy and very proud mom here! 😍🙏 Parang gusto kong maiyak! Haha! Feeling graduating ba ang anak?! Sorry na agad! Top 1 si Elyzz and top 4 si Bertt sa kanilang klase. Sarap sa feeling na lahat ng effort ko sa pagtuturo sa mga anak ko e eto at natuto talaga sila. Plus factor na lang yang may ganyan silang achievement. Sa sobrang hirap ba naman magpamodule ng dalawang junakis lalo at may maliit pang laging naextra. Na halos sa maghapon ko para na akong trumpo para maipagsabay ang pag aaral ng mga bata sa aking mga gawaing bahay. Sobrang sulit sa lahat ng hirap at pagod. 😭🥰

E@ElyzzBerttErynn

Dito nagkakasundo ang tatlong junakis ko! Puro toyo kaya kapag tinoyo din e kainam nila! Haha! 😅 Pork adobo para sa aming pananghalian! Ang ulam na tanging napagkakasunduan nila. Kung pwede nga lang na adobo sa araw araw e. Pero di naman pwede! Kailangan at dapat ay balanseng diet. At dahil di sila pala-gulay e kailangan idaan din sa sabaw. Sa ngayon dito muna tayo sa magkakasundo ang kanilang panlasa at wala ng budget ang bulsa. Tara kain na! 🍽 💚

E@ElyzzBerttErynn

Nakaluto na ng ulam at waiting na lang ako sa sinaing. Hotdogs kay Elyzz, dried fish kay Bertt at "lava" eggs sa bunsong si Erynn. Kami lang namang mag-iina ang nasa bahay pero ang hinahanda kong pagkain sa araw araw e parang para sa maraming tao. 😅 Ganyan kapag magkakaiba talaga ng gusto. Kaysa naman hindi kumain at mas mamroblema pa ako. 'Yung mga matitira naman nila 'yun na ang para sa akin. Ang nanay ang tiga-ubos! Hehe. Tulog pa sila at mayamaya ko na sila gigisingin kapag luto na ang sinaing at ready to eat na. May samba sila ng 9am kaya need din namin magmadali. Aja! Gandang umaga nga pala sa inyo! Enjoy your FamDay! 💚

E@ElyzzBerttErynn

Naintriga naman ako sa mga snails ng anak ko. Sa pagkakaalam ko 4 lang ang snails nya, may 2 maliit at 2 malaki na. Tinawag ako ni Bertt tinuro sa akin 'yung big snail nya at may lumalabas na medium sized snail sa mouth nito! Shocked ako! Para syang nangananak kasi unti-unti nya nilabas yung snail. Una naisip ko baka kinakain nya 'yung dirt sa shell nung snail?! Pero hindi talaga e para talagang nanganak ng normal delivery yung eksena kanina. Haha. 🤔 At saka talagang nanggaling sa loob nya mismo! At based sa dating naobserved ko di naman sila ganun magclean ng dirt sa tank. Saka naging 5 na ang snails ngayon! Ano yun nanganak sya? Hindi ba eggs ang napoproduce nito? Nalost ako sa nawitness ko. Haha! Maigoogle nga! Baka mamaya dumami na sila ng dumami. 😱 P.S Screenshot ng video na nakuha ko kanina. Medyo nataranta kasi ako di ko nakuhaan agad. Tawang tawa naman ang mga anak ko. 😆

E@ElyzzBerttErynn

Ginataang gulay for lunch! Super fave ng aking nag iisang anak na lalaki. Kung titingnan mo at ikocompare ang built ng katawan nya sa mga kapatid nya e sya 'yung medyo payat. Pero napakagana naman nya kumain at di mapili gaya ng mga kapatid nya. Hindi siguro talaga sya tabain kasi sobra naman kasi sa likot. 😅 Hindi din sana ito ang lulutuin ko kasi kaming dalawa lang ang kakain pero kaysa naman masira at masayang ang stock kong gulay e niluto ko na. Hanggang mamayang hapunan na namin ito ni Bertt. Si Elyzz ko nagpa-open ng canned tuna at si Erynn naman ay nagpaluto ng egg. Hirap kapag picky talaga sa pagkain mas napapagastos. Pero sana naman talaga in the near future e matutunan ng mga bebe girls ko kumain ng gulay. 💚 Kumain na po ba kayo? Tara, kain na! ☺

E@ElyzzBerttErynn

Lunch time! Food is ready and served, tara pong kumain. 💚 Pork nilaga sa pananghalian! Mainit na sabaw sa mainit na panahon. Hehe. 1/4 na pork lang yang niluto ko and good na sa aming mag-iina hanggang dinner. Mayroon parin namang natira sa daing from our breakfast kaya okay na 'to. Di din naman uuwi si mister kaya dapat saktuhan lang ang luto. Dahil kapag hindi ako lang din ang uubos. 😅 Kumain na po ba kayo? Kung hindi pa e join na! 😉

E@ElyzzBerttErynn

Nakasaing na pero di pa tapos sa pagpiprito ng daing para sa almusal. Maaga kami sumamba ni mister kaya nakadaan din sa bakery at nakabili ng pandesal. Kape at pandesal ang breakfast nya at 'yun na din ang baon nya para meryenda nya mamaya. Di na ako nakapagprepare ng baon nya for lunch kasi mali-late na at maaga ang pasok nya today. Tapos bukas until Sunday naka on-loan sya sa dati nyang branch kaya di sya makakauwi ng ilang araw. Buti na lang bago sya nakaalis kanina e naalala nya na malapit na ang due ng water pero wala naman kami narereceive na bill. Madalas kasi iniipit lang ng delivery man sa gate ang bill. Tapos ilang araw kaming wala baka nahulog sa labas. Kaya mamaya kapag nakatapos na ako makapagpamodule sa mga bata kailangan ko ng asikasuhin yung sa water at makabayad na din. Kamusta po kayo? Nakapag almusal na ba? 💚 Magandang umaga nga po pala. 😉

E@ElyzzBerttErynn

Done na with our module for today. Maaga na kami nakakatapos ngayon kasi sakto na 'yung set of module na binibigay nila. Dahil nga ngayong week ay nagstart na ang limited face to face classes kaya ang binibigay nilang module para sa mga di kasali sa "f to f" ay good for 4 days lang. Every morning saka pa lang sasabihin ng teacher kung anong lesson/activity ang kailangang sagutan. Mas mahirap noon kasi ang dami ng set of module na pinamimigay na obviously di nila masyadong nachecheck na sobrang dami. Na kung titingnan e napakahirap tapusin ng mga bata in less than 2 weeks. Sa ngayon sakto lang sa pang isang linggo 'yung binigay. Every Friday naman ang retrieval/distribution. Ang hirap lang sa part ko na dalawa ang student ko at mas okay parin ako sa set up namin na one-on-one session. Mas natututukan ko kasi sila. Saka magulo kapag pinagsabay ko at mas lamang ang laro at kulitan. Medyo bad news lang sa ibang parents kasi hindi naiallow si teacher na magpa face to face dahil hindi sya vaccinated. Napag usapan na lang na magkakaroon ng tutorial classes sa bahay nya every Saturday kasi kahit yung dating pa one-on-one session nya before e pinagbawal na din sa school. Sa akin naman walang kaso pero sa ibang parent na gusto ng makapag f to f ang anak nila e bad news talaga. Ako naman e nasa bahay lang, mas gusto ko parin na ako na muna sa mga bata. Para mas safe! 😉💚

E@ElyzzBerttErynn

Salamat po sa mga blessings! 🙏☝ Sobrang nakakahappy lang talaga! Bilang magulang lahat ng ating pagsisikap ay para talaga sa ating pamilya lalong lalo na sa ating mga anak. Malayong malayo pa kami sa aming mga pangarap pero sa tamang panahon at pagsisikap maaabot lahat. Isa na lang po kumpleto na ang chikiting patrol. ☺ In God's perfect will and timing.. 🙏

E@ElyzzBerttErynn

Ngayon na sana ang start ng Limited Face to Face classes ng pre-school and ilang mga nasa grade school. Sabi nila experimental stage pa lang daw. Ako naman di ko na sinali mga anak ko kasi iilan lang din naman yung iaallow nila. Saka nakakabother parin naman kahit pa nga alert level 1 na lang. Syempre mga bata di mo pa maaasahan na alagaan nila mag isa ang sarili nila. At di mo din naman maiaasa lahat sa teacher na mabantayan yan sila. Nakakalabas nga mga anak ko pero napakadalang lang and with closed monitoring ko talaga. Kaya may kaba parin na isama sila at di ko sila mamomonitor personally. Tapos sabayan pa na magpapasign sila ng waiver na wala silang pananagutan if ever magkasakit mga bata ng covid. Kaya kami ni mister e modular parin ang pinili kahit pa nga talaga namang mahirap. Isa pa delayed din sa section ng mga bata kasi ang teacher nila e hindi parin vaccinated. Still appealing pa sa higher division/superiors na iallow sya kahit di nga vaccinated. Kaya 50-50 parin kung matutuloy ba or hindi. Nakatapos na kami sa lessons namin today kaya maglalabada muna si inday at mamayang hapon e pracrice writing naman. Aja! 😉

E@ElyzzBerttErynn

Kakatapos lang magdinner. Busolved! ☺ Mackerel sinigang ang niluto ko for our dinner. Simula talaga ng matry ko magluto nito at nagustuhan ng mga kids ko e never na syang nawala sa meal plan ko. Kasi aside sa talagang masarap sya e napaka-swak sa budget at less hassle lutuin. Napaka-easy lang, di nagrerequire ng mahabang oras sa pagluluto. Kaya sa mga momshie na gaya ko na laging nagmamadali sa mga gawain sa araw-araw ay perfect talaga ang mga easy to cook meal. 💚 Gandang gabi sa lahat! Kayo po ba ay kumain na? ☺ P.S. Phone ni mister @Mugiwara4178 ang gamit ko sa pagpicture kaya may watermark/name nya ang uploaded pic ko. Gamit kasi ng junakis ko ang phone ko, hirap makisingit e! Hehe.

E@ElyzzBerttErynn

We're home and we can finally rest from those sleepless nights. Still hoping and praying that somehow everyone will slowly cope up and recovered from the losses. 🙏 We brought home some chocolates that was given to the kids. Some cupcakes, biscuits and juices also. I'm familiar with a pamahiin regarding this but we don't believe in such. I strongly believe that it is ultimately wrong to throw out and waste food. 😉

E@ElyzzBerttErynn

Masaya na nakabalik muli dito pero malungkot naman dahil sa di magandang pagkakataon. Wala pang 6mos ng mawala ang pinakahaligi ng kanilang tahanan at mas higit na masakit na may nawala na naman. Ganun daw talaga ang life! Sabi nga nila e una-una lang yan. Kapag may mga ganitong pangyayari saka mo marerealize kung gaano kaiksi ang buhay ng tao. 😔 Live happy and meaningfully! 🙏

E@ElyzzBerttErynn

Iba na naman ang trip ng mag-amang 'to! Basta sa kakulitan e magkasundong magkasundo. 😅 Nagkakape kami at ang bunso sige ang "sing and dance". At ng mapagod na sya e ako naman ang napagtripan ng mag-ama! Ang sabi ng magaling kong asawa e, " Tawanan natin ang Mama!" At ang bunso naman ay game na game! Wagas na wagas ako tawanan! Di mo masasabing pilit ang tawa at galak na galak yung tunog ng halakhak nila. Talaga naman oh! 😅

E@ElyzzBerttErynn

Kakatapos ko lang magbreakfast, nauna sa akin ang mag-aama ko kasi pinakain ko pa ang bunsong makulit. Ayaw sumabay sa dining at sya saw ay princess mermaid. Pretending na may tail at lumalangoy kahit walang tubig. 😅 Sinubuan ko na lang habang sige sya sa pagwiggle ng kanyang legs este buntot daw. Hehe.May pa-dive and splashing effect pa syang nalalaman. Ang kulet! 😂 Ngayon naman e magkakape na ako para kumpleto ang morning. Di pala kami natuloy kahapon, adjusted ang date ng burial ng sis-in-law ni mister. Bale 3 days lang ang ilileave nya from work so hindi na aabot sa burial kaya papasok muna sya today and tomorrow tapos sa Thurs na kami papasundo at hanggang Linggo na kami doon. Napagod ako sa pagpacked ng gamit namin pero ang maganda dun naforced ko mga bata matapos ang lahat ng school activities nila nung weekend kaya maluwag sched namin ngayon. Magfocus naman ako sa simple addition saka reading parin para productive. 😉

E@ElyzzBerttErynn

Late lunch! Medyo nabusy sa pagpack up ng mga gamit namin for later. Alam na kapag may 3 chikiting sobrang hirap mag ayos ng gamit na kailangan. Lalo at may nagmimilk pa pero buti matagal ng nagstop sa nappies ang bunso ko. Hehe. Nakalimot na sa time at di na nakapagprepare for lunch kaya nagfry na lang ako ng hotdogs for my big two, cereal sa bunso. Ang sa amin naman ni mister ay salted eggs with tomatoes and onion. Naisipan kong lagyan ng green chillis and pak na pak sa lasa. Ang sarap! 😉 Tara kain po. 💚

E@ElyzzBerttErynn

Busy ang aking mag-aama sa kanilang mga pet! Super happy ang anak kong lalaki kasi last time e bumili si mister ng "snail". Yan talaga ang greatest love ng anak ko! Ever since kapag tinanong mo sya kung anong pet gusto nya e snail talaga yan then next is beetle. Haha! Ilang beses na sya nakahuli ng mga nagkalat na snail dun sa mga in-laws ko. Yun ang mga kumakain ng mga halaman doon. Ginagawan pa nya ng mga bahay pero ginagawan ko din ng paraan para madisposed kasi di daw okay as pet at baka poisonous pa. Pero meron palang snail na pwede sa aquarium. Sila 'yung naglilinis ng tank. Kaya si Bertt ko ang attention ngayon e nakafocus hindinna sa fish kundi dun sa snail nya. Lagi nyang binabantayan baka daw tumakas kaya kapag nasa taas na ng glass wall e binababa nya sa floor. Happy Monday to all! 💚

E@ElyzzBerttErynn

Nadadaya yata ako ng mga girls ko! 😂 Tawa sila ng tawa at ang malas malas ko panay sa snake ako napapatapat. Nagplay time muna kami kanina para maenjoy parin naman nila ang Sunday Famday. 💚 Mamaya kasi kailangan ko magpamodule. Di man namin matapos e dapat makarami kami. Aalis kasi kami bukas at sa pupuntahan namin e malabong makapagpamodule ako ng ilang araw. Baka kapusin kami sa oras. 'Yang snake and ladder game na yan e nabili ko lang ng 5Php sa tindahang malapit dito tapos dinikit ko sa karton. Ang liit ng dice kaya gumawa na lang ako ng medyo malaki at si Elyzz na nagsulat ng number. 👌

E@ElyzzBerttErynn

Sobrang busy ko sa maghapon! Pagoda much! After ko natapos maglaba mga past 5pm na din yun e diretso nagpamodule ako kay Elyzz. Mamaya naman after dinner e si Bertt naman. Para na akong naglalagare sa mga gawain ko. Hindi talaga ako nagpapamodule during weekend kasi pahinga na nila dapat ngayon. Sa reading exercises lang talaga ako di napalya as in daily talaga. Pero meron kasing important family matters na need naming puntahan by Monday. Hindi ko sure if ilang araw kami sa mga in-laws ko kaya need namin makarami sa module nila ngayong weekend. Baka kasi di namin matapos on time. Sobrang busy ko na after ko magpamodule diretso naman sa kusina to prepare for our dinner. Pagbalik ko sa living area e ayan na ang bunso ko.. Nakatulog na ng ganyan. Naawa naman ako bigla. 😔 Ang hirap pagkasyahin ang oras, pagoda at hagardo na akong tunay. Literal na panda na din gawa ng eyebags. Paniguradong puyatan ulit at gigising 'to ng alanganing oras mamaya. Hahay!

E@ElyzzBerttErynn

There's a kitchen hack na very life changing ang nadiscover ni mister sa fb! Not sure if familiar na kayo at pinapractice nyo na 'to pero kaming mag-asawa parehas naming di alam. Hehe! Madalas kami mapanisan ng kanin kasi di ko matantya 'yung exact cup(s) na magiging enough sa amin since ako at mga bata lang madalas ang nasa bahay. Kapag 1 cup minsan kulang kapag ginawa ko namang 2 cups ang daming natitira at ang ending nasisira lang kahit pa nga nirereheat ko naman. May nadaanan si mister na post from "Home Buddies" group sa fb na naglalagay daw sila ng "vinegar" sa sinaing para iwas sa pagkapanis. Naitry namin and talagang napaka-effective! E knowing vinegar na ginagamit naman talaga para humaba ang span ng food diba?! Ewan bakit di namin naisip 'yun. Kaya laking tulong na din sa akin kapag alam kong busy ang araw ko e dinadamihan ko na talaga ang sinaing without any worries na mapapanis! Napakabisa, try nyo din! 😉 Nga pala, sinigang na mackerel ulam namin for lunch. Kayo ba? Tara kain na! 💚