read.cash Log in
E@ElyzzBerttErynn

Done na with our module for today. Maaga na kami nakakatapos ngayon kasi sakto na 'yung set of module na binibigay nila. Dahil nga ngayong week ay nagstart na ang limited face to face classes kaya ang binibigay nilang module para sa mga di kasali sa "f to f" ay good for 4 days lang. Every morning saka pa lang sasabihin ng teacher kung anong lesson/activity ang kailangang sagutan. Mas mahirap noon kasi ang dami ng set of module na pinamimigay na obviously di nila masyadong nachecheck na sobrang dami. Na kung titingnan e napakahirap tapusin ng mga bata in less than 2 weeks. Sa ngayon sakto lang sa pang isang linggo 'yung binigay. Every Friday naman ang retrieval/distribution. Ang hirap lang sa part ko na dalawa ang student ko at mas okay parin ako sa set up namin na one-on-one session. Mas natututukan ko kasi sila. Saka magulo kapag pinagsabay ko at mas lamang ang laro at kulitan. Medyo bad news lang sa ibang parents kasi hindi naiallow si teacher na magpa face to face dahil hindi sya vaccinated. Napag usapan na lang na magkakaroon ng tutorial classes sa bahay nya every Saturday kasi kahit yung dating pa one-on-one session nya before e pinagbawal na din sa school. Sa akin naman walang kaso pero sa ibang parent na gusto ng makapag f to f ang anak nila e bad news talaga. Ako naman e nasa bahay lang, mas gusto ko parin na ako na muna sa mga bata. Para mas safe! 😉💚

7 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.