Ginataang gulay for lunch! Super fave ng aking nag iisang anak na lalaki. Kung titingnan mo at ikocompare ang built ng katawan nya sa mga kapatid nya e sya 'yung medyo payat. Pero napakagana naman nya kumain at di mapili gaya ng mga kapatid nya. Hindi siguro talaga sya tabain kasi sobra naman kasi sa likot. 😅 Hindi din sana ito ang lulutuin ko kasi kaming dalawa lang ang kakain pero kaysa naman masira at masayang ang stock kong gulay e niluto ko na. Hanggang mamayang hapunan na namin ito ni Bertt. Si Elyzz ko nagpa-open ng canned tuna at si Erynn naman ay nagpaluto ng egg. Hirap kapag picky talaga sa pagkain mas napapagastos. Pero sana naman talaga in the near future e matutunan ng mga bebe girls ko kumain ng gulay. 💚 Kumain na po ba kayo? Tara, kain na! ☺
5 comments
May mga ganun talaga siguro sis, ang bunso ko ring kapatid e ang payat din pero super lakas kumain, mabilis lang talaga ang metabolism.
Sana all ganun ano! Ako nga kahit magbawas ng kain talagang sablay metabolism ko at tabain talaga. Haha
Kaya nga po ay, sana tayo rin hahaha same us po apaka bagal ng metabolism ko
Sis may mga ganun talagang bata yung hindi tabain kasi mabilis ang metabolism nila. Yung anak ko kahit naman anong gana ng kain nila hindi pa din tabain. Hehe. Ang mahalaga sis hindi sakitin ang mga anak natin🥰 Eat well sis.
Oo nga ano sis. Mahalaga hindi sakitin kahit naman payatin e healthy naman sila. Baligtad yung mga girls ko ang chub chub. 😅