Busy ang aking mag-aama sa kanilang mga pet! Super happy ang anak kong lalaki kasi last time e bumili si mister ng "snail". Yan talaga ang greatest love ng anak ko! Ever since kapag tinanong mo sya kung anong pet gusto nya e snail talaga yan then next is beetle. Haha! Ilang beses na sya nakahuli ng mga nagkalat na snail dun sa mga in-laws ko. Yun ang mga kumakain ng mga halaman doon. Ginagawan pa nya ng mga bahay pero ginagawan ko din ng paraan para madisposed kasi di daw okay as pet at baka poisonous pa. Pero meron palang snail na pwede sa aquarium. Sila 'yung naglilinis ng tank. Kaya si Bertt ko ang attention ngayon e nakafocus hindinna sa fish kundi dun sa snail nya. Lagi nyang binabantayan baka daw tumakas kaya kapag nasa taas na ng glass wall e binababa nya sa floor. Happy Monday to all! 💚
2 comments
Galing naman ng bebe mo sis, he knows na kung ano ang interest niya. And nakakatuwa kasi support kayo parehas ni hubby mo hihi
Medyo di na nya masyado pansin ang mga fish nya. Tutok talaga sya sa snail kasi simula't simula pa lang yun talaga gusto nya.