read.cash Log in

@ElyzzBerttErynn

Joined 6 February 2021 · 3288 posts

120 KT

0 KT · 50¢ received · 0 KT given

Posts

E@ElyzzBerttErynn

Dinner is ready by now but we'll eat maybe a little later. We are still full from our snack earlier. I cooked sauteed bitter melon with ground pork and eggs, and fried tilapia to complement this dish. I still think my eggs was lacking because I usually wants my ginisang ampalaya with lots of eggs in it. I want it dry also so I don't really put water. The sabaw (very little to almost none) was pure extract of all the ingredients combined together. Yumyum! 💚

E@ElyzzBerttErynn

I gave my kids their morning snack around 10am. Bun with mayo-luncheon meat for Bertt, Bun with choco spread for Elyzz and Bun with peanut butter for my bunsong Erynn. My big two finished theirs within few minutes. I didn't monitor my youngest but last time I checked on her she's still eating. Just a few minutes ago she went to me and gave back the bun, torned and without the peanut butter filling. Look at her dungis face! Smiling naughtily! Harhar! 😅

E@ElyzzBerttErynn

Got the kid's 3rd ayuda from school! Yey! Di pa 'to ang last kasi 4x sila magbibigay! Sobrang laking tipid at blessing na nito. May bigas, tinapay, gatas, juice at fruit. Very healthy! Sulit ang paglabas ko kahit tirik ang araw. Tamang tama para sa snacks namin mamaya. Hehe! 😉💚

E@ElyzzBerttErynn

Kids are awake now and we can finally have our breakfast. Just had a cup of black coffee earlier to woke up my senses. Had trouble sleeping last night that makes me feel a bit drowsy and got a mild headache. 😔 I cooked my girls fave "lava" eggs and chicken nuggets for my son. Girls doesn't eat nuggets and same goes to my son who doesn't like eggs. How's that? Hoho! Anyway, if you haven't eaten yet why not join us? Come and dig in. 😉

E@ElyzzBerttErynn

Finally nakagamit din ng phone! Hahay! Ang hirap makasingit sa mga chikiting pero I let them play naman nga. After nila makatapos sa activity nila para reward na din para mas ganahan sa studies nila. Nakapaglunch na ba kayo? Done na po kami. Fried tilapia sa mga kids at steamed okra with bagoong alamang naman ang akin. Busolved! 💚

E@ElyzzBerttErynn

Just got home from school for the retrieval of my kid's module. It should be yesterday but was canceled due to faculty meeting and they moved it on Wednesday. They changed it again last minute and make it today at 8:30 to 11:30am. Hahay! It will always be a hassle on part of the parents specially if you already had plans ahead. It's always been this way but how are you going to complain. It's hard on my part even though I am a "stayed at home" mom how much more to those who have work or running their own businesses. The heat outside was too much! I got a headache for walking under the scorching heat for several minutes. There's plenty of stores along the way and I was able to bought some fishes, tilapia and galunggong. I am starving now, I forgot to eat breakfast before I go. I just had coffee earlier. Gonna eat siopao first then I'll prepare for our lunch. Our afternoon will be spend doing modular lessons. Aja! 💪

E@ElyzzBerttErynn

I got a hard time sleeping last night. My lower back is aching and I can't find a good sleeping position to ease the pain. Been so tired from doing the laundry yesterday. And I ended up waking up a little late today. When I don't have sufficient time to prepare for hubby's packed food, I go for these quick and easy to prepare foodie. I just steamed siopao and siomai for him. He goes to work at 7am and I just finished preparing food for my kids. What's for our breakfast? I fried hotdogs, chicken nuggets and cooked hicken noodles. Sorry, everything is non-healthy but in moderation it's still okay I guess. For lunch I'll cook chicken tinola so it'll be healthy. Need to compensate and get the balance nutrition for them. It's hard when they all differ in their taste preference and my girls are too picky eater. Sigh! Anyway, good morning NC friends! Have a great ChooseDay ahead! Bless us all! 🙏💚

E@ElyzzBerttErynn

Done with our dinner! Nagluto ako ng ginataang gulay pero ako, si mister at si Bertt lang ang kumain. Nagprepare naman ako ng fried egg para kay bunso at si Elyzz naman nagpa-open lang ng canned tuna. Ang hirap magprepare ng pagkain kapag picky ang mga bata. Kahit naman pilitin e ganun din. Aasa na lang na paglaki nila e kakain din sila nyan since nakikita naman nila kaming kumakain palagi ng gulay. Kumain na ba kayo? Parang gusto ko ng magkape pangtanggal pagod. Kayo ba nagkakape din bago matulog? 🤔

E@ElyzzBerttErynn

Today is supposedly the schedule of retrieval of modules but was canceled due to faculty meeting. The schedule was moved on Wednesday. It means my schedule for today is not that loaded and I can do and focus with my laundry. Yey! 😁 I already set the washer with the first load while monitoring my son with his writing activity. They don't have modules to answer but their reading and writing sessions will push through. We're doing it on a regular basis even on weekends. Yesterday we should be doing it but hubby insisted to let the kids rest on Sundays. During weekends I never let them do their modules but I always make sure to have them read a short story once or twice in a day. It won't be longer than 15mins per session. 🥰 My husband was laughing at me while saying this, "Ang higpit mo namang teacher! Buti di ikaw ang nanay ko. Kawawa mga bata." And he was laughing really hard! I told him that he's being harsh to me while laughing also. Maybe that's the reason he bought an ice cream for us. Lol! 😂 While busy si Bertt ang mga girls e busy din! Busy sa pagkakalat! Haha! They are just starting kaya alam na this! 💚

E@ElyzzBerttErynn

Kumain na po ba kayo? Kami e kakatapos lang. Pinakbet at luncheon meat ang niluto ko for our dinner. At dahil maganda ang performance ng mga kiddos sa kanilang school activity e nagpa-ice cream ang aming Papa. Yey! Sana laging may reward. Happy ang kiddos at happy din ang Mama! Hehe. Nakakatuwa din ang remarks sa kanila ni teacher. Super happy lang na well appreciated ang efforts ng mga bata. 💚 Tara magpalamig! 🍦

E@ElyzzBerttErynn

Feeling happy at sa wakas nakatapos din sa Performance Task ng mga kiddos. Already uploaded na sa group/page nila! Yey! Nakakapagod ang production pero napakasaya naman. 😁 Meron na akong little "Nurse" and "Scientist". At thankful kami sa special participation ng aming bunso na nag-act as patient. Ang galing nya in fairness! F na F nya ang given role sa kanya. Daming pagod kaya pahinga lang ng very slight tapos sasabak na ulit sa mga ligpitin at napakarami naming kalat. Hehe! Kamusta po kayo? Kamusta ang buhay-buhay? Miss you all! 🥰

E@ElyzzBerttErynn

Ang aking pinagkakaabalahan! 😁 Kailangan ko ng matapos ang props namin para bukas. Di pa ako nakakapangalahati! Hehe! Wala akong katalent talent sa art pero kapag kailangan naman pala e may mapipiga kahit kaunti! 😅 Yung mga garapon ko didikitan ko na lang ng drawing ng beaker and flask para kapani-paniwala naman ang science experiment! At mafeel naman ng anak ko na sya ay tunay na "Scientist". Aja! 💪

E@ElyzzBerttErynn

Lunch is ready! Very easy to prepare at super affordable pa! Masarap at swak sa budget - Mackerel sinigang! Tapos samahan natin ng ripe mango panghimagas! Medyo mura pa ang ripe mango ngayon, 90Php ang kilo. Nadala ako sa sales talk ni ateng tindera. Matamis daw at hindi kinalburo! At dahil super fave yan ng nag iisang pogi kong anak kaya napabili ako. Hehe. Tama naman si ateng tindera at matamis nga! Pagkauwi ko pa lang at pagkakita pa lang ni Bertt e nanghingi na agad. Oh sya, tara kainan na! 😉💚

E@ElyzzBerttErynn

Dahil medyo okay na ang mastery ni Elyzz ko sa mga cvc words or short vowels sounds e time na para makapagmemorize sya ng paunti-unting sight words. Nakahanap naman ako ng mga list of sight words pero di ko pa naipaprint at medyo may kamahalan ang paprint dito. Wala pa kasi kaming printer pero "soon". Yan ang isa sa mga gusto ko mabili para di na mahirap para sa studies ng mga anak ko. Ayaw ko din naman isulat lang. Mas gusto ko 'yung pangmatagalan ng gamit like flashcards or laminated bondpapers na sana. Nakahanap naman ako sa lazada at ang ganda! 16 sets of 100 sight words sya na laminated tapos may free pang bookmarks! Okay na sana kaya lang pagcheck ko nagdouble ang 10th set at missing ang pag 12th set. Nagmessage agad ako sa seller na ganun nga pero di ako nagsabi na palitan nya or whatsoever basta ininform ko lang. Ang bait naman "nag-sorry" at ipapadala na lang. Sabi ko naman e okay lang at nagthank you na din ako. Kung ipadala man nga nya edi "salamat" kung hindi e okay lang din naman at nagawan ko na ng paraan. Ayan nagsulat na lang ako. Di man kagandahan e pwede ng pagtyagaan. 😅

E@ElyzzBerttErynn

Ready na ang peeler! Kagabi ko pa 'to gusto kainin at nakakapangasim! 🤤 Past 11pm na dumating si mister at dala nya yan pasalubong nya sa amin ni Bertt. Kaming 2 lang kasi ang kumakain ng mangga. Binili pala nya yan last Wednesday pa pero di nya naibaba sa ebike nya. Nalimutan at kagabi lang din nya naalala na bumili sya ng mangga. 😅 Nauna ng kumain si Bertt kanina. Naipagbalat ko lang ng isa kasi busy pa at nagpapractice writing ako ng numbers kay Elyzz. Ngayon e turn ko na! May bagoong ako kaya lang hindi spicy pero keri na 'yan, bukas na ko bibili ng sili! 😁

E@ElyzzBerttErynn

May performance task ang mga chikitings! Need nila iact kung anong profession or dream nila sa kanilang paglaki. Si Elyzz gusto maging nurse at si Bertt naman gusto maging scientist. Kung hindi sana submitted 'yung learner's profile na nakadeclare 'yung gusto nila e ipapabago ko sana. Haha! Para kung ano 'yung available nilang toys na lang ang ipapagamit, less hassle sana! Kasi naman kung ano 'yung gusto nila e wala talaga kami kaya ang end up ay mag-DIY from costumes and props! Pero nakakatuwa din 'yung ganitong activity at gagawa kami ng science experiment. Naexcite din ako! Yun nga lang naextra ang bunso, sya din daw gusto naman fire fighter tapos doctor. Nakailang bago na sya! Goodluck naman! 😅

E@ElyzzBerttErynn

Second ayuda from school! Yey! Happy na naman ang aking "cereal baby" at may fresh cow's milk ulit. Nakakatuwa ang pafeeding ngayon sa school kasi lahat ng students binibigyan. Noong panahon ko 'yung mga under nourished lang ang binibigyan e. Sa pagkakaalam ko 4x sila magbibigay kaya after nito mayroon pa ulit sa susunod. Laking tipid ko na nito sa fresh milk saka masarap yung milky bun nila. Ang ayaw ko lang 'yung bigas kasi di mabango. Iron fortified 'to kaya nung unang bigay e niluto ko agad pero di sya masarap at di din mabango kaya minixed ko na lang sa bigas ko na available dito. Very healthy din ng calamansi juice nila pero ayaw ng mga bata kaya kami ni mister na lang ang uminom. 😉 Salamat sa maagang blessings! 🙏

E@ElyzzBerttErynn

Dahil maaga naming natapos ang 2 sets of module ng mga kids e marami akong free time. Feb. 28 pa ang retrieval pero tapos na kami. Yey! At dahil nga dyan ang aga ko din nakatapos sa mga chores ko. Ang sarap sa feeling na bagong mop ang sahig. Nakakapresko sa pakiramdam! Natapos ko din ibrush lahat ng puzzle mat ng mga bata at syempre natapos na din sa kusina at cr. ☺️ Ang daming chores ang nasasacrifice kapag may lessons mga bata at kahit talagang eyesore na sila e wala namang magagawa. Kailangan iprioritize 'yung mas mahalaga! Hayaan ko muna ienjoy nila ang kanilang free time dahil mamaya may pratice reading and writing parin kami. Tamang upo na muna at napagod din ako. Kamusta po kayo? 💚

E@ElyzzBerttErynn

Ngayon lang ulit nakaupo, pahinga ng sandali at ang sakit na ng likod ko! Di biro ang paglalaba! Ang sakit sa katawan e. Tapos naman na ako at magsasampay na lang. Nakaluto na din ako ng dinner. Kaunting pahinga lang mga 5mins siguro at maghain na ako ng makapagdinner na. Kailangan ko pa ng marami-raming energy para makatapos sa sampayin at ligpitin! Aja! Nga pala fried chicken at ginisang gulay with giniling ang niluto ko for dinner. If bet mo tara join na! 😉

E@ElyzzBerttErynn

Nakapagluto na ng meryenda ng mga chikiting! French fries ang request nila and with cheese. Yung available kong cheese medyo nagbuo na kaya dinurog ko na lang. Hehe. Di ko pala napicturan na with cheese na. Eto ay pang second batch kong luto. After ko kasi malagyan ng cheese e nakuha na agad ng mga bulilit. 😅 Back to labahin na ako! Mamaya na ako magkakape. Kailangan makatapos para di naman ako gabihin. Medyo late na din ako nakapagstart kasi pinatapos ko na kay Bertt ang module nya para bukas practice reading and writing na lang kami. Gandang hapon sa inyo! 💚

E@ElyzzBerttErynn

Lunch time na at kakatapos lang ni Bertt sa module nya. Napagod at nagutom na ata at after mag-answer e dumiretso sa ref. Ng wala syang magustuhang kainin e nagrequest ng champorado. Nang marinig naman ng bunso ko ang "champorado" ay nagsecond the motion naman sa kuya nya. Napacheck ako sa cocoa ko at medyo alanganin na kung kakasya. Buti mayroon pa akong isang goya dark chocolate in case kulangin ako. May binili kaming chocolate oats. Nagtry ako kahit alam ko na noon di nila nagustuhan. Nagtrt at baka sakaling magustuhan na nila. Para sana sa ganitong situation na nangbibigla ang mga bebes ko sa mga gusto nila! Sad to say di nila nagustuhan kaya ako na lang din kakain noon. Buti at half dozen lang ng sachet binili namin kasi itatry pa lang. At ayun nga di nila gusto kaya back to basic! Magpalambot ng sige sa kakahalo. 😉

E@ElyzzBerttErynn

Napasarap ang tulog naming mag-iina kasi maghapon na umuulan dito. Nakameryenda na po ba kayo? Dahil late na kami nagising e tamang cheese bites, bread pan and bread sticks kami ngayon. Di na nakapagprepare pa. Kailangan kong lumabas para pumuntang petshop, nagpareserved kasi si mister ng fish last Sunday. Kahapon ata nagkastock kaya pwede ko na kunin ngayon. Actually nagpunta ako kanina pero wala pa ang may ari. Natatamad pa naman ako at umuulan nga. 😅 Kailangan ko pang takasan ang bunso at ayaw ko isama. Tawang tawa lang ako sa kanya at sleepy daw sya samantalang kagigising nga lang. Edi nahiga sya sabay sabi sa akin na, "Ma, I'm sleep-watching." Maya-maya e tumayo sabay sumayaw naman, "Ma, I'm sleep-dancing." Simula ng nalaman nya 'yung about sa pag "sleepwalking" e ginawa na nya lahat sa mga activities na ginagawa nya. Kulet nya ihh! 😂

E@ElyzzBerttErynn

Preparing na for lunch! Habang nakasalang at pinapalambot ko pa ang pork para sa aking nilaga e pinapatapos ko ang pagsusulat ng names nila sa module. Syempre di mawawala sa klase ang saling ketket na bunso! Never umabsent at never nawala sa eksena mapa-reading or writing pa yan. Kapag tinawag ko na mga kapatid nya nauuna pa yan sa lamesa with matching raised hand at sabing "Me first." Maaga syang natututo at kabisado na nya ang letters and sounds. Feeling ko sa mga susunod na araw pwede ko ng iintroduce ang cvc words sa kanya. Pero di ko sya kailangan madaliin at dapat ang focus ko e sa 2 ko parin. Nakakahappy lang na damay na din sya at mukhang di na ko mahihirapan kapag turn na nya. 👌

E@ElyzzBerttErynn

Gising na si Elyzz at diretso na agad sa may gate at nakadungaw sa labas. Tinawag ko para itali ang hair. Sabi sa 'kin, "Ma paggising nila labas tayo.". Nag-oo naman ako kaya lang tulog na tulog parin ang dalawa kaya mukhang negative. Maya-maya lang oras na para magprepare for dinner. Anyway, snack time na muna. Dalhan ko na lang ng meryenda ang munti kong dalaga habang nakadungaw sa gate. Nilagang saba, pritong saba at fresh na saba. Kailangan talaga na may pagpipilian e. Ang panganay ko alam ko na "fried" ang kanya, samahan na din ng milo para busolved. Tara kain po! Gandang hapon. 💚

E@ElyzzBerttErynn

Salamat sa ayuda! 🙏 Bumisita ang mga kuya (in-laws) at may pa 25kg na bigas at may pa-jollibee pa sa mga bata! Bidang-bida ang saya ngayong umaga! Di lang para sa mga bagets pati na din sa aming mag-asawa. Napakalaking blessing na may supply na ng bigas. Laking menos na sa budget namin. Di pa man nauubos 'yung last na dinala nila e mayroon na ulit kasunod. 🥰

E@ElyzzBerttErynn

Upgraded na ang Kinder-Patintero! Hindi na sa group chat nag-a-upload ng photos and videos monitoring kasi mayroon ng private group sa FB. Mas madaling mag upload, madalas kasi ang tagal kapag sa messenger. Kakatapos ko lang magparecite sa mga bata ng "Months of the Year". Last week naman 'yung " Days of the Week". Sobrang hirap magpamemorize sa mga bata pero kapag dinaan sa kanta ay sandali lang kuha na agad nila. Kaya ang ginawa ko naghanap ako sa YT ng nursery rhymes na very catchy para sa kanila. Once gusto nila 'yung tugtog e matic na "LSS" sila agad e. Tapos agad kami sa activity nila na yan pero syempre may module pa and writing exercises para kay Bertt. Aja! 💪

E@ElyzzBerttErynn

Budol is real! 😁 Susunduin na dapat namin ang mga bata dahil sumamba ng 9am. Pumunta kami before mag 10am kasi usually ganung oras e tapos na. Pero pagdating namin e magsisimula pa lang at after daw nun may rehearsal pa ulit ng awit. Akala ko uuwi na kami pero nag-aya si mister ang sabi, "Magtingin tayo ng isda." Edi sige kako. Habang naglalakad sabi ko dapat pala naicharge si "Choby" '(yung ebike nya). At sabi ko pa dapat dun kami sa phase 2 magpunta kasi mas marami kakong nagtitinda ng isda doon. Ang sagot sa akin e di naman daw 'yun at doon pala ako sa petshop niyayaya. Ngek! Akala ko mamamalengke kami at bibili ng pang-ulam! Kaya sabi ko sige bumili ka at magparami ng alaga para may mailuto ako. Haha! 😅 Titingin lang daw sya pero ayun nga tuwang tuwa sya at ang daming bago. Medyo naawa naman ako na hindi sya bibili kahit alam kong gustong gusto nya. Nahiya pa yata sa akin kaya ako na din nag inquire para sa kanya. Hehe. Kailangan suportahan natin sa hilig at stress reliever naman yan para sa kanya. Pare-pareho namang gusto ng mag-aama ko. Nagiging bonding na nila ang pagpapakain at paglilinis ng tank. 🥰 Maliit lang ang aquarium namin kasi regalo lang naman sa mga chikiting ko. Laging sinasabi ni mister na gusto nya mas malaki para makapagdagdag pa sya ng fish kaya ayun sabi ko e bumili na din sya. Nakakatuwa at napakahappy nya na parang batang nabigyan ng laruan. 😆 Mamaya pagsundo namin sa mga bata idadaan namin doon kasi may malalaking koi fish at ang gaganda! Matutuwa sila for sure! 👌😉

E@ElyzzBerttErynn

Sinundo ang aking mga chikiting kasi may practice pala sila ng kanta. Magrerecord ng awitin na dedicated para sa mga magulang. Magkakaroon kasi ng church event na exclusive sa mga parents kaya siguro may song number ang mga bagets. 😍 Pero dahil ayaw naman natin na maexpose sa crowd ang mga bata kaya ibi-video na lang nila. Kagagaling ko lang doon at nanuod sandali ng practice nila. Malapit lang naman dito bale sa kabilang street lang. Nakakatuwa panoorin ang mga bata! Nakakahappy na nakikitang nag-eenjoy sila. Umuwi na din ako kasi meryenda time na nila. Dinalhan ko din sila ng juice at saka milk ni bunso baka kasi manghingi doon. Ako lang mag-isa sa bahay kaya nakakapanibago ang katahimikan. Di ako sanay! Haha! 😂

E@ElyzzBerttErynn

Tuwang-tuwa naman ang bebe sa kanyang Home Shopping! From "carton fake goods" to a "real one". Bakit ba kagabi ko lang naisip gawin yan?! Hehe. Ang kyut kasi pati ako nag-enjoy!😅 Ang lakas kasi ng " S" nya kagabi at iyak ng iyak. Lahat na ng panunuyo ginawa na naming mag-asawa pero waley parin. Yan lang nakapagpatahan sa kanya. Business minded pala! 👌 Medyo may kasungitan nga lang ang munting tindera, ayaw kami pautangin e! Yari ang snack time namin, kailangan na namin magbayad! 😂 P.S. Repost with much clear image. 😉

E@ElyzzBerttErynn

Daming pagod sa maghapon! Sobrang hirap pagkasyahin ang oras para makatapos sa lahat ng gawain. Sa pagtutok palang sa pagmomodule ng mga anak ko e ubos na agad ang oras ko. Hapon na ko nakapagsimula sa mga gawain at labahin. Hanggang ngayon di pa tapos pero buti at magsasampay na lang naman. Nagstop ako para magprepare naman for our dinner. Monggo guisado with pork giniling, luncheon meat at eggs. May tinabi talaga akong chicharon para sa monggo ko kaya lang nahingi ni Elyzz. Ibinigay ko namn kasi malaki 'yun at di ko expected na mauubos nya. Haha! May natira siguro na tatlong piraso na nailagay ko parin sa niluto ko. Masarap parin naman ang tipid version. 😉 Tara kainan na! 💚