There's a kitchen hack na very life changing ang nadiscover ni mister sa fb! Not sure if familiar na kayo at pinapractice nyo na 'to pero kaming mag-asawa parehas naming di alam. Hehe! Madalas kami mapanisan ng kanin kasi di ko matantya 'yung exact cup(s) na magiging enough sa amin since ako at mga bata lang madalas ang nasa bahay. Kapag 1 cup minsan kulang kapag ginawa ko namang 2 cups ang daming natitira at ang ending nasisira lang kahit pa nga nirereheat ko naman. May nadaanan si mister na post from "Home Buddies" group sa fb na naglalagay daw sila ng "vinegar" sa sinaing para iwas sa pagkapanis. Naitry namin and talagang napaka-effective! E knowing vinegar na ginagamit naman talaga para humaba ang span ng food diba?! Ewan bakit di namin naisip 'yun. Kaya laking tulong na din sa akin kapag alam kong busy ang araw ko e dinadamihan ko na talaga ang sinaing without any worries na mapapanis! Napakabisa, try nyo din! 😉 Nga pala, sinigang na mackerel ulam namin for lunch. Kayo ba? Tara kain na! 💚
2 comments
Hindi po ba maglasang suka ang kanin nyo po? Yes, suka talaga para makaiwas sa panis, pero di pa rin namin na try po sa kanin.
Hindi sis, di sya lumalasa. 😉