Kakatapos ko lang magbreakfast, nauna sa akin ang mag-aama ko kasi pinakain ko pa ang bunsong makulit. Ayaw sumabay sa dining at sya saw ay princess mermaid. Pretending na may tail at lumalangoy kahit walang tubig. 😅 Sinubuan ko na lang habang sige sya sa pagwiggle ng kanyang legs este buntot daw. Hehe.May pa-dive and splashing effect pa syang nalalaman. Ang kulet! 😂 Ngayon naman e magkakape na ako para kumpleto ang morning. Di pala kami natuloy kahapon, adjusted ang date ng burial ng sis-in-law ni mister. Bale 3 days lang ang ilileave nya from work so hindi na aabot sa burial kaya papasok muna sya today and tomorrow tapos sa Thurs na kami papasundo at hanggang Linggo na kami doon. Napagod ako sa pagpacked ng gamit namin pero ang maganda dun naforced ko mga bata matapos ang lahat ng school activities nila nung weekend kaya maluwag sched namin ngayon. Magfocus naman ako sa simple addition saka reading parin para productive. 😉
4 comments
Umagang kay kulit ng bebe haha enjoy po sa breakfast sis.
Hehe energetic talaga si bunso sis ah. Naiimagine ko ang scenario niyo kaninang mag ina😅
Oo sis.. Naku panigurado si Ela mo ganyan na din sa susunod.. Saka alam mo sis namimiss ko na ng sobra na maliit etong mga bata. Ang laki na agad nila pati etong bunso ko. Nagkakabiruan nga kami ni pare mo na wala na kaming baby.. Di na makakabuo at sarado na tindahan.hehe
Hehe sayang nga sis kasi naman nag sarado naman kaagad ang tindahan. Alam mo sis ganyan din kami ni mister ko nun nung isa at dalawa palang anak namin, nakakamiss yung mga ginagawa nila nung maliliit pa sila. Ngayon ang lalaki na.