Nakaluto na ng ulam at waiting na lang ako sa sinaing. Hotdogs kay Elyzz, dried fish kay Bertt at "lava" eggs sa bunsong si Erynn. Kami lang namang mag-iina ang nasa bahay pero ang hinahanda kong pagkain sa araw araw e parang para sa maraming tao. 😅 Ganyan kapag magkakaiba talaga ng gusto. Kaysa naman hindi kumain at mas mamroblema pa ako. 'Yung mga matitira naman nila 'yun na ang para sa akin. Ang nanay ang tiga-ubos! Hehe. Tulog pa sila at mayamaya ko na sila gigisingin kapag luto na ang sinaing at ready to eat na. May samba sila ng 9am kaya need din namin magmadali. Aja! Gandang umaga nga pala sa inyo! Enjoy your FamDay! 💚
2 comments
Ganun talaga kapag iba iba ang trip kainin no sis kami ganyan din kaya minsan namomroblema na ang inay sa kung ano ang uulamin haha. Enjoy po, happy sunday
Oo tunay na tunay lakas makasakit ng ulo sa kakaisip ng ipapaulam. Hehe