Nahirapan ako mag-isip kung ano lulutuin for breakfast para sa mga bata. Kami naman ni mister maagang nakapagkape at pandesal. Sumamba kasi kami ng madaling araw kaya pag-uwi nakaabot pa sa tindang "malunggay" pandesal kaya solved na! Extra challenge talaga ang pag-iisip ng iluluto sa araw-araw. Nakita ko ang pancake mix ko na dapat pang snack sana namin mamaya. Yan na ang niluto ko para maiba naman sa usual breakfast nila. Sabi ko sa mga chikiting ko mamaya na lang kami mag-rice. Magluto na lang ako ng maaga for lunch. Mukhang okay naman sila at inienjoy naman nila ang pagpress and mold ng shape sa pancakes nila. 😉 Isang mapagpalang araw sa ating lahat! 💚
2 comments
Goods na rin hihi. Kahit nahirapan ka sis may naisip ka pa rin yan ang nanay hihi. Sarap nyan with choco syrup ang bet ko haha
Sarap naman ng breakfast ninyo sissy. Ang fluffy ng pancake sis pahagis naman ako ng pancake sis kahit isa lang. Without syrup na hehe sure na masarap yan kahit walang syrup